Rey's POVTuloy tuloy ang inuman naming lima kasabay rin nun ang pagkekwento ko kung bakit ganun nalang ako kadevastated sa gabing iyon
"Di nga pre?di kayo nagkaexperience ni Shanne?eh diba napakaclingy nyo?" Napakasama ng lumalabas sa bibig ni Rajih potek.
"Ganto kashe yan *hik* nirerespeto ko yung tao HAHAHA pati narin ang sarili ko. Mukha lang akong mapaglaro sa babae pero hindi nukaba" tunay naman e.
Mula noong niligawan ko si Shanne nung 2023 ay kinalimutan ko ang lahat ng mga bagay na alam kong maaring sumira sakin, pwera nalang sa ibang bagay na nasaakin na bago ko pa sya makilala.
Tandang tanda ko nung una ko syang makilala bilang usher sa isang event ng Rakrakan Festival, sya rin kasi ang co manager ng bagong banda na nakakasabayan namin ngayon. Gallon of Love. Dun ko sya nakita at nakilala dahil sya ang humawak sa banda namin bago kami isalang.
Napakaganda nya, mula cheekbone nyang nakakaintimidate at pisngi nyang napakasarap pisilin. Natawa pa nga ako dun tunay na nastarstruck ako sakanya.
Agad kong hinanap ang socmedia acc. nya para doon magpasalamat at magkipagkamustahan narin. Katulad ng mala anghel nyang mukha ay ganoon rin ang ugali nya kaya habang mas lumalalim ang pagsasama naming dalawa ay mas minamahal ko sya.
Hanggang sa maging kami, sya talaga yung tipong wife material dahil marunong sya sa lahat ng mga bagay. Pero di rin pala dun magtatapos yun. Akala ko perpekto ang lahat pero nagawa nya paring maghanap ng iba.
Napatawad ko sya nang napatawad dahil Oo, MAHAL NA MAHAL KO SYA.
Pangit ng utak ko, nasa isip ko noon na hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. walangya.
˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙˙
Alas onse na ng gabi at napagdesisyunan nila na umuwi na pero ayoko pa dahil di parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko, gusto ko ay yung manhid na manhid na ako.
"Rey?iniwan namin sa counter ang number namin incase na di mo na talaga kaya ah?or tatawag ako ng driver para ipagdrive ka sa pag uwi mo mamaya" kung saan ka masaya Sean bahala ka.
HAHAHAHAHAHA. Legit na sakit
Bumaba nalang ako sa loop para dun nalang dahil pangit naman kung mag isa lang ako dito sa 2nd floor.
"Ende mund të jetoj" nahihilo na ako pero mas nakakahilo ang binabanggit ng katabi ko
Babae, mukhang foreigner. Nakakasilaw masyado ang kaputian nya kaya mas nakakatuwang tingnan
"Mabubuhay ako Hallë anuba" napakaingay na babae, swerte at nagtatagalog rin pala
Agad nyang tinapos ang tawag mula sa kanyang cellphone at humarap sakin. Marahil kanina nya pa napapansin na nakatingin ako sakanya.
"What do you need?" Damn. Delikado ako, nawawala ang pagkalasing ko sa mga binibitawan nyang mga salita
Di ko alam ang isasagot ko kaya umubob nalang ako sa high table na nasa harapan ko.
Panget ng CAB, bakit walang banda?napakaawkward ng paligid
"You're drowning yourself. Why?what happened?" Gusto kong sabihin sakanya ang lahat dahil panigurado ay hindi nya ako huhusgahan.
"My girlfriend cheated on me HAHAHAHAHA seems like I'm not good enough for her but It's okay makakamove on rin ako" at kasabay noon ang pagstraight ko sa isang boteng nasa harapan ko
"Hmm, that's why you look so prekës" sabay irap sakin
Anong prekës?yung nasa mukha?
"Wag mo nga akong kausapin ng ibang lenggwahe diba nagtatagalog ka naman?" Isa kapang nadagdag sa problema ko ngayong araw anuba
"Ikaw ba't ka andito?may hinanakit karin ba?" Tanong ko sakanya, ayos lang kung di sya sumagot basta napakita kong interesado ako sa kwentuhan namin
"jam i sëmurë dhe nuk mendoj se do të jetoj" sabi nya at napangisi
Napakaweirdo. Ano ba ulit ang sinabi nya?
Jam i semur de nuk mendo se do te heto? Ano bang lenggwahe nito?"Join me this night, I just want to live my life to the fullest" sabi nya at hinigit ang kamay ko papunta sa isang lugar
Nakarating kami sa isang VIP room ng CAB hindi ito normal na room na kung saan may karaoke kundi parang hotel room.
Halata ka akala ko inosente ang CAB hindi pala shocks.
Dahil sa kalasingan ay di ko narin maramdaman at maintindihan ang nangyayayari. Eto na ang kagustuhan ko, ang maging manhid sa lahat ng bagay.
Binigay rin sa wakas
Pero mali ang paraan dahil hindi ko alam na babago iyon sa kinakabukasan ko.
Sa sobrang manhid ng katawan ko ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko.
*kinaumagahan
Nagising ako sa lakas ng shower mula sa bathroom, napakasakit ng ulo ko. Grabe siguro ang nainom ko, agad kong kinuha ang cellphone para tingnan ang text ni Shanne saakin, at bigla kong naalala na hiwalay na nga pala kami kagabi ni Shanne wala nga talaga.
Nasaan ba ako?pagkakaalala ko ay nasa CAB ako pero mukhang hindi naman. Bakit ako nakatakip ng puting comforter?
Agad kong sinilip akong katawan ko behind sa comforter at shoot. Nakahubad ako? Ano bang nangyari kagabi?
Sinuot ko ang damit ko mula kagabi at napahawak sa sintido ko.
MAESTROOOOO, nakipagtalik ka sa taong hindi mo kilala?
Watda.
Biglang bumukas ang pinto mula sa bathroom at lumabas doon ang babae na nakasama ko kagabi.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko
Parang nung nakaraan lang ay sinabi kong hindi ko inoopen ang sex life ko dahil una sa lahat ay para sa kasal ko at ngayon nakipagtalik ako sa isang babaeng di ko kilala? Edi nawala narin ang respeto ko sa sarili ko at sa babaeng ito.
"Tss. Titingin kalang ba?don't worry ako na mauunang umalis. I'll leave my business card sa table and give me yours" Bakit kailangan pa?hindi ba pwedeng kalimutan nalang tong nangyari?
Kinuha ko naman ang wallet ko at inabot sakanya ang business card ng MH, kung maghanap man sya ay ang productions ang makakausap nya.
Pagkatapos nyang mag ayos ng sarili nya ay umalis na sya sa tinuluyan namin
Hindi ba big deal sakanya na may nangyari samin?o baka naman sanay na sya?
Binuksan ko ang pinto sa kwarto at nakita ko doon ang business card na iniwan nya
Carrel Hillary Hyssi
09*********
CC Id.Sa pangalan at apelyido nya ay halatang hindi sya Pilipino, baka foreigner na naghahanap ng fubu? At ako pa?
![](https://img.wattpad.com/cover/227819263-288-k993405.jpg)