Part 3:

8 0 0
                                    


Pov:

Maaga pa ay gumayak na kami ni tita para umalis, kakain na lang daw kami sa labas at maaga ring umalis si kuya Jr para maglaro ng basketball.

Pumunta kami sa sakayan dahil walang sasakyan sila tita, bumaba naman kami malapit sa paaralan ko, kumain muna kami sa isang karinderya, nagtanong-tanong na din kami sa tindera bago nagsimulang maghanap ng boarding house.

"Excuse me miss, asan ba yung mga boarding house dito na mura?" tanong ni tita sa babaeng dumaan.

Humarap ito sa amin.

"Meron po jan sa may harap banda ng school, meron din po sa likod tsaka sa bawat kanto may mga nakalagay na signboard tapos nakasulat 'Looking for boarders'." sagot niya habang tinuturo ang mga daanan.

"Naghahanap po ba kayo ng boarding house? " tanong nito sa amin.

"Oo, yung malapit sana sa school tsaka mura din."magiliw ko namang sagot.

Ayoko kong mapagastos ng husto si mama, wala kaming masyadong malaking pera para pang-gastos sa babayarin ko sa boardinghouse, pangkain at gastusin ko sa paaralan.

"Ahh, meron doon sa amin, pero malayo-layo nga lang kasi sa third block pa yung boarding house ko, mura din doon, pero quite scary nga lang minsan. Palakasan lang ng loob, lagi kasi nagkaka-ubusan ng boarding house dito sa malapi kaya no choice, pwede namang lumipat sa ibang mga buwan o taon. May matuluyan lang na malapit ngayong pasukan. Tsaka mahirap nang makahanap ng kwarto ngayon malapit na kasi ang pasukan tapos marami ding estudyante ang naghahanap dahil dalawa ang school na malapit dito." mahabang paliwanag ng babae.

Hindi naman ako naniniwala sa mga katatakutan kaya wala lang sa akin yung sinabi niya, ang akin lang gusto ng mas malapit. Mainit kasi kapag tanghali kaya mas mabuti yung malapit lang na uuwian.

Nagpasalamat na kami dito at tumalikod na para maghanap ng ibang kwarto.

"Sige, baka may mahanap naman kayong iba." paalam nito at naglakad na papalayo.

"Tao po, tao po. " tawag ko, galing sa labas ng isang bahay na may nakalagay ng room for rent.

Bumukas ang pintuan at niluwa ang isang matadang babae na malapit sa kwarenta ang edad kung hindi ako nagkakamali.

"Anong ho kailangan nila?" tanong niyo sa amin ng makalapit.

"May kwarto po ba kayong bakante?"tanong ko.

"Pasensya na pero puno na kasi kami, sa kabilang kanto baka meron pa." sagot naman nito.

"Sige po, maraming salamat." magalang na sagot ni tita.

"Sige." sagot nito at tumalikod na at sinarado ang pintuan kaya naman tumalikod na din kami.

Kanina pa kaming naglilibot dito pero wala pa din kaming makitang na may libreng kwarto, nakadalawang kanto na kami at halos sampung boarding house na ang natanungan namin, meron namang iba pero napakamahal, para namang ginto yung kwarto samantalang lababo at cr lang naman yung nasa loob maliban sa kama.

"Tita, subukan kaya natin doon sa boarding house ng babae kanina." suhestyon ko kay tita.

"Sigurado ka? Parang ang creepy kasi noong babae." sagot naman nito.

"Hindi naman po ako naniniwala doon."

"Ikaw bahala, kung magustuhan mo doon ay okey lang sa akin."

Kaya naman pumunta na kami ng kabilang kanto ng makita namin yung babaeng pinagtanungan namin kanina. Ngumiti ito sa amin at lumapit.

"Ano, may nahanap na po kayo?" magiliw na tanong nito sa amin.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon