Second Chapter

7 3 0
                                    

"Grabehan naman to." Mahinang sambit ko habang nakasakay ako sa tricycle.

Siraulo ba yon ? Papasakayin ako sa kotse nya- Well, Alam ko naman na may kotse sya kase bigtime yung datingan e. Lalo akong lalamigin kung um-oo ako don !

Nakita ko na siya sa school e. Sure ako nakita ko sya kasama si Keiro. Si Keiro yung apo ng may ari ng school. Mga bigtime lang din naman magkakasama e.

"Manong, Dito nalang po." Sambit ko sa driver ng tricycle. Inabutan ko na sya ng bayad at pumasok na sa village namin.

"Aziiii !!!" Napapikit ako ng mariin sa malakas na sigaw ni Zai.

"Why are you here Zaina ?" Walang emosyong sambit ko sakanya.

"Oy galit ka ? Bat iba tawag mo sakin ? Zai tawag mo sakin ah." Sunod sunod na aniya. Napairap naman ako.

"Bawal bang tawagin ka gamit first name mo ?" Iritang sagot ko sakanya dahil nayayamot na talaga ako.

Hindi ba nya nakikitang basa ako ?!

"Oh may bagyo ba ? Basang basa damit mo ah." Natatawang aniya.

Nilagpasan ko na lang sya at tinanggal ang sapatos ko. Mabilis akong umakyat para makaligo at makapagbihis. Lintek naman kase yung tubig. Hayop.

"Oy mag kwento ka nga sakin Azi ! Bat basang basa ka ? Hindi naman umulan !" Nangyayamot nanaman na sambit nya sakin.

"Oh e ano naman kung hindi umuulan ? Hindi ba pwedeng pinagpawisan tas natapunan ?!"
Deretsang sabi ko sakanya na sya namang kinagulat nya.

"Alam kong pinagpawisan ka dahil malamang nag basketball kayo ni Lash. Pero sinong nakatapon ng tubig sayo ?" Nagtataka na talagang tanong nya.

"Hindi ko nga kilala ! Bat ka ba nandito ?" Pagiiba ko ng usapan para hindi na mang asar to.

"Eto na nga kase. Samahan mo ulit ako alagaan si Kenzie !" Halos nagmamakaawang sambit nya.

Sabi ko na e. Isasama nanaman ako nento alagaan pinsan nya e. Lintek kakulitan nung batang yon !

"Sige na nga. No choice ako pag ikaw e." Napipilitang sambit ko.

Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki. Napangiwi naman ako.

Mapapasubok ako sa bata neto ah. Tsk. Pinipilit ata ako neto ni Zai mag alaga ng bata e.

My Only Desire.Where stories live. Discover now