Rey's POVIt's been 2 weeks and ngayon ay nagyaya si Shanne na magkita kami ngayong gabi, mas maiging kausapin ko narin sya para magkaigihan na.
2 weeks narin nung huling nacontact ko si Carrel, idunno kung meron ba o wala. Alam kong nahahalata nyong pinupush kong magkaroon pero hindi kasi iyon ang kaso dito, baka kasi kung anong mangyari sakanya kaya inaalala ko parin sya.
Rey, asan kana?nasa Max ako.
Malapit na ako, nasa entrance na ako.
Kumaway naman si Shanne mula sa entrance at agad akong lumapit sakanya. Alam kong hinahanap hanap ko rin itong bagay na ito, ang kiligin dahil nandito sya sa tabi ko. Hays, kailan kaya mawawala ang pagmamahal ko sakanya?
"Order kana dali" this our first time outside being an ex couples. Shet na malagkit.
"Pasta nalang iorder mo sakin then soda enough na yun" ngiti ko sakanya at tumingin sa paligid
Wala masyadong tao pero pakiramdam ko ay napakasikip ng paligid dahil ba to sa kanya o sa sikip na nararamdaman ko?
Alam ko na kasi ang pakay nya, ang sabihin na si Christian ang pinalit sya sakin at hihingi sila ng pagsang ayon ko. Hyp.
Di ba sya marunong sa 3 month rule?
Bakit kailangan pa ako?
"Rey?gusto ko sanang ipaalam sayo ang tungkol samin ni Christian, sana pumayag kana para masabi kong sya na ang boyfriend ko"
Napakainsensitive. Yan ang ayoko sa tao shet, walang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao.
"Sana kung ayan lang sasabihin mo ay nagtext ka nalang diba?bahala ka" this is the first time na umalis ako sa isang lugar dahil nasasakal ako, wala na akong pake kung maging sila man o mag break sila
Sana hayaan nya nalang ako masaktan sa mga bagay na paunti unti ko lang nalalaman, mas masakit kasi kung malalaman ko pa sakanya.
Baka naman inborn na syang insensitive na tao. Bahala sya
Ayoko nang ubusin ang pera ko kakabili ng alak at maglaklak dahil sakanya, mas lalo akong mawawalan kapag ganun. Tunay na iyak nalang siguro, umuwi na ako samin at tulad ng sinabi ko. Walang hangganang iyak ang maririnig sa buong kwarto ko, masakit e
Hanggang sa makatulog nalang ako hanggang alas dos ng hapon shems matagal na tulog yun ah.
Swerte dahil rehearsals lang ang meron sa banda namin ngayon para sa guestings namin sa sunod sunod na araw. Kahit medyo masakit ang mata ko sa pag iyak ko mula kagabi at nagugutom narin ay naligo na ako para di ako masabihang "late comer" ng mga kabanda ko.
Dumaan na muna ako sa gasoline station para magfill ng kotse, habang nagfifill ang kotse ko ay pumasok ako sa 7 11 dahil yun lang ang available na store malapit sa station.
Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako sa shades na gamit ko sa mga oras nato dahil namumugto parin ang mata ko. Mula sa malayo may nakita akong pamilyar na tao
Si Carrel at nakasakay sya sa isang kotse, sya ang driver at parang may iniintay maya maya ang may pumasok na isang babae sa kotse siguro ay mama nya iyon. She looks so good right now, kamusta na kaya sya?
Di ko na mapigilan ang sarili ko na lumapit sakanya pero umalis na ang kotse nya. Sayang.
Pabalik balik sya sa Rizal at Quezon?
San ba sya nakatira?
Kamusta na kaya sya?
Eto ang ayaw ko, ang mga tanong sa utak ko na hindi naman masasagot. Bumalik sa realidad ang utak ko dahil sa sigaw ng gasoline boy na puro na ang kotse ko napabalikwas naman ako at umalis na.
Carrel
Carrel
Hindi rin naman kalayuan ang rehearsals namin, sa Velvet sila nagpabook. Ang studio ng banda namin sa productions ay nirerenovate para gawing hanggang 2nd floor.
Pagkarating ko dun ay as usual ako nalang ang kulang sa kanila, alam ko na kapalit nito ang libreng dinner para sakanilang apat.
"Rey?saan tayo ngayon?ayoko na sa Max ah, magsawa ka naman" saad ni Rajih na nagpapack ng mga ginamit naming instruments kanina.
Buti nalang may banda at kaibigan ako para malimutan ang nangyari sakin nung nakaraan
"Tara mag Halo halo naman tayo, di na tayo nakakapagmalamig e" dugtong nya at lumabas na. Sumunod naman sina David, Sean at Louise sa kaniya papalabas. Nakakatuwa dahil kanya kanya kaming kotse ngayon, dati rati ay nagsisiksikan kami sa isang kotse kasama pa ang mga gamit namin.
Napagdesisyunan nila na sa Chowking kumain dahil may halohalo daw doon at masarap pa, tss mas masarap halohalo sa 3 holes.
Pagkarating namin ay napansin naming medyo may nakakakilala samin sa lugar na to kaya sa rooftop kami kumain, medyo hassle pero ayos naman daw iyon
"Ganda ng view dito ah parang walang pollution HAHAHAHA" tuwang tuwa si David na nakuha ng litrato na ilalagay nya daw sa instagram
"Rey kamusta na si Shanne?" Alam kong nag aalala to si Louise sakin lalo na sa mga nangyari nitong nakaraang araw, hindi nya rin alam ang tungkol kay Christian at Shanne
"Di ko alam kung ioopen ko ba sainyo to pero si Shanne?nanghihingi sya ng pag sang ayon ko sa relationship nila ni Christian ng GOL" alam ko namang mabibigla dahil sa sinabi kong ito
Nakita ko namang pailing iling si Sean sakin at biglang nagsalita
"Sabi ko na nga ba kaya kakaiba yun sa lahat e, sya lang ang bukod tanging di nakikipag usap sating lima. Pumayag ka naman?"
"Syempre hindi, kahit naman natanga ako sa tao e itutuloy tuloy ko na" proud kong sagot sa kanila, atleast hindi na ako marupok
Natatawa ako sakanila dahil sobrang lakas ng palakpak nila at nagsisigawan pa
"YES!HINDI NA MARUPOK SI REY"
Sunod sunod na sigaw nila sakin, nakakahiya sa makakarinig.
"Pero teka, sino ba yung babaeng nakasama natin sa Rizal nung nakaraan?bago naba agad?" Bakit ba naalala pa nila?
Nagsibalik na kami sa upuan namin at iniintay nila akong magsalita. Okay lang naman siguro sabihin sa mga to diba?
"Naka ONS ko nung nagbreak kami ni Shanne" pabulong kong sagot sakanila shet.
Nakatitig naman sakin ang tatlo samantalang si David ay niyakap ako, anong meron?
"You're the man bro! Ayos ka talaga. Girlfriend mo na?" Sabat nya at napailing naman ako, bakit ba kasi ako nalasing nun.
"Hindi e, tulungan nyo naman akong kontakin yung tao, kailangang kailangan e" sorry Carrel, di ko kayang mag intay ng dalawang buwan para makita kang ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/227819263-288-k993405.jpg)