Malapit nang matapos yung klase namin pero yung isip ko nakatuon pa rin sa lalaking nakasalubong ko kanina. Si Deib.
Nang matapos ang klase namin, duneretso na agad ako sa tambayan namin ng bestfriend ko, si Lara. May sasabihin daw siya sakin kaya pinapupunta niya ko rito. Pagkatapos ng isang oras na paghihintay, nakarating na rin ang bruha.
"Nika babes!"
"BRUHA KA TALAGANG BABAITA KA! PINAGHINTAY MO KO NANG PAGKATAGAL TAGAL!"
"Sorry na babe, si Ma'am Forteza kasi ang bagal magturo! Halos makatulog nako."
"Isa pa talaga Allara Maxine sinasabi ko sayo."
"Hehe bati na tayo babes." pagpapaawa niya sakin.
"Oo na! ikaw pa ba tatanggihan ko." utas ko.
"Ano ba yung sinasabi mo ba't moko pinapupunta dine?" dugtong ko.
"Ayun na nga babe, maghihintay ulit tayo hehe. Gabi pa matatapos yung klase nila e. Malapit na din yun matapos."
"Osige, kumain na muna tayo. Baka hinahanap na tayo nila Daniella tsaka Cyrene sa harap ng school."
Sila Daniella at Cyrene ay ang iba pa naming kaibigan. May mga jowa na kase kaya hindi na kami masyado pang nag-uusap. Kinalimutan na yata kami hays. Kumain lang kami kasama sila dito sa fastfood katapat ng school namin.
Pagpasok ng fastfood na kakainan namin, nakita na agad kami ng dalawa at sinalubong ng napakahigpit na yakap at ang matindi don, tumili pa.
"Allara! Anika! kamusta na?" tili ni Daniella
"Oy okay lang naman kami. Kayo ni Cyrene? ang tagal niyo nang hindi bumabalik dito ah."
Lumipat na kasi sila ng school kaya hindi na rin kami masyadong nagkikita.
"Okay lang din naman kami. Namiss namin kayo! Hays kung puwede lang ulit bumalik dito kaso hindi na pwede e, dun na nagtratrabaho yung mga magulang namin."
"Kamusta na kayo ng mga jowa nyo? Buti di pa kayo nagbbreak? HAHA" panunuya ni Lara
"May forever noh duh!" Sabat nilang dalawa
"Hayaan niyo, bibisita ulit kami dito sa susunod." utas ni Cyrene
Hindi na namin namalayan ang oras at malapit na ring mag-gabi. Pagkatapos naming kumain ni Lara ay nagpaalam na kami sa kanila at umalis. Kailangang ko pa daw makilala kung sino ang ipapakilala niya saakin.
Nagpasundo kami kay Kuya Clark para pumunta ulit sa tambayan namin at para makilala ko na rin tong tinutukoy ng babe ko. Pagkababa namin ng sasakyan, naabutan ko ang isang lalaking tila nakita ko na sa totoong buhay o baka namamalik-mata lang ako. Naka side view kasi ang kanyang mukha at tila hinahanap rin kami.
"Love!"
Humarap ang lalaki kay Lara at nagulat ako ng magtama ang mga mata namin. Nakita ko na siya kani-kanina lang. Siya yung tumawag sa lalaking nasa harap ko kanina.
"Love! Andyan ka na pala."
Si Shan! tama, siya nga. Bakit naman to ipapakilala sakin ni Lara? Hindi kaya...
"Nika babes, si Shan nga pala boyfriend ko."
Nagulat ako nung una ngunit agad ko rin namang naintindihan ang sinabi niya. Nasa tamang gulang na rin naman tong babe ko kaya hahayaan ko na siya kung saan siya masaya. Hays inunahan pa ako sa lablayp!
"Hi! Boyfriend nga pala ni Lara." pagpapakilala ni Shan
"Kilala kita. Diba ikaw si Shan? nakasalubong ko kayo ng kaibigan mo kanina. Siya yung nakabunggo ko."
"Ah si Deib. Oo, ako yung tumawag sakanya. Sorry, hindi na siya masyadong nakapagpaalam sayo kasi hinahanap na siya ni Sir Abad."
"Hindi, okay lang. Nakapagpasalamat na naman ako sakanya sa pagpulot ng gamit ko. Atsaka, kasalanan ko rin naman."
"Ay nga pala! kasama ko pala siya ngayon. Bumili lang ng maiinom kasi sabi ko dadating yung bestfriend ng girlfriend ko ngayon e. Ireto ko daw sakanya. What a small world! Ikaw pala yun haha."
Biglang pumintig ang aking tainga ng marinig ang kaniyang sinabi. Ano daw? Nandito daw siya? Irereto daw ako sakaniya? Bigla tuloy akong nakuryoso sa aking itsura, kung gusot ba ang uniporme ko o kung oily na yung face ko.
Argh! Ba't kasi ngayon pa!
Habang tinitingnan ko ang mukha ko sa salamin ng face powder ko, sumilip sa gilid noon ang lalaking nagpapakaba saakin hanggang ngayon. Andyan na siya!
"Shan! ubos na pepsi e. Mag tubig ka nalang, healthy living par." utas ni Deib
"Deib! andyan ka na pala. Girlfriend ko nga pala, si Lara."
"Hi Deib! It's nice to meet you." si Lara
Ayokong humarap sakanilang tatlo dahil parang mawawalan ako ng malay kung magtatagpo nanaman ang aming mga mata. Para akong mahihipnotismo sa kaniyang mga galaw. Gusto ko na lang talagang kainin ng lupa.
"Deib, bestfriend ko nga pala si Nika."
Humarap ako ng taas-noo at tila sabay kaming nagulat nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi niya siguro inaakala na magkikita ulit kami.
"Nika pala ang pangalan mo miss. Sorry nga pala kanina ah. Nagmamadali kasi ako sa klase ni Sir Abad kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos." utas niya pagkatapos ay ngumiti
Nakakatunaw yung ngiti niya. Para akong ice cream na hindi nalagay sa freezer.
Napakafriendly naman ng isang to. Napakagwapo pa hays."Ah- eh- A-ko nga y-on. Oka-y lang pinulo-t mo nama-n yung gami-t ko e-h."
Anoba naman yan Anika Cortez! Confident ka kapag nagrerecite sa klase tas makikipagusap ka lang sa nakilala mo kanina, nauutal kana!
Well, hindi ko naman talaga siya nakilala. Nakabunggo lang.
"Anika Cortez. You can call me Nika nalang." buti hindi ako nautal sa sunod kong sinabi
"Deib Ortega. Nice to meet you, again."

YOU ARE READING
Until Eternity
Ficção AdolescenteAnika Cortez is a very alcoholic person. She wants liquor more than anything else. While on the other side, Deib Ortega is a famous and well-known architect around the world. They had a relationship back then and suddenly it turned into pure anger...