Ilang Araw narin ng lumipat ang binata sa Peniedelyon University at masasabing sa ilang araw niyang pamamalagi ay naging sikat ito.
He became a varsity player na lalong nagpaigting sa mga kalalakihan na hangaan siya.Yes as you read it properly,boys.Sino nga ba naman ang hindi maiingit ehh kabago bago pa lang nito.
Sikat ang pangalan niya sa napakaikling panahon.
"Ano ang ilalagay pa dito,Raycilla?"Tanong ng binata sa dalaga.Magkagrupo silang dalawa sa isang aktibidad.
Wala ng nagawa pa si Raycilla ng kulitin siya nito.Sinabi niyong handa siyang magibg kaibigan lang basta malaman kuno niya na iba siya sa ibang lalaki.
"Here.Lagay mo diyan then pakigupit na lang toh."Sabi ng dalagang si Raycilla habang tinuturo niya ang gagawin ng binata.
They are creating a miniature of a house.Kailangan nilang magawa ito ngayon at matapos rin agad dahil sunod-sunod na namann ang mga pinapagawang proyekto sa kanila.
Ilang araw narin matapos maging malapit ang loob ng dalawa.Nilapitan ni Nicollo ang dalaga noong unang araw niya pa lang.Nagpakilala ito sa dalaga at tulad nga ng mga lalaking nagpappakilala kay Raycilla,hindi niya ito pinansin ngunit sadyang makulit lang ang binata kung kaya't nakuha niya ang loob ng dalagita.
Kitang kita ni Raycilla na magiging maganda ang kanilang obra pagkatapos.Maganda ang kulay ng kombinasyon at gayang-gaya ng isang tunay na modernong bahay.
Namumuo na ang pawis sa nuo niya dahil kanina pa nila ito ginagawa at medyo hindi sila nahahanginan sa kanilang pwesto isama pa ang ang poster paint na nasa mukha nito.
"Raycilla."Tawag ni Nicollo sa kaniya.
"Bakit?"Nagtatakang wika nito bago inayos ang salamin.
"Meron kang paint sa noo mo."Pinunasan ng dalaga ang nuo ngunit lalo lang kumalat.
Marahil nakuha niya ang pintura dahil sa kaniyang walang sawang pagpipinta.
"Teka.Ako na lang.Lalo mo lang pinakalat."Natatawang wika ng binata.
"Tawa ka pa ha?."Unang beses niyanf naranasan na pagtawan ng ibang tao maliban sa kaniyang pamilya.She don't really care if they are laughing but when she heard the annoying laugh of Nicollo,she can't help but to feel ashame.
Kinuha ni Nicollo ang panyo sa bulsa at pinunasan ang noo niya.Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakaramdam ng kalabog ng dibdib.Her heart pounded rappidly and it's not normal.
"Ang dugyot mo."Natawa ang binata ngunit kahit gano'n ay hindi nito matago ang saya dahil kasama niya ang dalaga.
"Oo na.Dalian mo na."Hindi niya maiwasang mailang dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroong isang lalaking naglakas loob na gawin ang bagay na iyon.
"Oo na mahal na prinsesa."pinagpatuloy nito ang pagpupunans hanggang sa maalis ang mantsa.
Ilang minuto pa natapos na nila ang proyekto at sila ang unang nakapagpasa.
"Sa wakas."Nakangiting wika ng dalaga habang nakatingin sa kalangitan. Kakapasa pa lang nila ng proyekto at pinauwi na sila agad.Wala na silang klase pa dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga teachers.
'Books!Here I come!'Marami na nanaman ang oras nito para sa pagbabasa.Ang kailangan lang niya ngayon ay ang tahimik na lugar at iyon ay ang kanilang bahay.
"Raycilla!"Kumunot naman ang noo ng dalaga dahil sa tumawag sa kaniya.She don't really want any disturbances now.
"Bakit?"

YOU ARE READING
Almost A Happy Ending
FanfictionMagmamahal ka pa ba kung ilang beses ka nang nasaktan?Ilalaban mo pa ba kung wala ka ng tiyansang manalo sa laban?Magtatapos ba ang kwento sa magandang wakas o sa kwentong Almost a Happy Ending?