Part 14: The Party

7 0 0
                                    

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw kung saan iaanunsyo ang tungkol sa kasal namin ni Yana. Ang araw din ng aking kaarawan. Ang araw na hinding hindi ko gugustuhin dumating pa.

Nang lumabas ako ay marami ng bisita. Sa garden ng bahay namin gaganapin ang naturang party. Malawak ang garden namin, ang pamilya lang naman namin ang may-ari ng pinakamalaking lupa sa buong Cavite. Kaya hindi na bago sa akin ang masaksihan ang ganitong malaking okasyon sa mismong garden namin. Nag gagandahan ang suot ng mga taong naroon. Nagkalat ang malalaking round tables sa paligid na may black table covers at gold na table runners. Bulaklak na nasa isang porselanang vase naman ang naturang center piece. May entablado ding nakaset-up sa pinaka harap. Naroon din ang isang square table na di gaanong kalakihan, may black na table cover at gold na table runner din ito. May dalawang tiffany chair din sa likod nito, natitiyak kong iyon ay para sa aming dalawa ni Yana. Sa baba ng entablado ay nakatayo ang isang malaking board na may nakasulat na "Jahyana and Drake as one." Napailing ako sa nabasa. Kaya naman itinuon ko nalang ang aking paningin sa gilid kung saa'y matatanaw ang catering, naka long sleeves na white polo with black chaleco vest ang mga server.

Lumapit ako sa bar station at humingi ng isang baso ng vodka. Maya-maya lang ay may umakbay sa akin.

"Happy Birthday Brother!" si Enrick.

"Happy Birthday Dark! Ang gwapo mo ah!" Si Lia. Sabay nilang inabot ang regalo sa akin.

"Oh! Haha. Salamat. Nag-abala pa kayo."

"Tss. Wala 'yon." Si Lia. Luminga pa ito sa paligid. "Teka.. engagement party?? Nino?"

Tumingin pa ako sa gawi ni Enrick ngunit bumuntong-hininga lamang ito. "Engagement party ko." Nginitian ko ito ng napakapeke.

"What? Kanino? Teka! Teka! Don't tell me kay Yana???" Di makapaniwalang aniya Lia.

Napakamot pa ako sa ulo. "Kanino pa nga ba?"

"OMG! Drake.." bakas sa tono nito ang lungkot.

"I'm okay don't worry."

"You have to.. still, it's your birthday. Let's just forget about your engagement party. We're suppose to be having fun tonight." Si Enrick.

Tinapik ko ito sa balikat. "Of course. Andito kayo e."

Maya-maya lang ay dumating na ang iba pa naming ka-clanmate.

"Hello.. ako nga pala si Sheena.. Happy Birthday."

"Yeah. Nakekwento ka ni Lia sakin. Salamat."

"Welcome.." at naupo ito. Nasa isang round table kami. Panay ang tawanan at asaran namin.

"Teka.. asan nga pala si Jael at si Adi??" Biglang tanong ni Enrick.

Nagkibit balikat ang lahat. "Oo nga. Asan na 'yon? Magsisimula na ang party." Sabat ko.

"Baka na-late lang. For sure sinundo pa non si Adi." Si Lia.

"Sabagay.. nakakahiya naman kung di nya susunduin ang girlfriend niya. Hahaha." Ani ko.

Nahinto ang tawanan namin ng dumagundong ang mic. Lahat ay napukaw ang atensyon rito. Nasa stage na sina mom, dad at ang parents ni Yana.

"Goodvening ladies and gentlemen. We would like to thank everyone for coming here tonight as we celebrate our son's birthday. We're also celebrating the biggest event in our life. The engagement of Jahyana and Drake.. and everyone will witnessed that precious moment as my son and my future daughter in law, both say "I do." Anunsyo ni Mom.

A Little Too Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon