Ilang linggo na nga ba sila naging magkakaibigan?Sa totoo lang hindi na mabilang ni Raycilla.She don't know why but she's thanful.Hindi siya palasalita at higit sa lahat boring siyan kausap.Hindi rin naman siya maganda at lalong seksi.
Para sa kaniya isa lamang siyang plain na babae na mahilig magbasa ng mga gawang pilipinong libro at iilang foreign books.Sino ba siya para maging kaibigan ng dalawa sa sikat na tao sa school nila?And take note ang isa Varsity,Singer at poging lalaki habang ang isa naman ay isang sikat na modelo ngayon.
Ehh siya?Ano bang meron siya bukod sa salamin niyang kulay neon pink at buhok niyang laging naka pony?Sino siya?
"Raycilla,you got the highest score."Nagpalakpakan ang buong klase dahil nakuha niya ang mataas na grado sa kanilang one hundred item quiz.Kinuha niya ang papel sa teacher niya at doon nakitang naka ninety-eight siya pero tulad ng dati wala siyang pake.Kailan ba nagkaron ng pake ang isang dalaga na nag-ngangalang Raycilla?
"Krystal you got ninety-seven.Ikaw ang pumapangalawa"Tumayo narin ang tinawag na babae at kinuha rin ang papel.Kailan ba siya naging una?Hindi niya alam dahil hindi rin naman nangyari iyon.
"So alam niyo naman na malapit na ang Intramurals natin na gaganapin next-next week.Napagisapan ng mga faculty na magkaroon ng mga activities na hindi pa nangyari noon."nagsigawan ang lahat sa narinig pwera na lang kay Raycilla na walang pakielam.Nakatungo siya sa librong binabasa.
"Uy!Ray!meron palang intramurals dito?"tawag pansin sa kaniya ng katabi na si Nicollo.Hindi rin niya alam kung kailan pa sila naging magkatabi basta ang alam niya lang,sumulpot na parang kabute ang lalake.
"Oo yata"Bored na bigkas niya.Normal na walang pake.
"Yata?Hindi mo alam eh ilang taon ka na dito?"Nagkibit balikat siya dahil sa totoo lang hindi naman siya umaatend ng mga ganitong activities na puno ng kajejemon.Ung mga stall na parang pangbata at mga estudyanteng gustong gusto na mahuli upang ipakasal.Yuck kadiri lang.
"I never attended"Napakamot ng ulo si Nicollo sa sinabi niya.Iniisip na napakaboring ng buhay ng dalaga.
"So magkakaroon ng singing contest ngayong taon at gusto ng mga faculty na duet daw para naman maganda.Opposite gender ang gusto nila para may mahanap na ilalaban sa CSPC sa susunod.Bawat section yon kaya class magkakaroon tayo ng parang audition sa classroom.All of you will sing infront at maghahanap tayo ng ilalaban.I don't want to lose because the prize is worth it."Nakangiting sabi ni Ma'am Sarah na adviser nila.
"Ano po ba ang price ma'am?"Tanong ng isang etudyante.
"Tatlong coupon para sa isang sikat na beach sa palawan."halos magwala ang lahat dahil sa narinig.Sino ba naman kase ang hindi masisiyahan sa natinig diba?Alam naman nilang hindi lahat makakasama pero masaya parin sila.
"Sinong kakanta Ma'am?"Sigaw ng estudyante na Angel ang pangalan.
"Naku Angel hindi ka talaga nakikinig.Magpapa-audition nga tayo.Mamayang after class na lang ha?May next class pa akong papasukin."
"Ma'am wait lang!Ano pa po pala mga activity?"Tanong ni Maycee
"Ung karaniwan lang.Gagawa ang mga SSG officers ng mga booth and stall tapos ang Science org. naman ay magkakaroon daw ng bagong team sa pageant.Eco friendly so definetly mga plastic o mga patopong gamit ang gagamitin para sa damit.Mamaya narin natin pag-usapan kung sino-sino ang ilalaban basta,class magready na ayong kumanta dahil wala kayong kawala"iniligpit na ni Ma'am Sarah ang nakakalat niyang gamit sa teacher's table.
"Magrecess na kayo pero maglinis after ung cleeners.Ayoko ng alikabok mamaya kundi maghapon kayong maglilinis bukas,understood?"Sumang-ayon na lang lahat upang matapos na ang diskusyo.

YOU ARE READING
Almost A Happy Ending
FanfictionMagmamahal ka pa ba kung ilang beses ka nang nasaktan?Ilalaban mo pa ba kung wala ka ng tiyansang manalo sa laban?Magtatapos ba ang kwento sa magandang wakas o sa kwentong Almost a Happy Ending?