Part 10: First Date

9 0 0
                                    

Adi's POV

Nang makauwi ay agad akong naligo upang makapaghanda na sa pagkikita namin ni Jael. Sinabihan ko itong magkita na lamang kami sa mall dahil napaaga ang pag-uwi ko at hindi na niya ako masusundo sa school.

Ilang oras din ang lumipas bago ako natapos sa pag-aasikaso. Simple black off shoulder dress, may plain na black choker sa leeg, at white na rubber shoes ang suot ko. *(See multimedia for imaginary purposes)*

Bago pa man ako makapasok ng mall ay natanawan ko na si Jael. Gwapong gwapo sa kaniyang black leather coat na suot. May suot din itong white shirt na kaniyang panloob. Dark blue na skinny jeans, at white rubber shoes.

Nakangiti itong lumingon sa akin. "You're so beautiful in that black dress, baby." Aniya nang makalapit ako.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Natitiyak kong namumula na ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang ikikiloas ko sa ganitong sitwasyon. "Thanks." Tanging nasambit ko rito.

Hinawakan ako nito sa bewang at sabay na kaming pumasok sa mall. Ang daming matang nakatingin kay Jael, dahilan para makaramdam ako ng hiya. Napakagwapo ba naman kasi ng kasama ko.

"So, anong gusto mong gawin natin baby?" Aniya, na sinilip pa ang mukha ko.

"Ikaw bahala." Nahihiyang tugon ko.

Ngumiti ito. "Manuod nalang muna tayo ng sine." At inakbayan ako habang naglalakad.

Nakabili na kami ng ticket, kaya naman bumili na rin kami ng pagkain. "Dalawang popcorn saka dalawang large drink, Miss." Ani ko sa babae.

Pero imbes na kumilos ay tulala itong nakatingin kay Jael na kasalukuyang nakatingin kung saan.

"Excuse me, Miss?" Mataray na asik ko dito.

"Yes po?"

"Sabi ko dalawang popcorn at dalawang large drinks! Hindi mo ba narinig? Magkaharap lang tayo oh!" Singhal ko dito dahilan para lumingon si Jael sa akin.

"Hey, what's wrong?"

"Paano kasi itong si Ate, on duty pero naglalakbay kung saan ang isip!" Ani ko at muling bumaling sa babae. "Stop staring at my boyfriend okay? Yung order ko ang atupagin mo, hindi kung anu-ano!" Inis na ani ko rito, nagkukumayog na inihanda ang orders ko.

"Eto na po. So-sorry po ma'am." Utal na aniya ng babae.

Inirapan ko lamang ito at tinalikuran. Mabilis namang sumunod si Jael sakin. Nang makapasok kami sa sinehan ay naghanap agad ako ng upuan at naupo roon.

Nasa bandang gitna kami naupo. "Baby, okay ka lang?" Nag-aalalang aniya, Jael.

Napabuntong hininga pa ako."Nainis lang ako sa babaeng 'yon. Hindi ginagawa ang trabaho niya e."

Ngumisi ito kaya naman sinamaan ko ng tingin ito. "Yun ba talaga? O dahil nakita mong nakatitig siya sakin? Hmm.. nagseselos ang girlfriend ko ah?" Bigla siyang ngumiti.

Nagitla naman ako. "Hindi ah?"

Tumawa ito. "Aminin mo na baby.. nagselos ka. Haha." Nakanguso naman akong tumingin dito. "Ok lang baby, girlfriend kita e. Normal yun."

May kung anong saya akong naramdaman ng sabihin niyang girlfriend niya ako. Alam ko hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil deal lang naman ito, pero hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinasabi niya.

Bahagya akong nagulat ng iakbay niya ang kamay niya sa aking balikat. Amoy na amoy ko ang pambabae niyang pabango na Bench 'so in love. Natawa pa ako sa aking isip ng mapaisip kung bakit pambabae ang pabango nito.

A Little Too Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon