Part 6

9 0 0
                                    


Pov:

"Tita, aalis na po ako." paalam ko kay tita at lumabas na ng bahay, wala si kuya Jr dahil nasa plaza pa siya at nagbabasketball at sa susunod na buwan pa ang pasukan nila.

Ngayon ang unang araw ng pasukan, kaya naman maaga akong gumising kanina at kumilos kahit na parang ang bigay ng katawan ko at parang lalagnatin ako. Nakapagpaalam na ako kay tita na sa boarding house na ako matutulog at uuwi lang ako kapag weekends, nakapag-usap na din kami ni mama kagabi at nasabi kuna ang mga plano ko at pumayag naman ito kaya wala na akong problema, nakapagpaaalam na din ako kay kuya Jr kahapon pa.

Bag lang ang dala ko dahil naiilipat kuna lahat ng mga gamit ko kahapon ng hapon at tinulungan ako ni kuya Jr kaya naman napadali, mabilis din kaming umalis dahil sa may laro pa si kuya sa plaza.

Flashback

"Bilisan natin Far, may laro pa ako." sabi sa akin ni kuya Jr habang pinapasok namin yung mga gamit ko.

"Hi Far."

"Hi Far." bati sa akin ni ate Faith at ate Rhay.

Ngumiti at tumango naman ako sa kanilang dalawa bago kami umakyat sa 2nd floor ng bahay.  Inaarange ko yung mga gamit na pinapasok ni kuya para wala na akong ayusin pagbalik ko bukas. Mabilis lang namin natapos iakyat at ayusin ang mga gamit ko. Kaya umalis kami kaagad at dumiretso sa plaza dahil malapit ng magsimula ang laro nila kuya Jr, balita ko ay malaki ang pusta at magagaling daw ang mga kalaban dahil galing sa kabilang bayan pa, nanghahamon ng laban.

Pagdating namin ay umupo kaagad ako sa mga bleachers at dumiretso naman si kuya sa mga kateammates niya, ibang mga tao ang teammates niya ngayon sana lang magagaling din dahil malalaking tao ang mga kalaban nila at tingin ko ay magagaling din magbasketball.

Umalis muna ako at bumili ng tubig at chichirya para naman maging maganda ang panunuod ko at bumalik din kaagad para panuorin ang laro.

Maganda ang laban palitan lang sa pagscore ang dalawang grupo pero tumatayo talaga ako kapag nakakapuntos ang grupo nila kuya Jr.

"See that! See that!" sigaw ni kuya Jr at dumila sa kalaban ng makashoot galing sa 3point lane.

Kaya naman parang napikon tuloy yung nasa kabilang grupo, paunahan maka 100 points, walang rules pero counted as 3 kapag galing sa 3point lane, 2 kapag nasa loob at 1 kapag magfefreethrow.

33 na ang puntos nila kuya Jr, habang 25 pa lang ang kalaban mukhang malayo pa pero matagal pa ang laban kaya marami pang mangyayari.

"Madami pa kayong kakaining bigas." sigaw ulit ni kuya Jr bago pumunta sa kabilang bahagi ng court.

Nilapitan naman siya ng isa nilang kasama at halatang pinagsabihan dahil pati mga kasama niya sa grupo ay napipikon na din, alam kong may ugali si kuya ng pagiging buwaya minsan at mukhang gumagana yun ngayon.

"Lance pagsabihan niyo yang kasama niyo, masyadong mayabang." sabi ng isa sa mga kalaban ni kuya Jr sa isa sa kakampi niya.

At mukhang narininig naman ni kuya Jr kaya sumagot ito.

"Okey lang maging mayabang basta may ibubuga."

"Jr tama na pai, tapusin na lang natin yung laro." sabi noong Lance kay kuya.

"Pasensya na pai, ganyan lang talaga yan minsan, pero magaling naman mayabang lang talaga minsan,pasensya na talaga." hingi ng pasensya noong Lance sa kalaban.

Tumango naman yung lalaki at pumunta sa grupo niya, malapit ng matapos ang laban 87 vs 70 lamang ang grupo nila kuya Jr at halos lahat ng points at galing sa kanya.

Natapos ang laro 100 vs 88, panalo sila kuya Jr. At kanina pa siya nagyayabang naririndi na kaming lahat sa kanya kaya niyaya kunang umuwi.

"Kuya tara na hapon na." yaya ko, sa kanya dahil mag-aalas syete na ng gabi.

"Sandali lang magpapaalam lang ako." tumalikod na siya at pumunta sa mga kasama niya,kaya naman tumalikod na din.

Balak kung hintayin na lang siya sa may gate ng plaza para diretso na kaming maka-uwi.

"Ah, miss kapatid mo ba yung lalaki kanina?" tanong ng lalaki ng kasabay kong naglalakad at isa sa kalaban kanina nila kuya Jr.

Lumingon naman ako dito at nakitang nakatingin siya sa akin kaya sumagot ako.

"Hindi, magpinsan po kami."

"Ah! Pakisabi sa pinsan mo bawas-bawasan yung pagiging mayabang, nakakainis kasi minsan."

"Sige po, sasabihin ko."

Ngumiti naman ito sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Salamat, ge una na kami." sabi nito at lumabas na ng plaza kasunod ng mga kakampi niya, tumingin lang ako dito at umupo sa isa sa mga upuan para hintayin si kuya.

Sabay kaming umuwi ni kuya, at dumiretso na akong umakyat sa kwarto at natulog na dahil sa pagod.

-----------------------------------------------------------

Pagbaba ko sa kanto ng school ay pumasok na ako at diretsong hinanap ang classroom ko.

"Ahh, ate dito ba yung jade?" tanong ko sa babaeng naka-upo sa may tabi ng pintuan ng classroom namin.

Gusto ko lang makasigurado, may nakasulat naman na jade sa may pintuan at sa taas ng hamba ng pintuan pero gusto ko lang makasigurado.

Lumingon naman sa akin ang babae at ngumiti.

"Oo, jade ka din?" tanong nito sa akin.

"Oo."

"Pasok ka, transferee ka?"

"Oo." sagot ko dito kaya naman tumango na lang ito at pumasok na ako at naghanap ng upuan.

Umupo ako malapit sa bintana sa kaliwang bahagi ng classroom, wala pang tao dalawa pa lang kami ng babae.

"Anong pangalan mo?"

Lumingon naman ako sa kanang parte ng classroom, hindi ko alam kong sino ang kausap ng babae kaya tumingin ako dito. Tinuro ko naman ang sarili ko ng makita kong walang tao at tumango naman ito.

"Faery, pero pwede ring Far, taga-San Rafael." sagot ko dito.

"Lea ang pangalan ko." ngumiti naman Si Lea sa akin.

Maya-maya lang ay puno na ng tao ang classroom at nagbell na. Hudyat na magsisimula na ang klase.

Pakilala lang naman ang ginawa at mga simpleng activities para Mas makilala namin ang isa't-isa dahil maraming transferee na kagaya ko. Wala ding iniwan assignment dahil unang araw pa lang ng pasukan, kaya naman ng matapos ang klase sa hapon  pumunta na ako ng library para manghiram ng mga aklat na pwedeng basahin sa mga susunod na araw at para na din advance ako sa mga aralin.

TapikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon