R.I.P.

1.8K 47 25
                                    

"Ano na ang nararamdaman mo, Hija?"

Napakurap si Vivi sa tanong ng babae sa harap niya. Doktor ito sa pinagdalhan sa kanyang clinic ni Ito. Nagising nalang siya kanina na andito na.

Dr. Rosalina Esguerra yung name. OBGY. Tita daw siya ni Ito. May edad na pero halata na maganda ito nung kabataan pa. Maamo ang mukha. Siguro nasa genes nila yon, maganda talaga yung lahi.

Medyo bawas sa formalities dahil kamag-anak nga ito ni Ito. Tsang Salen nga ang tawag kahit doktor pa. Pero kahit ganoon, ang hirap paring sumagot.

Tumingin siya kay Ito. Ngumiti lang ito nang pilit na pilit. Nakaramdam tuloy siya ng awa. Mukhang pagod na pagod na. Umaga na kasi. Ang daming naging ganap.

"Lalabas ba ako, Vivi?"

Hala, bakit? Siya kaya may kagagawan nito. "Huy hindi. Dito ka lang. Wag mo ko iwan."

"Hija?"

"Ahmmm..M-Medyo...medyo makirot pa po." Sagot na niya sa doktor. Medyo nakakahiya kasi ang naging sitwasyon nila. Gusto na niyang kainin ng lupa.

Kanina nga nung chini-check nito ang pepe niya, palaging siyang sinasabihang i-relax. Kaso di talaga niya magawa. Yung kaba niya at takot andon parin.

"I see." Ngumiti ang doktora sa kanya at tumango. "This is your first coitus, hija?"

"A...A-ano pong coitus?" Jusko naman sa term. Anu yun, tunog pagkain.

"I mean...sex."

Ah shit. Yun pala yun. Nakakahiya lalo jusko naman.

"Yes po...na de-virginize po ako kagabi." Pag-aamin niya.

Nadinig niya pang napa-ubo si Ito sa tabi. Lumingon siya at nakita niyang namula ito.

Luh. Bakit?

"Masakit po kasi ang daks pala po ng pamangkin niyo. Mga eight to ten inches po tapos sinlaki ng wrist ko yung thickness." Aniya sabay taas ng pulsuhan. "Sabi po kasi ng friend ko small titi lang kapag malaki ang katawan. Mga two inches lang daw kaya kala ko keri ko. Fake news pala."

Napakagat naman ng labi si doktora na halata niyang nagpipigil ng tawa. Si Ito napatakip ng mukha.

Dapat niya yung sabihin diba? Need maging honest sa doctor kapag nagpa-pa-check up?

"A-Ano nga po ang findings niyo, dok?" Medyo kinakabahan na niyang tanong.

Naalala niya kasi na dumugo talaga yung vajayjay niya. Tapos ang dami. Tapos ang sakit-sakit. Ang hapdi parin nga hanggang ngayon. Tapos masakit pa yung bandang puson niya. Tumagos ata hanggang diaphram yung junjun ni Ito pakiramdam niya. Nahalukay na yung internal organs.

Kalmado nang ngumiti ang doktora. Mukhang nakabawi na doon sa kanina. "If found lacerations on your vaginal walls, hija. And cervical bruising, that was causing you pain."

Napa "o" nalang siya ng bibig. Hindi niya na gets gaano pero parang si Ito alam. Mukhang guilty na guilty ang mamang balbon. Parang iiyak na na hitsura.

"Bibigyan kita ng reseta for the pain. And antibiotics na rin. Tapos bumalik ka sakin after a week for follow up." Tapos bumaling kay Ito at ngumiti.

"No contact for a week, let her heal."

"Opo, Tsang."

"Ay ano pong no contact? Hindi ko po siya si me-message o tatawagan?" Tanong niya. "Paano na po? Paano po niya ako pananagutan?"

Di na napigilan ni dok ang pagtawa sa pagkakataong yon. Napatakip lang ito ng bibig at napayuko. Si Ito naman parang nananalangin na sa mga santo na di niya maintindihan.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon