Rey's POV
Pagkakuha ko ng business card nya mula sa night stand ay may napansin ako, red stain mula sa bed sheet ng kamang ginamit namin?
Means I am her first one?
Damn. Ni hindi ako nag isip habang ginagawa namin iyon?
Papano kung magkabunga ang ginawa namin?
Mukhang kailangan ko si Louise para sa bagay nato.
Umalis na ako sa lugar naiyon at sabi naman nung cashier ay nabayaran na daw ni Carrel Hillary ang ginastos namin. Buti naman. Teka?bakit sya pa ang nagbayad?
Dumeretso ako sa parking lot ng CAB na ngayon ay nakasarado dahil bukas lamang iyon bandang hapon hanggang madaling araw.
Alas dyis na ng umaga, napakainit.
Umuwi na muna ako saamin para magmuni muni sa katangahang ginawa ko.
Bobo
"Rey?saan kaba galing kagabi?tinatawagan ka namin e" andito pala si ate sa condo, siguro ay pinatawag sya ni mama dahil hindi ako nakauwi kagabi
"Nakatulog ako sa Chile kagabi, sorry sa pag aalala" sambit ko at dumeretso kay mama para magmano.
Naamoy ko ang niluluto nyang nilaga at nakisuyong magtira nalang para sakin dahil magpapahinga ako ngayong maghapon.
Maya maya pala ay may salang na naman kami, sa Rizal?sasama rin daw ang pamilya ko kaya dun na kami sa kotse ko sasakay mamaya.
Makatulog muna. Carrel, pasensya na hindi ko intensyon ang bagay naiyon.
Kinuha ko ang business card nyang inipit ko sa wallet ko, gusto ko syang tawagan
Calling Carrel Hillary Hyssi
09*********The number you have dial is either unattended or out of coverage area.
Patay ang phone?
Sino bang aning ang may business card at hindi available every moment na kailangan mo? Hibang ba sya?
*knock*knock*
"Anak?andito si Louise sa baba, kakausapin ka ata" agad akong bumaba para kausapin si Louise, sakto dahil kailangan ko talaga ng tulong nya
Pagkarating ko doon ay halatang kakagising nya lang, nakashorts at sando at nakasuot ng hat.
Tumitig siya sakin at tinaas ang kilay nya, tumungo naman ako bilang tugon
"Mama, dito po talaga ko mag aalmusal e kaya dumeretso ako sa bahay nyo" alas dyis na mag aalmusal kapa samin?eh halata namang mas masarap ang almusal sa bahay nyo.
"Rey?pagtimpla mo ko kape akyat na ako sa kwarto mo" dugtong nya at agad tumakbo papuntang kwarto
Buraot.
Pinagtimpla ko naman si Louise ng kape nya at sumunod narin sa kwarto, kailangan ko syang pagsilbihan dahil ako rin ang may kailangan sakanya.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay hawak ni Louise ang sheeeet yung business card ni Carrel.
"New girl?" At sabay wasiwas nya sa business card naiyon
Agad ko naman iyong kinuha sakanya at napatawa si Louise
"Balita ko di ka umuwi kagabi ah?san ka nagpunta?broken hearted kapa ba?" Daldal mo Louise Rafael, isa kabang newscaster sa dati mong buhay?