My Boybestfriend is Inlove

7 0 0
                                    

"Frenny!" malakas kong tawag sa taong kakalabas lang mula sa pintuan ng airport. Agad naman itong nagpalinga-linga na parang hinahanap kung saan nanggaling ang boses ko.

"Anton! Frenny! Dito!" ulit kong tawag dito. Sakto namang napatingin ito sa direksyon ko ng iwinagayway ko ang kamay ko. Agad itong ngumiti ng tuluyan niya na akong nakita. Waaah! Ang gwapo pa din talaga ng Bestfriend ko!

"Bi, ang ingay mo alam mo yun? At nakakahiya" pagrereklamo naman ng babyloves ko na katabi ko ngayon. Sumimangot lang ako dito sabay kurot sa magkabilang pisnge nito.

"A-aray! Bi!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit. Sa di niya ba naisip na kapag hindi ako sumigaw dito, di kami makikita ni Frenny? Tapos ano daw? Kinakahiya niya ako? Waaah! Nagtatampo na talaga ako!

Akmang kukurutin ko na sana ulit ito ng biglang may nagsalita.

"Nakakaistorbo ba ako?" nang tiningnan ko ito ay isang maamo na mukha ang siyang bumungad sakin. Hala! Di ko na napansin na nandito na pala si Frenny. Hindi ko naman maiwasang hindi ito titigan. Kung maputi ito noon ay mas lalo itong pumuti ngayon, ih para na nga siyang kpop star. Ang wafu wafu talaga ng frenny ko.

"Gulat ka no?" natatawang sabi nito. Nye, parang barbie pa din talaga.

"Di ah! Lol. Mabuti at nandito ka na." sabay yakap ko dito at agad din naman itong gumanti ng yakap habang natatawa pa. Seryoso? Pumunta lang tong US naging baliw na bigla.

"Sabihin niyo lang kung dapat na kong umalis dito." napalukso ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ko. Amazing, nakalimutan ko biglang may boyfriend ako ah.

Agad na kong bumitaw mula sa pagkakayakap ko dito at sabay na tiningnan si Bibi ko na sa ngayon ay pulang pula na ang mukha. Ih, nagseselos siya.

"Selos ka na niyan agad bi? Hahaha" natatawang tukso ko dito ngunit umismid lang ito.

"Frenny si Bibi Dan pala. Bibi si Frenny Anton pala" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Ngunit imbes na magshake hands nagtitigan lang ang mga to. Ay? Di ako na inform na ito na pala ang bagong greetings ngayon.

"Nice to meet you, Dan" sabay pag-abot ng kamay dito ni Frenny, ngunit tiningnan lang muna ito ni bibi bago niya ito tanggapin.

"Nice to meet you too, Anton" nagpabaling-baling naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. Teka, ano bang nangyayari? I smell something fishy eh. Yung mga titigan talaga nila iba, tapos yung mga mata nila parang nag-uusap.

"So, tayo na. Tour niyo na ko dito hahaha" agad naman akong napaayos ng bigla itong magsalita. Sumunod naman si bibi dito habang ako ay di pa din makaget-over sa mga nangyayari. Ba't feel ko parang may di ako alam?

Habang patuloy na sumusunod sa likod ni Anton, napalukso naman ako sa gulat ng biglang hawakan ni Dan ang kamay ko. Yieee ang sweet talaga ng bibi ko. Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad habang nauuna pa din si, Anton. Scam din to eh, may pasabi-sabi pang kami daw yung magtotour sakanya eh ang lok mas kabisado pa pala yung pasikot sikot dito sa Pilipinas. Nagdududa na nga ako kung galing nga ba talagang Amerika to.

"Fren! Sine tayo?!"at sa ikalawang pagkakataon ay napalukso nanaman ako sa gulat ng bigla ako nitong inakbayan. Jusmeyo! Ba't ba ang hilig manggulat ng mga to? Napatingin naman ako dito at di ko maggawang magsalita, sa ang lapit-lapit na ng mukha niya sa mukha ko eh. At isang galaw ko lang lagot na. Habang di pa din maalis ang pagkatitig ko dito ay naramdaman ko nalang ang biglang pagpiga sa kamay ko.

Lagot! Nandito pala si Dan, baka kung anu-ano na ang isipin nito. Kaya agad kong nilayo ang mukha nito gamit ang isa kong kamay.

"Frenny ang baho ng hininga mo." tanging sagot ko dito na siya namang nagpatawa dito. Dinig ko naman ang pagreklamo ni Dan na nasa gilid ko.

"Tayo na nga, punta na tayong sine" sabi ni Dan sabay ang paghigit sakin kaya nauna na kaming maglakad ngayon kay Anton. Nagseselos ba to? Hihihi.

Kagaya nga ng sinabi nito ay dumiretso na kami papuntang sinehan at halos doon kami nagtambay buong mag-araw.

"Bi, punta muna akong cr." paalam nito sa gitna ng panonood namin. Tumango nalang ako dito habang hindi pa din inaalis ang atensyon ko sa panonood. Joker kasi yung pinapanood namin ngayon, at ang ganda pala talaga men.

Ramdam ko namang tumayo na ito at umalis, hindi nagtagal ay bigla namang nagsalita si Anton na nasa gilid ko.

"Fren, saan na jowa mo?" dinig kong tanong nito.

"Nasa cr" tanging sagot ko dito habang di pa din inaalis ang pagkakatingin ko sa screen. Kung saan nasa magandang part na dun pa talaga sila nangungulit eh no.

"Hmm. May bibilhin muna ako ha." paalam nito ngunit di ko na ito pinansin at sa halip ay tinabog ko nalang ito gamit ang kamay ko. Psh, lesson-learned pag-manonood ulit ako di ko na sila isasama. Nakakabadtrip eh!

Maya maya pa'y nakaramdam bigla ako ng pagvibrate. Inis kong kinuha ang cellphone ko at in-on ito sabay tiningnan kung may message ba, pero wala naman. Ngunit patuloy pa din yung pagvi-vibrate na siyang nagpabadtrip sakin ng lubusan. Naman oh! Daming istorbo!

Inis kong binaling-baling ang tingin ko sa magkabilang upuan para matingnan kung kaninong cellphone ang naiwan. At ayon! Ang tangang si Anton basta't basta nalang iniiwan ang cellphone niya kung saan-saan. Inis ko itong kinuha at balak sanang patayin ng biglang naagaw ang atensyon ko sa lockscreen nito.

Isang pamilyar na mukha ang siyang bumungad sakin at may nakasulat na love sa ibabaw ng larawan nito at may mga heart pang disenyo. Kahit na may pagkablur ito ay pinagmasdan ko pa din ito ng maiigi. Sobrang pamilyar talaga eh, saan ko nga ba nakita ang picture na to? Patuloy pa din ako sa pagsisiyasat ng unti-unti ko ng mawari kung sino ito.

Agad akong natigilan at hindi makapaniwalang tiningnan ito.

Hindi maaari,

Inlove si Anton,

Inlove ang boybesfriend ko,

Sa mismong boyfriend ko.

Once Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon