Part 1

32 1 0
                                    

Pov:

Pa-uwi na ako galing sa school, hapon na alas-singko, oras ng uwian ng mga estudyante. Sa likod ng school yung boardinghouse ko malayo kasi yung lugar namin kaya nagboboard ako, para na din bawas gastos. Tatlong kanto galing sa likod ng school namin ay ang kanto ng boarding house ko.

Pumasok na ako at sinarado yung gate ng bahay, galing sa gate ay maririnig ang sari-saring boses galing sa loob.

Pagpasok sa loob ay makikita ang malawak na pasilyo at ang mga babaeng estudyante na naglalakad paroot-parito at kagaya ko ay nagboboard din, sa dulo ng pasilyo ay ang hagdan paakyat ng second floor at dahil sa taas ang kwarto ko ay naglakad na ako ng diretso, hindi alintana ang ingat at ang mga naglalakad na nakakasalubong ko. May sariling cr at lababo ang bawat kwarto kaya halos walang lumalabas.

Nakapatay pa ang ilaw dahil maliwanag pa naman, ihahakbang kuna sana ang paa ko sa paanan ng hagdan ng may biglang humawak sa balikat ko na parang tumapik.

Kaya naman napalingon ako sa gumawa nun.

"Uy bago ka?" tanong sa akin ng babaeng nasa likod ko, pakiwari ko ay siya din ang tinapik sa balikat ko. Kasing tangkad ko lang siya at may maiksing buhok na hanggang leeg, morena siya at may matangos na ilong pero iba ang suot niyang uniporme kesa sa akin, mukhang nag-aaral siya sa kabilang eskwelahan na limang kanto lang ang layo dito. Mukha naman siyang mabait at masiyahin.

"Oo." matipid kung sagot sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Sa taas ka din, anong room ka?"dagdag niya.

" Oo, 15."

Nasa tabi na kami ng hanggang kaya niya siguro naisip na sa taas ako nakatira.

"ah, magkatabi lang pala tayo 16 naman yung akin."

"Una kana." sabay turo niya pa sa hagdan.

Kaya naman umakyat na ako habang nasa likod ko naman siya, dahil nasa kanan ang hagdan at galing sa kaliwa ang bilang ay mauunang madadaanan ko ang kwarto niya.

"Ah, nga pala. Ano ngang pangalan mo?" tanong niya sa akin ng huminto siya sa harap ng pinto niya, kaya naman huminto na rin ako.

"Uy, Liz may assignment kana para bukas?" biglang tanong ng babaeng huminto sa may kanan ko, siya siguro yung isa sa katabi kung kwarto. Parehas sila ng uniporme ng babaeng kasabay ko.

"Ah, Oo. Ginawa kuna kanina, magbabasa kasi ako ng wattpad mamaya." sagot naman ng babaeng nakasabay ko sa hagdan.

"Hi, bago ka? Ako nga pala si Sam." pakilala sa akin ng bagong dating.

Tumango lang ako para sagutin siya.

"Una na ako, Liz" tango niya sa akin sabay tapik ng balikat ko at pumasok na ng kwarto niya.

Lumingon naman ako kay Liz.

"Far, Faery ang pangalan ko." sagot ko sa tanong ni Liz kanina sabay bukas ng pinto ng kwarto ko.

"Ah, nga pala konting advice lang, kapag may narinig kang sumigaw, kalabog mamaya sa kahit anong oras wag kang lalabas ng kwarto mo hah, isarado mo din yung bintana mo, tapos kapag nagpatay-sindi ang ilaw hayaan mo lang, matulog kana." sambit niya at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto niya.

Hindi na din ako nakapagtanong. Kaya't pumasok na lang din ako sa kwarto ko.

Ang creepy naman kasi, alam ko naman na first day ko ditong matutulog tapos may pa ganong warning. Para namang may horror film dito.

At dahil pagod sa school kanina, nagbukas na lang ako ng de lata at nagluto sa rice cooker. Nang maluto ang kanin ay kumain na ako at naghugas ng plato, dahil walang assignment at quiz para bukas ay natulog na ako.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon