Introduction
Part 1Narration:
Nagpakalat ng anunsyo ang Reignadia Palace sa buong Unitadios na bukas ang palasyo sa kung sino ang nakahanap sa mga nawawalang singsing labing-pitong taon na ang nakakalipas. Ang mga taong naninirahan sa Unitadios ay tapat sa palasyo at kailangan nila ng mga magliligtas sa kanila mula sa unti-unting pagkilos ng kadiliman.
SINA'S POV:
Nakaupo ako ngayon sa isang silid kasama ang iba pa na ngayon ko lang nakita. Gusto ko lang malaman kung gaano nga ba kaimportante ang nasabing mga singsing sapagkat natagpuan ko ang isa sa mga ito.
Sa totoo lang hindi ko inaasahang makikita ko ito sa ikalaliman ng dagat.Mag-isa akong namamangka noong mga oras na iyon kasabay ang mga malalakas na alon hanggang sa di kinaya ng aking bangka at ako'y nahulog. Habang ako'y humihingi ng tulong sapagkat hindi ako marunong lumangoy ay biglang may lumabas na liwanag sa ilalim ng tubig at nagpaikot-ikot sa akin. Pagkatapos nun ay di ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Akala ko'y katapusan ko na ngunit nagising na lamang ako kinaumagahan na nasa dalampasigan na at laking gulat kong suot ko na ang singsing sa aking daliri.
Isang hindi mapaliwanag na pangyayari, tila binigyan ako ng ikalawang buhay ng singsing na ito...
Magdadalawang oras na ako dito sa silid ngunit bakit tila wala parin ang nagpatawag sa amin. Nakaagaw ng aking pansin ang isang dalagang katabi ko sa upuan, mayroong kung anong kumikinang sa buhok nya at kanina pa sya nakangiti sa akin. Hindi na ako nakatiis at pinansin ko rin sya.
"Magandang araw, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ko sa kanya.
"Annyeong haseyo". sagot niya saken.
"Tila kakaiba ang iyong pangalan, ako naman si Sina, ikinagagalak kitang makilala". sabi ko.
"Ay, Hindi iyon ang aking pangalan, isang paraan iyon ng pagbati mula sa aking pinanggalingan, Heyoon ang pangalan ko." paliwanag nya.
----------
HEYOON'S POV:
Laking tuwa ko nang sa wakas ay may pumansin na sa akin dito sa loob ng tahimik na silid na pinasukan ko. Siya ay mayroong puting buhok na siyang lalong nagpaganda sa kanya. Pagkatapos kong magpaliwanag sa kanya ay kaagad kaming nagkasundo.
Ako ay nanggaling pa sa isang malayong lugar ngunit sinikap kong makapunta dito upang malaman ang katotohanan sa singsing na aking natagpuang lumulutang sa hangin. Inaamin kong natakot ako noong una sapagkat sa paanong paraan lumutang ang isang singsing at nasa harapan ko pa? Noong gabing iyon ay tila may tumawag sa akin upang lumabas ng aking bahay at bumungad sa aking paningin ang kumikislap at lumulutang na singsing, sa sobrang takot ko sa aking nakita ay bigla akong nawalan ng malay at bumagsak sa lupa. Pagkagising ko na lamang ay agad kong napagtanto na iyon ay isa lamang panaginip ngunit laking gulat ko nang suot-suot ko na sa aking daliri ang singsing. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan kaya naman noong nalaman ko ang tungkol sa anunsyo ng Reignadia ay agad akong kumilos at pumunta dito upang maklaro sa akin ang lahat at kung itong dala ko nga ba ang kanilang hinahanap.
----------
NOAH'S POV:
Hindi na kakaiba sa akin na makakita ng mga makapangyarihang bagay o pangyayari sapagkat ang aking ama ay dating engkantado na nawalan ng kapangyarihan dahil sa isang sumpa.
Ngunit minabuti kong tumungo dito sa palasyo upang siguraduhing hawak ko ang isa sa mga bagay na hinahanap nila.Ako at ang aking ama ay nagsasanay noong gabing iyon at sa di inaasahang pagkakataon ay may pabagsak na bulalakaw sa aming kinatatayuan. Agad kaming umiwas ng aking ama sa pabagsak na apoy ngunit ako'y tinamaan parin.
BINABASA MO ANG
Unitadios: Rings of Reignadia
FantasiThey didn't expect this to happen, their normal life suddenly turned into a magical night. They have been given a chance to be powerful and protect their places from the most dangerous enemy, "Smoke" who wants to reign the people under his dark powe...