Part 5

8 0 0
                                    


Pov:

Maaga pa lang ay nandito na ako sa harap ng boarding house ko, nagrenta ako ng tricycle dahil marami-rami rin ang mga gamit ko.

Alas otso na!

Sinimulan ko nangg hilain ang mga maleta  ko papasok sa gate.

"Oh Far, anjan kana pala. Tulungan na kita, sana tinawag mo ako." Saad ni Kylei na nasa puno ng pintuan ng bahay.

"Oo, ipapasok ko lang sana baka kasi nakakaharang sa daan kong may papasok." sagot ko dito.

Binuhat na nito ang rice cooker ko na nakakahon pa, kasama plantsa.

"Rhay pa tulong naman kaming magbuhat."

"Kayo din Faith." tawag ni Kylei sa mga babaeng nagkakape sa may kubo sa harap ng bahay.

Lumingon naman ang mga ito at tumayo. Lima silang nagkakape at nakaupo sa kubo.

"Saan yung mga bubuhatin Ky? Tanong ng isang babaeng may itim at bagsak na buhok, morena ito at may katangkaran din, halata ng mas matanda ito sa akin ng ilang taon.

" Ayon sana, hahatid lang sa second floor, room number 15." turo niya sa mga gamit ko.

Ng maipasok ang mga gamit ko ay umalis na ang mga tumulong sa amin magbuhat.

"Hintayin na lang namin kayo sa baba." sabi ng isa sa mga babaeng tumulong sa amin at umalis na.

Mahigit apat na oras din kaming naglinis ni Kylei. Nagpresinta siyang tulongan ako kaya naman pumayag na din ako. Kinandado kuna ang pintuan ng kwarto ko at sinukbit yung bag ko sa balikat ko ng maayos, tapos na kaming maglinis kaya naman sabay na kaming bumaba.

"Oh! Tapos na kayong maglinis?" tanong sa amin ni Faith ng makalabas kami ng bahay, nasa kubo pa rin sila.

"Upo kayo, naniniwala ka ba sa multo ate?" tanong sa akin ng katabi ni Faith.

Umupo naman kami ni Kylie bago ako umiling, nagpakilala naman sila sa akin.

"Nagulat ako kagabi kay Jenna." kwento ni Rhay.

"Bakit?" tanong naman ni Lina yung babaeng katabi ni Faith.

"Magkatabi pala kami kagabi, hindi ko namalayan tapos nung nagbalikwas ako pagmulat ko nakita ko yung mukha niya." nandidiri nitong kwento.

Nagtaka naman ako at nagtanong.

"Bakit ka naman magugulat, eh magkasama kayo sa kwarto?"

"Puros hiwa kasi yung mukha ni Jenna tapos tumatagaktak pa yung dugo, grabe hinding-hindi talaga ako makikitulog sa kwarto mo Rhay, tama na yung isang beses para akong hihimatayin." paliwanag ni Aya.

"Edi ba hindi totoo yung mga multo?"

"Basta subukan mong matulog dito kahit isang linggo lang, tingnan natin kung maitanong mo pa yan." may pagkamayabang na sabi ni Rana.

"Paalala lang, yung kwarto sa dulo ng hallway sa baba yung nakatapat sa cr, storage room yun wag kang dadaan doon kapag madaling araw na, may nagwawala yan doon."

"Tsaka lahat ng kwarto dito may multo, parang kay Rhay si Jenna, sa akin tsaka kay Faith si Cris, tapos Kay Lina si Mira." paliwanag ni Aya ng magkasunod.

"Anong kwento nila?" curious kung tanong.

"Ang sabi si Jenna dating nag-aaral jan sa may high school, eh maganda daw tapos madaming na iingit, yun nga may isa daw na babaeng nagalit sa kanya kasi hiniwalayan ng boyfriend kasi si Jenna daw yung gusto. Ang masaklap mayaman yung babae ayun pinapatay jan sa may unahan lang sa may basurahan, tapos bago pinatay hiniwa-hiwa yung mukha niya bago nilagay sa plastik. " paliwanag ni Rhay.

Tumayo yung balahibo ko habang nagkukwento si Rhay at parang biglang lumakas yung hangin.

" Si Cris naman nabuntisan tapos ayaw panagutan nung lalaki, pati pamilya niya galit sa kanya disgrasyada daw kasi, ang masaklap hindi pala talaga siya yung gusto nung lalaki niligawan lang daw siya dahil sa kaibigan niya na katabing kwarto lang, ang masakit naging sila nung ex-boyfriend niya tsaka nung kaibigan niyang babae. Balita pa pinalaglag niya yung baby niya jan lang sa cr tapos bago siya nagbigti sa kwarto niya. "dagdag na kwento naman ni Aya.

" Kaya nga walang masyadong gumagamit ng cr dito sa baba kasi maliban sa umiiyak na sanggol jan sa cr, may babae din kumakanta jan. " dagdag naman ni Faith.

It's getting creepy kahit na umaga naman.

" Baka naman imagination niyo lang." kumento ko para mabawasan ang takot ko.

" Sino namang tanga ang mag-iimagine ng mga multo. " sagot sa akin ni Rhay.

May point naman siya.

" Wait, si Mira pa tapusin na natin last na eh." singit ni Lina.

"Sige." sang-ayon ko dito.

Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis sa akin, kaya bigla akong kinilabutan.

Maganda siya pero hindi ko gusto yung ngiting ganyan.

"Si Mira yung batang nasunog dito, bahay pa ito dati tapos naiwan yung bata na naglalaro ng pusporo at biglang kumapit yung apoy sa kurtina kaya nagkasunog, dahil nakakandado ang buong bahay hindi makalabas yung batang umiiyak sa loob, walang makapasok dahil sa init at walang magawa yung mga nanunood sa labas kundi pakinggan yung iyak ng bata at paghingi ng saklolo. Pagkatapos ng apoy nakita yung bangkay noong bata, itim na itim, nakikita sa mga bitak na itim yung laman. Pagkatapos binenta noong pamilya itong bahay, pinarenovate tapos ginawamg boarding house. " nakangiti nitong kwento.

Mas kinilabutan ako dahil habang nagkukwento si Lina ay nakangiti lang ito.

" Bakit naman nakangiti ka habang nagkukwento? "tanong ko dito kahit kinakabahan.

" Kasi.....

Ako yung sumunog noong bahay. "sagot nito sa akin na Mas pinalawak pa ang ngiti.

Kaya naman napatayo ako ng wala sa oras.

" Hoy Lina tama na yan. "saway ni Aya dito sabay hampas ng mahina sa braso nito.

Tumawa naman ito habang nakatingin sa akin.

" Uy joke lang yun ah. Ginogood time lang kita. Takot na takot kana kasi namumutla kana. "sabi nito habang tumatawa pa at sinabayan din nilang lahat.

Napalaingon naman ako kay Kylie tahimik ito at hindi tumatawa, kanina pa din itong hindi nagsasalita.

" Sige, mauna na pala ako hapon na din kasi. Salamat sa kwento. "paalam ko at kinuha na yung bag ko sa upuan.

" Uy galit ka, joke lang yun. "nakokonsensyang sabi ni Lina.

" Hindi, okey lang no hard feelings naman. "ngiti ko dito.

Niyaya kuna si Kylie at sabay na kaming lumabas ng kubo at nagpaalam ng nasa gate na kami.

" Bakit ang tahimik mo? "tanong ko dito.

" Wala naman. "

" Kanina ka pa tahimik, kaaway mo ba si Faith? "

" Hindi, napagod lang ako maglinis. " paliwanag nito.

" Sorry ah, next time libre kita para makabawi naman ako. "

" Okey lang yun, oh may sasakyan na pala. "

Tumango naman ako dito at tumawid na sa kabilang kalsada para makasakay ng jeep,ngumiti naman ako at kumaway ng paalis ng ang jeep samantalang ngumiti lang ito at tumalikod na.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon