Part 9

4 0 0
                                    

Lia's POV

Patulog na sana ako ng biglang magring ang telepono ko.

Omg! Si Devy!

Taranta ko itong sinagot. "Hello?"

"Lia! Naisturbo ba kita?"

"Hindi. Hindi. Bakit?" Hindi ko maitago ang excitement habang kausap ito.

"Malapit na ang birthday ni Dark. Ikaw ang date ko ha?"

Oo nga pala. Nawala sa isip ko.

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Matagal na kaming magkaibigan ngunit ito ang unang beses na niyaya niya ako na maging date niya, sa mga nagdaang birthday kasi ni Dark, laging si Emerald yung date niya. Si Emerald ang ex niyang loka-lokang pa-victim.

Paano ko nasabi?

Simple lang dahil matapos niyang makipaglandian sa iba, makipag-break kay Devy at saktan ito, siya pa itong galit at nagkalat ng fake news na niloko siya ni Devy. O diba? Loka-lokang pa-victim talaga. *tawa tayo ng hard*

'MWAHAHAHAHAHAHAHA'

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. "Oo naman! Makakatanggi paba naman ako sayo?"

Rinig ko ang pagtawa nito. "You know what.. I really like you." Aniya, tila naman para akong kiti-kiting kinikilig."Kaya tayo naging magkaibigan e. Dahil ganyan ka. Hahaha. Cool." Dagdag niya.

Naramdaman ko ang biglang pagbagsak ng mga balikat ko. Nanlumo talaga ako sa mga narinig. Kaibigan? Hanggang doon lang ba talaga tayo?

Dismayado man ay pinilit ko paring hindi iparamdam iyon sa tono ng aking boses.. "Oo. Hehe."

"Sige Lia, matulog kana. Sorry sa isturbo ha? Goodnight."

"Sige. Wala 'yon. Goodnight din."

"Welcome." Aniya, at binaba na ang telepono.

Bumuntong hininga ako. "Darating pa kaya yung panahon na magugustuhan mo rin ako?" Bulong ko sa sarili.

Matapos non ay isa-isa kong binasa ang mga texts sa telepono ko, itatabi ko na sana 'yon ng makitang may dumating pang isang text.

"Wow! Si jael nag GM din? Haha." Natawa pa ako sa nasabi ko.

Binuksan ko 'yon at laking gulat ko sa nilalaman ng text message na iyon.

From: Jael

Goodevening!
BEST DAY EVERRRR!!! Ü

Goodnight :)) \m/

Kung tutuusin walang kwenta ang nilalaman ng text message na 'yon, pero nung i-scroll ko iyon pataas doon nanlaki ang mata ko sa gulat.

- JaelniAdi

What the fudge!

Ilang beses akong kumurap at kinurot pa ang pisngi upang siguraduhin kung totoo ba ang aking nabasa. Ngunit nasaktan lang ako sa pagkurot sa sarili.

"Pucha! Totoo nga!! Sila na?" Hindi makapaniwalang usal ko sa sarili.

Panay ang iling ko ng bigla na namang mag ring ang telepono ko.

Si sheena.

"Oh? She, napatawag ka?"

"Kingina!! Sila Adi at Jael na? Seryoso ba 'yon?" Nailayo ko pa ang aking telepono sa aking tenga dahil sa sobrang lakas ng boses ni Sheena. Sakit leche ka!

A Little Too Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon