Part 4

9 1 0
                                    


Pov:

Bumili kami ng mga gamit ko para sa boarding house kinabukasan.

Sabi ni tita sa susunod na lang daw namin dalhin sa boarding house ko kapag kompleto na.

Ilang araw na rin akong nakatambay sa bahay nila tita, tumutulong naman ako sa gawaing bahay,kapag umaga naman ay naglalaro kami ni kuya Jr sa plaza ng basketball at kapag may oras ay tumatawag si mama para mangamusta, hindi siya araw-araw nakakatawag dahil marami silang ginagawa sa kompanya.

Secretary si mama sa isang mining company, lagi siyang maraming ginagawa pero lagi din siyang naglalaan ng oras para sa akin. Wala na ang papa ko bata pa lang ako ng mamatay siya sa isang sakit kaya kami na lang ni mama ang naiwan. Parehas silang balo ni tita kaya din siguro tinutulungan nilang dalawa ang isa't-isa dahil wala na silang maaasahan.

"Amin bola."

"Oh Jr."

"Brix dito."

"Pasa, pasa."

Kanina pa kami ni kuya Jr dito sa plaza, hapon na at maya-maya lang ay lulubog na ang araw. Dumaan lang kami kanina dito para sana bumili ng drumstick gusto ko kasi ng malamig kaya niyaya kong bumili si kuya Jr at dahil madadaanan ang plaza bago makarating sa tindahan ay na stranded kami sa covered court pagbalik namin dahil tinawag na siya ng mga naglalaro sa court ng basketball at naghahanap ng kakampi kulang sila ng isa pang player pero dahil marupok ang kuya ko ayon bigla akong iniwan at sumali na sa kanila. Pustahan ang laban, bente pesos ang pusta kada isa, umutang pa sa akin si kuya Jr ng pera dahil wala itong dalang pera. Paunahan kong sino ang makashoot ng bola sa ring hanggang 20, lahat ng tira 1 point galing man sa free-throw area o sa three point area, basta ang goal ay kung sino ang mauna.

Natapos ang laro at nanalo sila kuya Jr, wala din ako sa mood manuod ng laro dahil sa puro naman tabal yung mga kalaro ni kuya, laging naagawan ng bola tapos ang yayabang pa, eh ni free-throw hindi maipasok.

Bagot na bagot ako kanina habang nanunuod, ang pangit kasi talaga ng laro tapos yung girlfriend pa ng kalaban nila kuya Jr akala mo hindi maihi sa sobrang tuwa, talon pa ng talon.

Yung totoo ate kangaroo ka?

Tsaka sobrang sakit sa tainga yung tili noong babae, tapos hindi din naman nakakashoot sa ring yung jowa niya. Sayang lang tuloy yung kakasigaw niya natalo din sa huli.

Hayys, ang sarap sanang barahin si ate kaso lang hindi ako taga-dito at baka mapa-away kami ni kuya.

"Tsk!" wala sa sariling reklamo ko.

"Oh bakit?" tanong sa akin ni kuya ng nakangiti. Kanina pa siya nagbuborit tungkol sa panalo nila.  Kesyo supalpal daw yung kalaban, yung lay-up daw niya patalikod ang astig daw.

Inulit-ulit niya pa sa harap ko habang pauwi kami, tatalon siya sabay ititira yung invisible na bola sa hangin.
Kanina pa umiikot yung mata ko sa inis dahil sa napakaborit ng kasama ko.

"Ang pangit kasi ng laro, kahit ako kaya ko silang talunin eh, bad trip pa yung babaeng chereer sakit sa tainga ng boses, parang ginigilitang baboy" sagot ko at naalala na naman yung babae kanina kaya naman napangiwi ako ng wala sa oras.

Pauwi na kami at palubog na rin ang araw at magdidilim na pero nakikita pa naman ang paligid, siguradong naka-uwi na si tita.

Malapit na rin pala ang pasukan sa susunod na linggo na, dapat na din akong magpaalam kay tita na maglilipat ako ng mga gamit. Sa susunod naman na buwan ang enrollment nila kuya Jr

" Grabe! Ang bobobo nila maglaro, hahahaha." dagdag komento pa ni kuya na parang shunga-shunga na tumatawa sa daanan, mahihimigan  ang pagyayabang nito base sa tawa nito.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon