Time flies fast like a whirlwind. I feel like everything happened in just a second. Parang kaylan lang ng ayain ako ng mga magulang kong bumalik para iligtas ang kumpanya namin ngayon tapos na ang kasal namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako kase sa wakas tanggap na ulit ako ng mga magulang ko o kung malulungkot ako kase yung pangarap kong maikasal sa taong mahal ko unti-unti ng gumuho. Parang kalahati ng pagkatao ko ay masaya habang yung kalahati nagluluksa.
"Enjoy your honeymoon!" Napapitlag ako sa malim na iniisip ng marinig ko ang mga katagang iyon.
Enjoy our honeymoon? Seriously? How can we do that when we completely don't know each other. To be honest, pangalawang beses palang ng pagkikita namin ngayon. The first one is when we have an engagement party and obviously the second one is now on our wedding day. Hindi pumayag ang mga magulang namin na magsama agad sa iisang bubong ng matapos ang engagement party namin. Like duh? Akala naman nila gusto ko yun pero pabor din naman sa akin yung ginawa nila kase may rason ako para di siya makita. Hindi ko alam pero kinakabahan ako tuwing nakikita ko siya. He's too serious and the atmosphere around him is too dark and too intense.
"Let's go" Halos manghina ang tuhod ko ng hilain niya ako papalapit sa nakaparadang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago sumakay sa driver's seat. Let me guess, kaya lang naman siya nagpaka gentleman kase may mga taong nakakakita.
Prente lang akong nakaupo habang mabagal siyang nagpapatakbo na kalaunay bumilis din. Ang daming katanungan sa utak ko habang binabalot kami ng katahimikan.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Ayaw ko lang magtanong kase natatakot ako sa kanya at ayaw ko ding magsalita. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Medyo nagulat pa ako ng may nagplay na kanta hindi niya na siguro kinaya ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa kaya nagpatugtog nalang siya.
Saglit akong tumingin sa kanya. Seryoso lang siyang nagmamaneho. Hinubad niya na ang coat niya kanina kaya yung white long sleeve na bukas ang tatlong butones nalang ang suot niya. One look at him I know he can capture all the girls around him. Hindi ko maitatanggi ang kagwapuhan niya. Kahit saang angulo mo pa siya tignan. Naramdaman niya ata akong nakatitig sa kanya kaya lumingon siya ng bahagya sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Bigla bumilis tibok ng puso ko dahil sa kaba. Mahina kong minumura ang sarili ko sa utak ko dahil sa kagagahan ko. Muli nalang akong tumingin sa labas. Matutulog nalang muna siguro ako mukang malayo layo pa naman ang lalakbayin namin. Sinandal ko ang ulo sa bintana at pinikit ang mata. Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog pero nagising ako ng may yumogyog sa balikat ko.
"Where are we?" Tanong ko ng makapag adjust ang mata ko. Tumingin ako sa paligid dahil nakahiga na ako ngayon sa kama. Ganon na ba ako katagal natulog? At papaanong nasa kama na ako ganong nasa kotse niya lang ako kanina.
"In my private island." Simpleng sagot niya. Agad na nanlaki ang mata ko at bahagyang kumonot ang noo ko.
"WHA-T?!" Medyo gulat na tanong ko. Maslalo lang nadagdagan mga katanungan ko. Paano kami nakarating dito? Kung isla man to kotse lang ang sinasakyan namin kanina? Ano yun nagteleport kame? At paano ako napunta sa kama'ng ito?
"We ride my private plane which you don't notice cuz' you're sleeping and I carried you all the way here." Sagot niya na tila nababasa ang mga nasa isip ko.
"Psh kung alam mo lang kung gaano ka kabigat," Mahinang bulong niya na siya lang ang nakakarinig.
"When will we go home?" Mahinang tanong ko. Agad namang kumunot ang noot niya.
"Umuwi ka mag-isa mo. As if I want you here" I see him mouthing something but It's too vague for me to hear.
"Are you saying something?" Medyo pikon ng sabi ko.

YOU ARE READING
Taste of Lust
Algemene fictieThey say 'all good boys go to heaven' but bad boys bring heaven to you. WARNING⚠️:R-18|SPG|MATURE CONTENT