Part 5

14 1 0
                                    

Adi's POV

"It's getting late.. I think we should go.. may pasok parin kasi kami bukas." Ani ko.

"Oo nga. Alam nyo naman STUPID-dyante kami hahahaha." Si Lia.

"Sige sige. Hahatid na kita Lia. I'll use my car nalang para sure akong safe kang makakauwi." Si devy.

"Sasabay nako sa inyo Lia." Si sheena.

"Ako din sasabay nako sa inyo." Ani ko.

"No.. sumabay kana kay Jael. Siya na maghahatid sayo. Right ja?" Si devy na agad din bumaling kay Jael.

"Yeah.. yeah. Of course. Ako na bahala kay Adi."

"No. Kaya ko. Kahit wag na jael. I can manage."

"Please Adi. Nakainom kana. Please. I insist. Ako na maghahatid sayo. Don't worry may motor ako." Si jael.

"Pe-pero nakainom ka. Baka madisgrasya tayo. Kaya wag kana mag-abala. Magji-jeep nalang ako." Pagtanggi ko.

"Nakainom ako oo.. pero di ako lasing. Alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko. Malinaw na malinaw parang pagtingin ko sayo.." ani neto habang nakangiti sa akin.

"Ayiiiiiieeeeee" pang-aasara naman ng mga kasama namin.. kunot noo ko naman silang tinignan isa isa.

"Adi, hayaan mo nang ihatid ka ni jael. Don't worry sanay yan magdrive kahit nakainom. Makakauwi ka ng safe. I swear!" Si devy at agad bumaling ulit kay jael. "Ja, take care of her.. drive safely. Mauna na kami. Kita kits nalang ulit." At tinapik pa ito sa balikat.

"Gege. Ingat din kayo." Si jael.

Agad namang nagsialisan ang iba naming kasama. At ilang sandali ay kami nalang ni Jael ang naroon.

"So, let's go?" Anyaya nito at agad iniabot ang helmet sa akin.

"May choice paba ako?" Angil ko na sinamaan pa sya ng tingin.

"Tss. Sungit talaga. Don't worry makakauwi ka ng safe. Ur safe with me." Nakangising tugon nito.

"Really? Ha! Singhal ko. Sige na sige na. Masyado ng late. Mayayari nako sa bahay." Ani ko at agad na umangkas sa motor nya.

"Oh! Kapit! Baka mahulog ka!" Nakangising ani nito habang pahapyaw na sumisilip sa akin.

"Kaya ko magbalanse. Saka may kakapitan dito sa likuran."

"Haha! Kumapit kana sa bewang ko. Baka mahulog ka. Sige ka.. pag ikaw nahulog walang sasalo sayo." Natatawang ani naman neto.

Ah ganon? "Talaga? Akala ko pa naman pag nahulog ako kaya mokong saluhin. Hays." Napabuntong hininga pa ako para mas maging makatotohanan ang trip kong to..

Haha! Ano? Trip ba kamo?

Nakita kong matigilan sya. Kaya lalo pa akong natawa sa isip ko.

"Sige kakapit nako. Ayokong mahulog kasi wala naman palang sasalo sakin." Pag iinarte ko pa at agad humawak sa bewang niya.

Ngumiti pa sya bago magsalita. "Walang sasalo sayo pag nahulog ka sa motor ko.. pero kung sakin ka mismo mahuhulog, kahit di mo sabihin ay handa akong saluhin ka." Saka ini-start ang motor at pinaandar.

Hindi ko na nagawang magsalita. Alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to.

Ibinaling nalang namin ang atensyon namin sa daan. Itinuturo ko sa kanya ang pasikot sikot papunta kung saan kami nakatira. At ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.

A Little Too Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon