Handog ni Fairy God Mother

1.9K 63 14
                                    

Ramdam niya ang pagtama nang malamig na alon ng sa mga pinti. Ramdam din niya ang buhanging bumabalot sa mga paa.

Ngayon lang ata siya uli nakapunta sa beach sa loob na matagal na panahon. Nami-miss niya talaga ito.

Nakarinig siya nagpag-splash sa di kalayuan. Napunta doon ang atensyon niya. May tao atang nagswi-swimming.

Napalunok siya nang unti-unti itong umahon. Pamilyar sa kanya ang katawan.

Si Ito.

Napalunok siya uli.

Marahan nitong hinawi ang basang buhok papalayo sa mukha gamit ang nga daliri. Dahan-dahan ding bumababa ang tubig dagat sa katawan nito.

Sa mabalahibong katawan nito.

Sinundan pa niya ang bawat patak nang tingin. Doon sa matambok na dibdib. Sa mga pandesal sa tyan. Pati doon sa guhit ng buhok nito sa may pusod pababa doon sa nakatago na sa loob ng trunks nitong suot.

"Maam..andito na tayo."

Agad siyang nagmulat ng mga mata. Putangina. Nakatulog na naman siya.

Napasuklay siya ng buhok at napahilamos ng mukha.

Sa dami ba namang mapapaniginipan, si Ito pa. Langya kasi, nagpadala na naman ng picture nga abs kahapon, di tuloy siya nakatulog kagabi. Di na nga rin siya nakapag-reply sa taranta. Malay ba niyang sasakyan nun yung trip niya.

Letseng kapre yon.

"Maam, dito na po drop off niyo." Sambit uli ng grab driver. "Kanina pa po tayo dito sa tapat."

"Pa...Pasensya na, Kuya.."

Agad niyang kinuha ang bag at binigay ang bayad. Dinagdagan pa niya iyon dahil sa abala.

Pumikit lang  siya sandali kanina pero napalalim na ang tulog. Ang haba naman kasi ng byahe sa Ortigas extension sa traffic, nakakaantok talaga.

Saka siguro namimiss na niyang magbakasyon. Laging nag-aaya sina Pilar na mag Palawan kaso di matuloy dahil mga trabaho niya.

"Salamat po."

Inayos niya ang sarili at kinuha ang nga gamit. Sinigurado niyang wala siyang naiwan. Agad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok ng building.

Sa penthouse noon ang opisina ng Tita Angelu niya. Pinsan ng daddy niya tapos ninang na niya rin.

Party planner ito ng mga sikat at mga high society. Naging PA siya nito noon noong kasagsagan ng kahirapan nila sa buhay. Ito na rin niya ang tumulong sa kanila sa lahat ng problemang naiwan ng ama. Sobrang laki ng utang na loob niya dito kaya di niya mahindian sa ngayon kahit biglaan yung pagpapatawag sa kanya.

Napatingin siya sa oras sa relo at nakita niyang 10:05 na. Late na siya ng five minutes.

Kahit anong aga niya talagang umalis, kapag tinamaan ng traffic male-late at male-late talaga. Nakakahiya tuloy.

Tumawag muna siya kay Tita Angelu bago umakyat sa office. Timplahin niya muna ang mood para alam niya kung paano ia-approach yung client. Pinadala kasi nito ang portfolio niya para makapili ng designs yung ikakasal. Siya na daw ang magpre-present ng mga invitation saka ilang designs.

Weird lang. Personal talaga, pwede naman niya yong ipadala sa email tulad nang laging ginagawa niya.

"Hi Tita. Sorry, na-late ako."

"Oh, it's ok, Vivi dear. We are just starting." Dinig niyang sagot ni Tita Angelu. Ang lumanay ng boses, talaga. Di makabasag pinggan. "Nag-worry lang ako kasi kanina ka pa daw seven umalis sabi ni Ela. Where are you?"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon