Alas-dyes na ng umaga. Bumangon na ko sa aking kama para magready sa school. Alam niyo ba? napakaganda ng gabi ko. Napaginipan ko kasi na malapit nang dumating yung prince charming ko, yung magmamahal sakin higit sa lahat bukod sa pamilya ko.
Kaya ang aga kong nagising dahil baka magkatotoo na iyon ngayong araw. Malay natin makasalubong ko lang siya sa daan o sa mall o sa kahit saang sulok man ng mundo yan basta feeling ko talaga makikita ko na siya, yung taong pinapangarap ko hihe.
Lumabas na ako ng kwarto at sinalubong ang napakahigpit na yakap ng mommy ko.
"Anak, ang blooming mo ngayon ah! May lablayp ka na noh?" panunuya niya saakin.
"Mommy! kusa tayong darating dyan, wag nating madaliin. Sige ka, baka tumandang dalaga yung unica hija mo."
"Osige na nga anak. Basta pag meron na, magkwento ka lang samin ng daddy mo ah."
Laughtrip talaga tong si mama. Mas atat pa magkalablayp kaysa sakin. Pagkatapos kong mag agahan kasama sina mommy at daddy, nagpahatid na ako sa driver namin at dumeretso na ako sa school.
Hindi kami mayaman. Hindi rin naman kami mahirap. Nasa katamtaman lang ang kaya ng pamilya namin.
Pagkapark ng Mustang ni daddy, bumaba na agad ako ng sasakyan at nagpaalam sa driver namin.
"Thankyou Kuya Clark!"
"Walang anuman po, Ma'am."
Habang naglalakad ako papunta sa next class ko, hindi ko namalayan ang dinadaanan ko dahil binabasa ko ang items para sa quiz namin mamaya. Napahinto nalang ako nang may tumama sa aking balikat. Nalaglag lahat ng gamit ko at kailangan ko pa tuloy iyon pulutin.
Uumpisahan ko nang pulutin ang mga gamit ko nang may nauna nang umabot noon. Nakita ko ang misteryosong lalaki na nakaluhod sa harapan ko para pulutin ang mga nahulog na gamit.
Tila isa siyang bituin sa langit. Malinis ang pagkakagupit ng kanyang buhok. Ang kanyang ilong ay matangos, ang kanyang kilay ay napakaganda ng hugis at tila ang kanyang labi ay napakalambot at parang kasabik-sabik halikan. Isa lang oh! Sige na kyah oh!
Anika, umayos ka! Aral muna bago landi.
Naka puting polo siya, siguro'y dito rin siya nagaaral. Kahit sa murang edad, napakatikas na ng kanyang katawan at nakikita ko ang naglalakihang pandesal sa ibaba ng kanyang dibdib.
Anika talaga walang kadelikadesa!
Hindi ko na namalayan na napakatagal ko na palang nakatitig sakaniya at ngayon ay nakatayo na siya sa tapat ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil ngayo'y nakatitig na rin siya sakin na parang sinisilip kung ano man ang iniisip ng utak ko.
"Miss, i'm so sorry—"
Pero bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin, may sumulpot na isa ring napakagwapong nilalang sa kanyang likuran.
"Deib, kanina pa kita hinahanap!"
Humarap ang nasa harap ko ngayon sa lalaki. Deib pala ang pangalan niya. Interesting.
"Sorry Shan! may nabunggo kasi ako pero pupunta na dapat ako sa building natin."
At Shan pala ang lalaking nasa likod din niya na ubod din ng kagwapuhan pero parang mas papi tong isang to hihi
"Sige, tara na! Hinahanap ka na ni Sir Abad."
Humarap ulit si Deib saakin.
"I'm so sorry miss, hindi ko talaga sinasadya. Eto na nga pala yung mga gamit mo. Kailangan ko nang umalis, hinahanap na kasi ako ng prof namin e."
Lumakad na siya pero bago pa siya makalayo ay tinawag ko ang pangalan niya.
"Deib!"
"Yes Miss?"
"See you when I see you! Salamat sa pagpulot ng gamit ko! Ang gwapo mo!"
Pero bago pa niya marinig ang huling kataga na aking binanggit, nawala na siya sa aking paningin.
Parang eto na ang araw na hinihintay ko ah.
YOU ARE READING
Until Eternity
Roman pour AdolescentsAnika Cortez is a very alcoholic person. She wants liquor more than anything else. While on the other side, Deib Ortega is a famous and well-known architect around the world. They had a relationship back then and suddenly it turned into pure anger...