Chapter 3

0 0 0
                                    

Feelings

Naglakad lakad kami ni Em dito sa malaking mall sa Davao. Nakalimutan ko na kung saang lugar iyon. Kasi naman di ako makapaniwala na nandito na ako. SM daw tawag dito. Sa Ecoland ba iyon o sa Lanang? Ay bahala na basta SM to.

"Palagi ka ba dito Em?" Tinangnan ako ni Em na para bang sinasabi niyang "are-you-really-asking-me-that-look"

"Malamang sa malamang Amy. Matagal tagal na ako sa Davao diba?" Ngumiwi ako sa naging sagot niya.

"Sabi ko nga eh" inirapan ako ng witch na to. Kung kabisado ko lang iyong lugar dito matagal ko na itong iniwan.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang ganda. Maraming pwedeng bilhin. Maraming kainan. Pwede pala iyon? Tumigil si Em sa harap ng isang glass door. Tiningnan ko iyong pangalan at nakalagay dito ang "Yellow Cab"

"Magbobook ka ba ng Cab diyan, Em?" Binatukan ako ni Em sa tanong ko. Bakit? May mali ba?

"Gaga ka! Pizza ang binebenta dito"  what? Yellow cab daw pero pizza. Dapat Yellow pizza. Ambobo naman.

"Ah. Kalibog ba ana oy" Sinamaan niya ako ng tingin bago hinila sa loob.
Naghanap kami ng mauupuan. Mali. Di na pala kailangan kasi walang masyadong upuan dito. Grabe naman sila. Mabuti nalang may space pa. Oh I need space! Si Em lang iyong nag order. Di ko naman alam eh. Baka Cab pa ang orderin ko mahirap na.
Kinain namin ang Pizza na inorder ng witch. At hindi ko alam kung anong flavor nun. Kung flavor ba ang tawag dun. Punyemas. Basta masarap. Pagkatapos ay pumasok naman kami sa National Book store.

"Kilala mo talaga ako witch ha?" Mapanuksong sabi ko sa kanya sabay kapit sa braso niya.

"Don't be ridiculous bitch! I want to buy books too" Mahinang siniko niya ako kaya napatawa ako sabay alis ng kamay sa braso niya.

"Sadista to! Baka magka breast Cancer ako!" Mahina kong bulong. Syempre. Kahiya naman kung marinig ng iba.
Inismidan niya ako bago nagpatuloy sa Non-fiction Section. Aysus. Kunwari studios ang gaga. Pumunta naman ako sa Fiction side. Aba syempre. Naghanap hanap ako hanggang sa makita ko iyong "Thirteen Reasons why" maganda daw to sabi nila tsaka may movie narin. Agad ko itong kinuha at hahanapin na sana si Em ng makita ko sa Glass Wall ang isang babaeng kinulang sa tela. Ew. At nakakawit ang mga kamay sa matipunong braso.

"Marco?" Si Marco iyon ah? Oo si Marco iyon! Di ako pwedeng magkamali kasi gamay na gamay ko ang body structures niya. No hindi. Lalabas na sana ako ng maalala kong may dala akong libro. Piste naman oh. Baka magmukha pa akong magnanakaw nito.

"Where are you going bitch?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Em sa Gilid ko.

"May nakita kasi akong kakilala sa labas" Mahina kong tugon. Nakita ko sa mga mata niya ang awa pero agad naman itong nawala.

"Forget it. Baka namalikmata ka lang" she said smiling a bit to me. Forget? Kalimutan ulit. Tumango ako sa kanya at sabay na kaming pumunta sa Cashier.
Lumabas kami ng NBS bitbit ang mga pinamili. Paikot ikot lang kami sa loob ng mall ngunit hindi ko na ulit nakita si Marco. Baka guniguni ko lang.

"Let's head you home now. It's getting dark" Saad ni Em. Napatingin ako sa wristwatch ko na di ko alam na suot ko pala. 6:30 pm na pala. Ilang oras din kami rito.

"Okay witch" I smiled at her and she stared at me for how many seconds before she smiled and lead me out of the mall.

"Kuya, sa Mercedes Subdivision muba po tayo" magalang na sabi ni Em kay Kuya Gabo na Driver niya.

"Sige po Maam" nakangiti na sabi ni kuya. He's old but not that old. Mga nasa 40's. Mabait ito at may dalawang anak na pinapaaral.
Bumyahe kami papunta sa Subdivision. Pero iyong utak ko lumilipad kung saan saan.

Afterglow (Swiftie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon