Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkita ulit kami ni Deib. Naging busy yata siya sa defense nila at exams kaya hindi ko na siya tinext pa simula nung araw na yun. Oo, nakuha ko yung number niya hehe ;)
Agad akong nagtext sa number niya:
Nika:
Deib? may gagawin ka ba mamaya?Deib:
Oo Nika e. Tatapusin ko pa yung thesis namin tsaka mga assignments. Kakabisaduhin ko pa yung mga pinapakabisado sa amin para sa quiz bukas. Tas may iba pa kong gagawin e.Nika:
Ah, ganon ba. Osige magkita nalang tayo kapag may free time ka na. Libre moko tapsi ah diba labs mo naman ako?Hindi ko alam kung sasagutin niya ang tanong ko pero kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
Deib:
Oo naman, labs kita. Ikaw pa ba. :)Grabe yung puso ko, kulang na lang lumabas siya sa buong kaluluwa ko sa sobrang bilis. Hays lab daw niya ko. Nakakatouch naman. Doon na natapos ang pag-uusap namin dahil may susunod pakong klase. Ayoko naman magpabaya noh, kailangan ko pa ring mag-aral ng mabuti hehe
Ngayon ay ang birthday ni mommy kaya icecelebrate namin iyon mamayang gabi. Naghanda sila ni daddy ng konting celebration sa mansion. Sabi ko ay tutulong ako sa paghahanda pagkatapos ng klase ko pero sabi nila ay kaya na daw nila iyon dahil andyan rin naman daw ang driver namin na si Kuya Clark at ang mga kasambahay.
Hindi na ako nagpumilit na tumulong at pumunta nalang sa mall kasama si Lara.
"Babe, anong ginagawa natin dito sa mall? Puwede namang sa bar nalang ulit." pang-aasar niya
"Tumigil ka nga Allara. Bibili ako ng damit dun sa boutique kasi isusuot ko mamaya. Wala ka bang naaalala ngayong araw?"
"Ay, birthday nga pala ngayon ni Tita Mommy! Tulungan na kita maghanap ng damit, may celebration ba mamayang gabi?"
"Oo, napagkasunduan nila yun ni daddy. Sabi ko nga ay tutulong ako pero okay na daw."
"Oo nga babes, wag kanang tumulong! Kailangan mong mag beauty-rest! Malay mo may gwapo roon edi nakabingwit pa tayo parehas ng papi HAHAH"
"Asa ka. Ako lang lalapitan non. Diba may Shan kana?"
"E diba may Deib ka na rin?" pangagaya niya
"Asan na nga pala si Shan? Bakit hindi kayo magkasama ngayon?" pagiiba ko ng usapan
"Out of the Country. Lilipat na yata siya ng school pagkatapos ng school year na to."
"O? Edi LDR kayo?"
"Parang ganun na nga."
Biglang pumait ang kanyang mukha at tila nalungkot sa aking sinabi kaya inaya ko nalang siyang mamili ng damit na susuotin namin para mamaya.
Habang kumakain kami ng ice cream ay namimili kami ng mga damit nang matanaw ko ang isang bulto na hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura at pangalan. May kasama siyang isang babae na may katangkaran, mestiza at parang anghel sa sobrang ganda ng mukha.
Biglang kumirot ang aking puso sa nakita. Parang gusto ko na lang umuwi at umalis dito sa mall na to. Mas lalo akong nasaktan ng akbayan niya ang babaeng haliparot na aaligid-aligid sa love story namin.
Ilang butil na ng mga luha ang pumatak sa aking pisngi at naramdaman na ni Lara na umiiyak ako kaya tinanaw niya ang direksyon kung saan ako nakatingin.
"Babe gusto mo na ba umuwi?" sabi ni Lara
"T-ara na b-abe, u-ma-lis na ta-yo di-to." utas ko habang humihikbi
Hinatak na agad ni Lara ang palapulsuhan ko paalis sa lugar na iyon. Kung saan nakaakbay si Deib sa babae at ngumingiti naman ang babae sa mga sinasabi niya.
Huli siyang umiyak ay noong namatay ang lola niya. Hindi siya madaling umiyak ngunit parang ang dali-dali lang sakaniyang iiyak lahat ng sakit ng natamo niya ngayon.
Siguro masyado kasi siyang nag-expect, masyado siyang umasa.
"Sabi niya may gagawin pa daw siya tas tatapusin pa niya yung thesis nila tas ngayon nakita ko siyang nakaakbay sa babaeng yun?" utas ko kay Lara habang pauwi na kami sa aming mansion
"Babe, wag ka kasing masyadong umasa. Siguro ang turing lang talaga niya sayo ay bilang isang kaibigan."
Sabi niya mahal niya ko. Sinabi niya yun. Hindi ako puwedeng mamali ng basa. Pero siguro nga hanggang magkaibigan na lang talaga kami.
YOU ARE READING
Until Eternity
Roman pour AdolescentsAnika Cortez is a very alcoholic person. She wants liquor more than anything else. While on the other side, Deib Ortega is a famous and well-known architect around the world. They had a relationship back then and suddenly it turned into pure anger...