THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, EVENTS, AND INCIDENTS ARE EITHER JUST A COINCIDENCE OR IT IS THE PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION. MY UPCOMING STORIES ARE ALL TAG-LISH. PLAGIARISM IS A CRIME.
"Lara,tigilan mo na nga iyang kakainom mo!"
"E bakit ba Nika babes! Nagsasaya lang naman ako ah." utas niya habang hawak ang basong may tequila.
"Nagsasaya o gusto lang makalimutan kung anong nangyari sainyo ni Shan? Babe, tigilan mo na. Wag kanang umasa kasi ikaw lang rin ang masasaktan sa huli."
"Okay chill babe, just one more shot."
Kasabay ng mga nagsasayawang madla, nakakabinging mga tugtog at mga nakakasilaw na ilaw, kasama ko lang naman ang bestfriend/babe ko na lasing na lasing na. Bestfriends kami since elementary at "babe" ang tawagan namin sa isa't isa. Highschool pa lang lumalaklak na, mas lalo pang lumala ngayong college na kami.
Si Shan yung TOTGA niya. Wala e, sumama sa ibang babae tas dun na nanirahan sa America. Kung pwede ko lang siyang isumpa na danasin din nya kung anong nararamdaman ni Lara, ginawa ko na.
Nawalan na sila ng komunikasyon simula nung iniwan siya nito at sumama na sa babae niya. Sabi niya ang huling paguusap daw nila ay siya rin palang tatapos sa relasyon nila.
FLASHBACK (CONVO NI SHAN AT LARA)
LARA :Babe, diba sabi mo magtatagal tayo? Diba sabi mo hindi moko iiwan?
SHAN :I'm so sorry Lara, pero hindi na kita mahal. Iba na ang mahal ko at si Colleen na yun. I'm so sorry but I can't love you the way you want me to.
END OF FLASHBACK
Ang masaklap pa sa nangyari sa bestfriend ko, yung babaeng sinasabi niya na pinagpalit sakaniya ni Shan ay ang kapatid niya. Si Colleen ang panganay niyang kapatid, bunso siya.
But anyways, bakit siya yung pinaguusapan natin e ako nga ang bida sa kwento na to diba?
Nandito kami ngayon sa CB bar malapit lang sa condo namin at halos katabi na din ng school namin, that's why nagrent kami ng condo kasi mas malapit nalang ang biyahe namin kung dito kami titira. Hati naman kami sa gastusin ni Lara kaya wala din naman akong naging problema.
Hindi naman talaga ako umiinom but I admit, nakainom nako ng alak. Occasionally lang naman o di kaya pag may mga gatherings or night outs. Sinamahan ko lang talaga tong babe ko para makalimutan na niya yung lalaking dumurog at nagwasak sa puso niya.
Gusto ko paggising namin bukas, wala na siyang mararamdaman na sakit at tuluyan na niyang makakalimutan si Shan. Madami pa namang lalaki dyan e, mas gwapo pa dun. Hays ewan ko ba dito sa bestfriend ko ayaw kasi maniwala sa mga advices ko.
Ako den nawasak na ako dati, at hinding-hindi ko na yun babalikan pa. Masyadong masakit na ang nadulot niya sakin, at ayoko nang madagdagan pa.
Sabi niya mamahalin niya ako hanggang sa tumanda kami. Sabi niya hindi niya ako iiwan katulad ng ibang lalaki. Sabi niya hindi kami kailanman mag-aaway.
Pero kasinungalingan lang pala ang lahat.
Pauwi na kami ng condo ng biglang magsalita ang lasing na katabi ko sa taxi.
"Babe, ba't ikaw? nakalimutan mo agad si De—"
Pinutol ko na agad ang sasabihin niya bago pa siya makapagsalita.
"Babe, alam mo namang matagal na simula nang nangyari yun, makakalimutan ko na talaga siya at ayoko nang ungkatin pa ang nakaraan."
"Pero babe, bakit nga nakalimutan mo na agad si Deib? Ba't si Shan hindi ko pa rin matanggal sa puso't isip ko?"
"Siguro kasi hindi ko na siya mahal. Wala na akong nararamdaman sakanya kundi galit at poot simula nung iniwan niya ko."
"Siguro kasi hindi ko na siya mahal."
"Wala na akong nararamdaman sakanya kundi galit at poot simula nung iniwan niya ko."
Pero sa totoo lang, niloloko ko lang ang sarili ko.Mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin ang nagwasak sa puso ko.
Mahal pa rin kita Deib.
YOU ARE READING
Until Eternity
Teen FictionAnika Cortez is a very alcoholic person. She wants liquor more than anything else. While on the other side, Deib Ortega is a famous and well-known architect around the world. They had a relationship back then and suddenly it turned into pure anger...