Prologue

1 0 0
                                    

There are certain things in life that comes our way abruptly to the point that it overwhelms us and at the same time lost it's way from us. I used to think that my life is like a river that flows and I just have to go with ot wherever it takes me.

"Em, nakita mo ba si Cian?" Tanong ko sa kaibigan kong halos mahulog na ang labi sa kakanguso. Problema nito?

"Hindi. Mukha ba akong lost and found, Amy?" Pabalang na sagot nito at hindi man lang ako sinulyapan. Punyeta.

"Alex, si Cian ba nakita mo?" Tanong ko ulit sa babaeng nag pi paint sa kabilang dako ng clubroom namin. Halos sumigaw na ako pero di man lang ako narinig. Bingi ba 'to?

"ALEXANDRITE!" Shit ang lalamunan ko beh. I shout as much as I can making her jump in startle. Oops sorry.

"Hindi nga. Grabe ka naman Amy. Di naman ako bingi. Nasira tuloy yung masterpiece ko" pailing iling na sabi niya. My bad. Lumabas nalang ako dahil walang matinong sagot iyong mga pakers kong kaibigan.

     Tamang tama naman paglabas ko nakasalubong ko si Ruby na naka pokerface. Aish.

"Rubs, nakita mo ba si Cian?" Nakangiti kong salubong kahit na ang talim ng tingin niya.

"Sabing wag mo kong tawaging Rubs. Kairita to" pairap pang sagot.

"Sorry nemen. Nakita mo ba?" Ulit ko at aba humalukipkip pa siya.

"Aba! Boyfriend mo sakin mo hinahanap!" Nilagpasan ako ng bruha. Punyeta! Kagigil.

  Naglakad lakad nalang ako sa school ground. Hoping to see him. Hindi niya ako tinext. Kinakabahan na ako. Ano bang ginagawa nun? Bwesit.
"Ano ba yan ang blind naman niya"
"Siya ba yun?"
"Oo friend. Iyong boyfriend niya niloloko siya"
"Gosh pity"

Narinig kong bulungan ng mga babaeng akala mo naman clown sa dami ng makeup. Napatingin ako sa kanila at agad naman silang nagsiiwas. Psh.

"AMY!" Napahinto ako sa sigaw ng babaeng kilalang kilala ko.

"Diamond dear" mapanuksong sabi ko. Inambahan niya ako ng suntok na tinawanan ko lang.

"DAYA kasi Amy!" Pagmamaktol niya. So cute.

"Oo na. Nakita mo ba si Cian, Daya?" Tanong ko na ilang segundo niyang ikinabalisa. What?

"Ano kasi"
"Anong ano kasi?"
"Ano kasi iyong ano"
"Daya, anong ano?"
"Ah eh. Ano naiihi na ako, Amy" peke siyang tuwa. Baliw.

"Bwesit naman! Akala ko anong ano" Inirapan ko lang siya na ngayo'y nakangiti ng pilit.

"Sige Amy. Bye. Love you!" Kumaripas naman ito ng takbo na akala mo naman hinahabol eh.
"Baliw" Napailing nalang ako sa kabaliwan ng babaeng yun. Pati ata ako mababaliw na ata. Nasaan ka na ba Cian?

  Halos malibot ko na ang buong campus pero wala ni anino ng boyfriend ko. Tangina naman.
At kung minamalas ka nga naman. Sa dami ng pwede kong mahanap iyong nakaraan pa.

"Amy" tawag niya na para bang kanina pa niya ako hinahanap. Psh. Tumalikod nalang ako bago ko mahambalos ang cellphone ko sa kanya. Sayang naman.

"Sandali, Amy" Putakte! Pigilan niyo ako hinawakan niya ang fucking braso ko.

"Ano ba kailangan mo, Marco?" Naiinis kong tanong sa kanya. I have nothing to do with him.

"Alam mo ba kung nasaan si Cian?" Mahina niyang tanong. Ha? Ano naman ngayon?

"Malay ko. Mukha ba akong lost and found?" Mataray kong ginaya ang linya ni Em. Hinaklit ko ang braso ko sa kanya. Eww. Germs.

"Usap muna tayo. May sasabihin ako" Nagmamakaawa niyang tugon. Psh. Nakakatawa.

"I have no business with you" malamig kong sabi. Oh english yun ah. Nagpatuloy ako sa paghakbang

Afterglow (Swiftie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon