Alcohol

13 7 1
                                    

"Tol, ano bang pinaggagawa mo sa mga alcohol na yan ha?" Pagtatakang tanong ko dito matapos itong samahan na bilhin ang isa nanamang higanteng alcohol.

"Tol ano pa ba ang pwede gawin dito? Syempre ipanglalagay sa katawan. Mahirap nang madapuan ng virus na yan." Pagpapaliwanag nito habang dala-dala ang mga minamahal niyang alcohol.

"Psh! Virus na nga yata mismo ang matatakot sayo, eh halos araw araw ka yatang bumibili niyan. Baka yan na din ang ginagawa mong pagkain." Reklamo ko dito. Ikaw ba naman hindi ka ba maiinis kung paulit-ulit kang hinihiraman ng pera ng dahil lang pambili ng alcohol. 

"Dapat lang tol! Ang ganda ng katawan ko para madapuan lang ng virus." sagot pa nito. Pucha! Sa totoo lang nagsisimula na akong magduda sa pagkatao nito. Tsk! Nagpatuloy nalang ulit kami sa paglalakad pero syempre one metre distance ang arte pa naman nitong kasama ko. Ngunit napatigil kami ng biglang may mga lalaking humarang sa dinadaanan namin.

"Saan kayo sa tingin niyo pupunta" masigang tanong nung isa sa amin. Langya mukhang mga lasing na yata to ah.

"Alam niyo bang nakatapak kayo sa teritoryo namin ha!" Dugtong pa nito. Tiningnan ko naman ang mga kasama nitong nakapalibot sa amin na mukhang mga sabog na. Nasaan na ba ang mga tanod dito at ba't di pa nila hinuhuli ang mga to.

"Pagtinatanong kayo sumagot kay--" akmang hahawakan sana nito ang kwelyo ni Mark ng bigla itong magsalita.

"P*ta! Nakapag alcohol ba yang kamay mo para hawakan mo ko ha!" Sigaw nito dito. Halatang nagulat naman ang mga to. Pucha! Ba't di nalang kasi tumahimik to eh.

"Aalis nalang po kami" pagpaalam ko sa mga to sabay hawak sa braso ni Mark. Ngunit bago pa kami gumalaw ay bigla itong sumigaw.

"Walang aalis!" Pucha mukhang ito pa yata ang ikamamatay namin ah.

"Ikaw! Sino ka para sigawan kami ha!" Sigaw nito habang kinekwelyuhan si Mark.

"P*ta! Sabing huwag mo kong hawakan! Magkavirus pa ko sa kagagawan mo eh! Linisin niyo nga muna yang mga sarili niyo bago kayo didikit-dikit sakin" Inis na bulyaw naman dito ni Mark sabay pagkaalis ng pagkakakwelyo nito sakanya.

Pucha lang talaga ha. Ito na yata ang taong pinakamaarteng lalaki na nakilala ko. Malapit na kami sa kamatayan dahil sa mga pinagsasabi niya tapos yung virus pa talaga yung iniisip niya.

"Yan! Mas kailangan niyo yan kesa sakin." Dugtong pa nito sabay hagis ng alcohol na binili niya sakanila. Pucha! kung makahagis to parang di niya hiniram yung perang pambili ah!

Nakita ko namang masama itong tiningnan ng mga lalaki at...

"Mark!" Tawag ko dito ngunit huli na ang lahat at may kutsilyo nang nakatusok dito.

~prrrtt~ ~prrrtt~

Di kalayuan ay may nadidinig akong sunod sunod na pagkakasipol.

"Pulis! May pulis! takbo!" Dinig kong pagsisigawan ng mga to habang mabilis na nagtatakbuhan.

Hindi makapaniwala ko namang tiningnan ang taong nakahandusay sa sahig. Agad ko itong nilapitan at pinilit na gisingin.

"Uyy tol! Mark!" Tawag ko dito ngunit ngumiti lang ito sabay pikit.

Hindi ko lubos inaakala na sa isang alcohol ay mamamatay ang kaibigan ko.

Once Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon