Chapter 2

1 0 0
                                    

Something

Nagising ako sa mahinang katok sa pintuan. Tumingin muna ako sa Wall clock kong kulay Purple. Alas syete palang ng umaga. Anong meron?
Tumayo ako para pagbuksan ang poncio pilatong naninira ng beauty rest ko. Atay. Rest lang pala wala akong beauty eh! Kaloka.

"Oh. Mommy? Anong meron? May iuutos po ba kayo?" Napailing si mommy sa naging tanong ko. Hala. Kaloka ano problema ni mudra?

"Sweetie, ngayon tayo aalis diba?" Hala teka? Ngayon ba yun? Oh shoot. Ngayon nga. Napag usapan namin kagabi sa hapunan na tomorrow na kami aalis.

"Tomorrow naba ngayon mommy? Hindi po ba today na?" Humalakhak si mommy sa sagot ko. Bakit? Totoo naman ah?

"Sweetie. Today is yesterday's tomorrow. Get it? You don't?Go get ready. Pack your things" ano daw? Pakyu? Bad momma bad. Napakamot nalang ako sa ulo at tumango kay mommy.

"Ano daw? Aalis ba kami? Saan?"

"Ay potanginaaaa. Lilipat pala kami ngayon ng Davao" nagising ang diwa ko sa naalala. Pakshet na malutong. Bumalik na iyong kaluluwa ko. Aalis pala kami ngayon. Napatakbo ako papuntang banyo. Halos e maximum level ko na iyong shower para lang matapos ako agad. Bakit ba na pa ka malilimutin ko? Fakyu medicines!
Kalahating oras ako naligo kaya halos hindi ko na natupi ng maayos ang mga damit sa bagahe ko. Okay na yun. Marami namang bagahe. Dinala ko narin iyong mga paborito kong libro pati na ang mga collection ko na ballpen. Ano kulay? Hulaan mo. Syempre violet at purple.

"Manang! Kakain na ako. Kakain na! Hindi ako magpapalipas ng gutom"

Nagulat pa sina Mommy at Manang dahil tinalon ko ang huling tatlong baitang ng hagdan.

"Ano ka bang bata ka! Magpapakamatay ka ba talaga? Ang taas nung tinalon mo. Susmaryosep" kinurot ni manang ang tagiliran ko at di ko maiwasang mapadaing. Shit masakit.

"Sweetie, that's so risky. Don't do it again. That's suicide" oo naman mommy. Mas maganda nga iyon eh.

"Opo. Sorry po. Kain na po ako. Sige na po" masigla kong sabi sa kanila. Pumunta ako sa hapagkainan at nadatnan ko pa si Lola na nakangiti sa akin.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa ng mahal kong apo?" Napahagikhik ako at hinalikan si lola sa pisnge.

"Tumalon po mula sa staircase" napakamot ako sa batok at umupo na matapos marinig ang tawa ni Lola.

"Pasaway ka talaga,apo" nagtawanan kami ni lola at maganang kumain ng bacon at egg.
   
     Isang oras mula kanina ay di ako makapaniwala na nandito na ako sa van namin at kasalukuyang papunta na ng Davao. Di ako mapakali. Ano kayang mukha ng syudad na iyon?

"Mommy, maganda ho ba dun sa Davao. Iyon kasi palaging sinasabi ni Emerald eh" nakangiti kong tanong.

"Yes sweetie. Buildings and more" Sabi ni mommy na busy sa pagtatype sa Ipad niya. Ayun. Business na ulit. Tumahimik nalang ako at pinanuod ang bawat puno at kabahayan na nadadaanan namin. Naramdaman kong nag vibrate iyong cellphone ko sa bulsa kaya agad ko itong kinuha.

2 messages received

Marco'bae
Babe? Are you awake? Please message me. I miss you. I love you.

WitchEm
Hey bitch. Look at me. You should be jealous.

Nakita ko iyong picture na ipinadala ni Em. Naka dress ito na nakakapit sa hubog ng katawan niya at may pa middle finger pa sa salamin ng Cr. Dugyot.

Amethyst (WitchEm)
Whatever witch! suit yourself. And oh. My middle finger salutes you too.

Hindi naman kasi ako pwedeng mag middle finger dito sa van baka ipatapon ako ni mommy at manang.

Afterglow (Swiftie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon