CHAPTER IV

19 1 0
                                        

Isang buwan na ang nakalipas simula ng huli kong makita si Deib. Ang huling kita ko sakanya ay nung may kasama siyang ibang babae sa mall.

Walang araw na hindi ako umiyak. Halos kulang na rin ako sa tulog at walang kagana-ganang kumain. Nasaktan talaga ako sa nakita ko sa mall na yun kahit hindi ko pa naman nalalaman ang buong katotohanan.

Siguro malapit lang talaga sa kanya yung babae? Siguro magkaibigan lang sila?

Madami pang kuwestiyon na pumasok sa aking isipan ngunit sawa na ako. Sawa na akong magmahal ulit ngunit sa huli ay umasa lang pala. Madami na akong naging crush bukod kay Deib pero siya pa rin talaga yung matindi sa lahat.

Simula ng araw na namanhid ako na tila wala na akong iiiyak pa, kinalimutan ko na rin siya sa aking isipan. Ituturing ko nalang siyang isang kaibigan dahil yun lang naman talaga ang turing niya sakin, wala ng mas higit pa doon.

Sa isang buwan kong paglimot sa kanya, iniiwasan ko siya sa tuwing magkakasalubong kami sa school. Ang nakapagtataka lamang ay ba't niya ako hinahabol sa tuwing tinatakbuhan ko siya o iniiwasan ko siya.

Diba masaya na siya? Diba may nararapat na sa kanya?

"Nika, kausapin mo naman ako."

Hinarap ko siya at nakita ko sa mga mata niyang kulay abo ang kanyang pagmamakaawa sa akin. Na parang may mawawala sakanyang importante.

"Deib, tantanan mo na ko. Ano pa ba ang gusto mo? Sa ibang araw nalang tayo mag-usap." kahit wala na namang dapat pang pag-usapan pa.

Sa loob ng isang buwan, ganon lang ang ginawa namin.

Iwasan ang isa't-isa.

Nandito kami ngayon sa CB Bar dahil nag-aaya si Lara. Tambayan na namin ito kapag may problema kami o gusto lang talaga naming magrelax.

Kala ko'y kaming dalawa lang ang nandito ngunit nandito rin pala sina Daniella, Cyrene, Jasmine, Cheska, Elmo. Sila ang iba pa naming mga kaibigan. Hindi na kami masyadong nagkikita-kita dahil iba't-ibang daan na ang tinahak namin. Sila Jasmine at Cheska ay may anak na. Oo, nagkaanak sila sa murang edad ngunit hindi naman namin sila nilait dahil desisyon naman nila iyon at bilang pagrespeto na lang rin sakanila. Si Elmo naman ay isang working student sa London, kauuwi lang siguro nito kaya nandito.

"Oy! andito rin pala kayo!" bati ko sakanila

"Anikaaaaa!!" sigaw nilang lahat pagkatapos akong salubungin ng napakahigpit na yakap

"Ano na bang nangyari sa inyo mga siz?"

"Yung mga anak namin marunong nang sumagot, palibhasa nagmana sa ama. HAHA" utas ni Jasmine

"Nakaipon na ko sa pagiging working student ko guys! Congratulate me bilis." si Elmo

Sa aming lahat, si Elmo ang pinakamasayahin at palabiro. Si Jasmine at ako ay palatawa at sina Cheska at Lara ay mahihinhin. Mga hindi makabasag pinggan.

Habang nagkukuwentuhan kami ay napagpasyahan na naming umorder ng hard liquors. Minsan lang naman kami uminom kaya susulit-sulitin na namin ang araw na to. Kinuha na ni Jasmine ang Cuervo at nagsalin na sa aming mga shot glass. Meron na ring lemon at chips na nakalagay sa table namin, siguro'y si Elmo na ang nag-order nito.

Nang makapitong baso na ako ng aming iniinom, umalis muna ako sakanila at dumeretso sa dance floor. Sanay na naman ako sa mga bars kaya alam ko na ang ginagawa nila sa tuwing makakakita sila ng nagsasayaw na babae sa dance floor.

Habang nagsasayaw, may naramdaman ako na humawak sa aking beywang. Pagharap ko ay nakita ko ang isang lalaki na halos yumakap na sa akin. Nakikisayaw naman ako sakanila pero kung aayain nila ko sa labas ay ibang usapan na iyon.

"Miss, do you want to be with me for tonight?"

"I'm sorry but I don't accept flirting or having s*x with you."

Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki. Hinigpitan niya lalo ang yakap saakin at akma na akong hahalikan nang bigla siyang bumagsak sa aking harapan. Nagulat ako at hindi makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari.

Bumagsak siya sa sahig dahil sinuntok siya ni Deib sa kanyang kanang pisngi at nagdulot ito ng pagkadugo ng gilid ng kaniyang labi.

Nananaginip lang ba ako? Si Deib ba ang nasa harapan ko ngayon?

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tinabi sa dancefloor habang yakap-yakap niya pa rin ako.

Kinurot ko ang aking braso at nasaktan ako roon. Ibig sabihin totoo lahat ng nangyayari ngayon. Bakit niya sinuntok yung lalaki? Bakit niya ako niyakap? Hindi ba niya kasama yung girlfriend niya kaya naghahanap na siya ng iba ngayon dito sa bar? Naghahanap siya ng pupuwedeng panakip butas?

Biglang umusbong sa akin ang pagkagalit sakanya ngunit agad din itong nawala nang marinig ko ang kaniyang malamig na boses. Nagulat rin ako nang sinabi niya sa kauna-unahang pagkakataon ang buo kong pangalan. May diin ang kanyang bawat salitang binitawan na parang siya'y nagagalit.

"You are mine, Anika."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until EternityWhere stories live. Discover now