Kuyang Virus

36 7 0
                                    

"Aba't lovely kanina ka pa diyan selpon ng selpon ah. Mula umaga pa kayong dalawa magkaharap niyan, wala ka na ba ibang maggawa sa buhay ha?!" Dinig kong pag aalboroto nanaman ni mama mula sa kusina. Sa totoo lang ha. Tinalo pa nito ang mga tanod sa lakas ng pagsisigawan eh.

"Kasi naman ma, anong gusto mong gawin ko? Makipaglaro ng langit lupa doon sa mga tanod? Kita mo namang nasa mala bahay tayo ni kuya ngayon eh." Sagot ko dito habang patuloy pa din sa pag scroll ng selpon.

"Namimilosopo ka pa talaga eh noh? Bakit sinabi bang pagseselpon lang ang dapat gawin sa quarantine ha! Maraming plato ang naghihintay sayo dito lovely, kaya wag kang magmala señorita diyan." Galit nitong sigaw dahilan ng pagtayo ko at lumakad na papuntang kusina.

Di ko na talaga alam kung saan ako mamatay eh. Sa virus nga ba talaga o sa bunganga ni mama. Akmang magsisimula na ako sa paghuhugas ng mapagtanto kong walang dishwashing liquid.

"Ma, nasaan na ang dishwashing liquid dito?"

"Aba! Malay ko? Ako ba ang maghuhugas?"

Tsk! Pilosopo...

"Mama naman eh, nasaan nga?" Pagrereklamo ko dito habang hinahanap kung saang lupalop na napunta yun. Ikaw ba naman marami nang platong nakaantay sayo yung dishwashing liquid missing in action pa. Sinong di maiinis?

"Ah naaalala ko na, wala na pala tayo nun. Naubos ng kapatid mo kanina. Bili ka nalang muna ngayon kay aling Lorna." Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at automatikong nabitawan yung sponge na hawak hawak ko.

"Mama? Okay ka lang ba? Alam mo namang hindi pwedeng lumabas tas' pabibilhin mo pa ko?" Hindi makapaniwala ko itong tinitingnan habang  nagrereklamo. Ngunit nagkasalubong lang ang dalawang kilay nito.

"Dalawang bahay lang ang layo ni aling Lorna satin kaya wag kang magdrama diyan. Oh ito." sabay abot agad nito sakin ng perang pambili. Seryoso ba talaga siya?

"Mama naman eh, baka habulin ako ng mga tanod" inis kong ani dito. Grabe! kaya akong ipagpalit ng sarili kong magulang para lang sa mga pinggan na to. 

"Oh edi bilisan mong tumakbo. Mamili ka dila mo ang gagamitin sa paghuhugas ng mga yan o bibili ka?" nakasalubong pa din ang mga kilay nito kaya ayun napilitan nalang akong sumunod kahit na labag sa kalooban ko.

Tsk! Nanay ko ba talaga to? Kainis!

Inis kong hinablot dito ang pera at padabog na umalis.

Bago tuluyang umalis ng bahay ay tiningnan ko munang mabuti ang paligid. Walang tao, pano ba naman 9:20 na din kasi at pag talaga nahuli ako ng mga tanod sasabihin ko talagang kasalanan to ng nanay ko.

Matapos ang ilang minuto ay tagumpay ko namang nabili ang mahiwagang dishwashing liquid ng walang anumalya. At nang pauwi na ay mas binilisan ko nalang yung paglalakad hanggang sa...

"Miss..."

Oh shet! Sabi na nga ba eh.

Automatikong napataas ako ang dalawa kong kamay. Kung ano magiging kahihinatnan ko kasalanan mo talaga to mama. Huhu

"Miss saan ka pupunta?"

Nakatalikod pa din ako dito habang nakapikit. Sa kinakabahan ako eh.

"Miss tinatanong kita saan ka pupunta at gabi na." Patuloy pa din ito sa pagsasalita at ramdam kong nasa unahan ko na ito.

"Miss" patuloy na pagtawag nito sakin. Dahan dahan ko namang minulat ang aking mga mata at...

Shet! Ang ganda ng mga mata.

"H-ha? A-ano kasi yung dishwashing." Para akong muntanga sa pagsagot dito.

Napakunot naman ito sa tanong ko dahilang kinuha niya ang kanyang mask sa mukha niya.

"Ha? Dishwashing?"


Myghad! Ang gwapo namang viru- este pulis nito.

"Ah hehe dishwashing liquid" wala sa sarili kong pinakita sa kanya ang dishwashing na binili ko.

Anghel na ba to na pinadala sakin mula sa langit?

"Miss alam kong dishwashing liquid yan. Ang tanong ko ba't nandito ka pa sa labas at saan ka pupunta?" Nakakunot noo nitong tao.

Hala! Kyah concern ka sakin? Ghad!

"Miss" tawag ulit nito sakin dahilang bumalik ako sa katinuan.

"Ah! Pasensya ka na kuya ha pinakuha kasi sakin to ni mama sa kanila ni aling lorna. Super super as in super kailangan niya kasi. Ayoko namang dila ko yung gagamitin niyang ipanghuhugas sa mga plato kaya pasensya ka na talaga. Uuwi na ako" Mabilis kong pagpapaliwanag dito at akmang aalis na sana ng bigla itong tumawa.

Automatiko akong natigilan at napatingin dito. Shet! Ba't ang cute nitong tumawa. Kuya hulihin mo nalang po ako.

"Ganon ba. Sige samahan na kita para malaman ko kung totoo nga yang sinasabi mo." Sabi nito ng natatawa pa din.

Anudaw?! Sasamahan niya ako? Is this a blessing from heaven? Ngunit bago ako magsimulang maglakad ay bigla ako nitong tinawag.

"Nga pala, miss ito suotin mo" sabay abot niya sakin ng mask.

Tiningnan ko muna ito bago tuluyang kunin ang mask. At ayun nga kinuha ko naman hihihi. Nakakalungkot at ang lapit lang ng bahay namin kaya mga ilang minuto ko lang siyang nakasama. Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay agad na akong nagpaalam dito.

"Ahe kuya ito na po yung bahay ko, maraming salamat po ha sa uuliti-este di ko na po uulitin. Hehe" pagpaalam ko dito ngunit bago pa ako nakapasok ay bigla itong nagsalita.

"Sige miss, ingat palagi at palakas ka magkikita pa ulit tayo." Napatigil ako sa sinabi nito at agad itong nilingon. Nadatnan ko nalang itong kumakaway at naglalakad na paalis.

Habang papasok ng bahay ay di ko maiwasang hindi ngumiti habang hawak hawak ang dishwashing at mask ng future jowa ko.

"Oh? Anong nangyari? Mukhang ang saya saya mo yata ah nagkavirus ka na ba?" Bungad ni mama na nasa gilid ko.

"Hmm. Sa tingin niyo po ma? Hihihi kuyang virus po yata tawag dito eh" sagot ko dito habang may malapad na ngiti.

"Ah oo nga pala ma, dagdagan niyo pa ang mga hugasin. Pati ang mga magagandang plato niyo ilagay niyo na dito. Ako na bahala." Dugtong ko pa dito at agad na nagsimulang maghugas. Di ko talaga malimutan ang mukha ni kuyang virus hihihi.

"Ewan ko sayo, baliw ka na" sabi nito, agad naman ako nagsalita bago ito umalis.

"Hihihi isa lang yan sa mga sintomas ma. Abangan niyo bukas magkakalabnat ako hahaha"

At dun nagsimula kong nakilala si kuyang virus na natagpuan sa kalagitnaan ng coronavirus.

Once Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon