CHAPTER 10 : PORTAL TO THE OTHER SIDE💍✨
Narration:
Pagkatapos ng kanilang pakikipaglaban sa mga Helta ay bumalik na ang Ring Fighters sa palasyo kasama si Kezra.
Umuwi silang bigo sapagkat nakuha ng mga Helta ang mga mamamayan ng Parama.KRYSTIAN'S POV:
Pumasok na kami sa pintuan ng palasyo.
Bakas sa mukha ni Kezra ang kalungkutan at pag-aalala para sa mga kasamahan nya.
Kanina pa siya tulala at walang imik, napakalaki ng naging epekto sa kanya ng pangyayaring iyon."Kezra, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo, a-ayos lamang ako 'wag mo akong intindihin kaya ko naman ito." mahina niyang pagsagot.
Ano ba namang klaseng tanong yun, alam ko namang 'di siya maayos ngayon eh.
Akmang papunta na sana kami sa trono ng hari nang sinalubong kami ni Ms. Avin.
"Ring Fighters, nabalitaan kong bigo kayong iligtas ang lahat ng mamamayan ng Parama, ngunit nais kong malaman ang lagay ninyo ngayon, may nasaktan ba sa inyo?" pag-aalala niya.
"Salamat sa pag-aalala Ms. Avin ngunit ayos lamang kami, mayroong mga maliliit na gasgas ngunit kaya namang gamutin at ipahinga kaya 'wag na po kayong mag-alala pa." sagot ni Heyoon.
"Mabuti naman kung ganoon, at maitanong ko lang kung anong pangalan ng binibining kasama ninyo?" tanong ni Ms. Avin.
"Kezra... Kezra po ang kanyang pangalan, siya lamang ang tangi naming nailigtas doon." mahinahon kong pagsagot sa kanya.
"Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan at pagod, mas mabuti pa sigurong magsipunta na kayo sa mga silid ninyo at magpahinga, ako na ang bahalang magsabi sa hari na nakauwi kayong lahat." sabi niya sa amin.
"Salamat Ms. Avin, ngayon mismo'y pupunta na kami sa aming mga silid." sambit ni Sina.
Akmang lalakad na kami ulit nang manghina si Kezra at bigla na lamang siyang nahimatay.
"K-Kerza!" gulat na pagsambit ko habang nakasandal siya sa aking braso at wala nang malay.
Satingin ko'y sanhi ito ng sobrang pagod niya.
"Krystian, kung maaari hay pakibuhat nalamang siya at dalhin sa ipinahanda kong silid." utos ni Ms. Avin.
"Nais ko siyang buhatin papunta sa kanyang silid ngunit tila siya'y mabigat." mahina kong sagot.
"Sinasabi mo bang 'di mo siya kayang buhatin?" tanong ni Ms. Avin.
"Nako naman Krys, gym-gym din minsan, ako nalang ang magbubuhat sa kanya." sabi ni Bailey.
"T-teka, teka... A-ako na." sabi ko.
"Diba sabi mo 'di mo kaya?" tanong ni Bailey.
"Oo, di ko nga kaya... N-ngunit kaya ito ng singsing ko." sambit ko.
"Sige na ako nalang baka mahulog mo pa siya nang dahil diyan." sagot niya sa akin.
Bago niya pa mahawakan si Kezra ay ginamit ko na ang aking kapangyarihan upang palutangin siya.
"O diba, ang gaan niya lang pala palutangin." sabi ko.
"Kahit kailan talaga ang kulit mo 'pag pinagsasabihan ka." sambit ni Bailey.
"Ha? Kailan mo ba ako pinagsabihan?" pagtataka ko.
"A- ah, n-ngayon lang. Sige na dalhin mo na siya dun sa silid niya, sasamahan ka daw ni Ms. Avin." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Unitadios: Rings of Reignadia
FantastikThey didn't expect this to happen, their normal life suddenly turned into a magical night. They have been given a chance to be powerful and protect their places from the most dangerous enemy, "Smoke" who wants to reign the people under his dark powe...