8th Chapter.

7 0 0
                                    

"Are you fvcking twins ?! You two had been saying the same words !" Sigaw ko na talaga sakanila ! Kayamot na ampotek. Kabado paden ako nyan ah ! HAHAHA. "Ano bang kelangan nyo saken ?" Tinagalog ko na. Ang hirap na mag english.

"Kase crush ka netong si Keiro oh." Sambit ni David na ikinagulat ko. Psh. Bat hindi ikaw yung may gusto sakin ?! HAHAHAHA. "Luh ? Wag mokong inuulol David ah." Dinuduro ko pa sya habang sinasabi yan ! As if naman maniniwala ako !
"No, Azi. It's true." Aba nagsalita to si Keiro ! Lintek naka shabu ba  tong mga to ?!

"Psh. Wag nyokong pinaglololoko. Kung si Keiro lang may gusto sakin, Bat pati tong si David panay kausap sakin ?! Psh nakikipagkaibigan pa !" Sinasayang nila ang oras ko ah !
"Azi, Tinutulungan ko sya. Gusto ka nya ligawan e." Pucha, Ligaw agad ?! As if naman papayag si Daddy. Ay nakalimutan ko nga palang maraming kakilala to si David. Imposibleng konti lang din kilala netong si Keiro. Apo ng may ari ng school e. Mga bigtime to e.

"Aren't you gonna allow me to court you ?" Napairap tuloy ako ! Para sa kaalaman nila, Nangangawit nako ! "Psh. Pano kita papayagan na manligaw sakin e panay ingles mo ? Baka mamaya dumugo pa ilong ko sayo." Natawa pa si David pero nakita kong sinamaan sya ng tingin ng kaibigan nyang si Keiro. "Pwede bang umorder ako ? Kape pinunta ko dito hindi kayo. " Hindi ko na hinintay ang sagot nila at pumila na para umorder.

"One Iced Americano, Please." Sambit ko sa babaeng nasa cashier.
"That'll be only 380 pesos, Ma'am." Pucha. Kape lang halos 400 na ?! Lintek na yan.
Inabot ko sakanya yung bayad at umupo muna don sa waiting area para sa order. Pagkakuha ko na ng order ko saka ko kakausapin yung kambal tuko na yon.
"Here's your order ma'am !" Masiglang bati nung cashier at tinanguan ko lang siya. Sinulyapan ko ang relo ko at 5:05 na. Naka 25 minutes na pala ako kakascroll sa ig ! HAHAHA. Naglakad ako papunta sa table nung kambal tuko.

"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Bakit moko nagustuhan ? Anong meron saken ?" Parang ako tuloy nadalian sa tanong ko. Tignan ko nga kung may maisagot to pag tungkol na sakin yung mga tanong BWAHAHAHA.

"Simple lang. Nakita kasi kita dati nung ineenroll ka palang ng Mommy at Daddy mo. Late kana pumasok non kase na kick-out ka sa dati mong school dahil daw nakipag away ka. Andon ako non tas medyo matagal kitang tinignan. Sinusundan kita non minsan. Tapos naikwento sakin ni David na nabunggo ka nya kaya pinasundan kita sakanya." Ay pucha marunong pala magtagalog to pinahirapan pako. Wait, What ? Andon sya nung ineenroll ako nina Mama ?! Edi narinig rin nya nung sinabi ni Daddy na nakipag bugbugan ako ?! Napahiya ako don ah. Tatanungin ko na nga lang to tungkol sa sarili ko BWAHAHAHA tignan naten ang lakas mo Ford.

"Ah, Okay. Next question, Anong peyborit kong kanta ? At paano mo nalaman ?" Tignan naten kung alam mo. Pahiya to pag hindi nya al-- "Uh, One time kasi hindi kita sinundan pero nagulat ako habang pauwi ako nakita kong nakabukas bintana ng kotse mo tas naririnig kitang kumanta nung Ride Home ba yon ? Ben & Ben kumanta ?" Pano nya nalaman yon ?! Lintek ako napahiya don ah !

"Psh. Next question, Anong peyborit kong kulay ?" Bonus na yan lintek. "According to what I see, Maybe black ?" Oh diba bonus na ! Well, Halata naman sakin kase halos lahat ng gamit ko black e.

"Pag nasagot mo lahat ng tanong ko, Magpapaalam ka nalang kina Mama at Daddy na liligawan moko. Next question, Kilala mo ba ang mga magulang ko ? At kilala ka ba nila ?" Mabuti ng handa. Baka mamaya tanungin ako nina Daddy bakit nagdala ako ng lalaki sa bahay e.

"I know Mr. Castriel Dan Gomez. And Mrs. Emersyn Jane Gomez. They are my Dad's bussiness partners. And, Tita Emy knows me so well. She even knew that I like you." Wtf ?? Hindi manlang sinabi ni Mama sakin ? Grabehan na to !

"Psh. Nag chikahan pa kayo ng nanay ko. Next and last question, Are you confident that my mother and my father will allow you to court me ? And are you confident that I'm gonna say yes to you ?" Gusto ko kase yung confident ! Para naman maayos. Tsk. "Of course, I am confident." Pucha. No choice nako. Nagulat naman ako ng makitang badtrip si David. Tsk. Ano nanamang ikina-badtrip neto ?
"Psh. Sibat nako mga tol. Chat nalang kita sa ig brad. Ingat kayo pauwe." Tinanguan lang ako ni Keiro habang nakangiti. Syempre dahil mabait ako, Nginitian ko din sya.

Pumunta nako sa kotse ko at napansin ko ang oras. Dali dali kong tinext si Zaina. Buti nalang may load pako !

To:Nakakatakot kuno na si Zai
Oy pre. Sorry natagalan ako e. Kinausap ako nung kambal tuko. San kana ba ? Sunduin ba kita ? Pauwi nako.

Hindi pa sya nag rereply kaya dito muna ako sa kotse. Nagulat ako ng may nag dm sakin sa ig.

@z.charlotte: Oy tol, Dito nako sa bahay nyo. Nagulat ngako andito sina Tita ! Pucha uwi na ! Yare ka anong oras na oh ! Kala ko papagalitan ako ni tito ! Dito nalang ako nag reply sayo kase wala akong load ! Hehehe. Uwi naaa !

Napairap ako. Pero pucha, Akala ko bukas pa uwi nina Daddy ? Luh baka pagalitan ako non !
Sasabihin ko nalang na kinausap ako ni Keiro. Kilala naman raw nila yon. Napasulyap ako sa relo ko at nakita kong 6:45 na pala ! Psh. Matagal tagal din pala akong nakipag daldalan sa kambal tuko na yon.

Mabilis kong inistart ang kotse at natigilan dahil nakita ko si David at si Keiro na nag aaway ! Alam kong nag aaway sila dahil ang sama ng tingin nila sa isa't isa saka nababasa ko den yung mga words na sinasabi nila.

Pinuntahan ko sila at binaba ko yung bintana ko. "Pucha sa ibang lugar nga kayo mag away ! Mukha kayong tanga !" Natigilan sila pero hindi padin nawawala ang namamagitang tensyon sakanila. Pucha nag joke na ngako e. "Talk to your fvcking MANLILIGAW !" Sigaw ni David at padabog na kinuha ang bag nya. Tangna kanina pa badtrip to e. Umatras ako at sinundan sya.
"Ano bang problema mo, Cuenco ?" Bahagya syang natigilan pero bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya. Psh. Ginagawa ko ba sakanya ?
"You." Sambit nya at dali daling pumasok sa kotse nya. Luh ? Problema daw nyako ? Baket binabayaran nya ba tuition fee ko ? Or wala na syang pera kase binili nya ng mga gamit para kay Kenzie ?! Tsk. Babalik ko nalang pag ayos na yon.

Pinaandar ko na ang kotse ko at tinigilan ko si Keiro dahil nakatulala padin sya don. Tsk. Mukhang tanga. "Oy uwi na. Gabi na oh." Nakangiting sabi ko sakanya. Tumango lang sya at nakangiti nya lang akong kinawayan at umalis na din.

Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko. Tumigil muna ako sa 7-eleven para sagutin yung tawag. Baka madisgrasya pako e.
Nagulat ako ng makita kung sinong tumatawag !

Daddy kong malupet calling....

Nakalimutan kong kailangan kong umuwi ! Kinakabahan ako potek !! "W-what is it D-daddy ?" Nauutal pang tanong ko matapos kong sagutin ang tawag.
"Where are you, Val ?" Seryosong sagot ni Daddy at mas lalo akong kinabahan ! "I-I'm on my w-way home D-dad." Pucha nauutal ako ket pinipigil ko ! "Go home right now. We need to talk." Nakahinga ako ng maluwag nang patayin ni Daddy ang tawag. Pero potek kinabahan ako bat nyako pinapauwi !

Kasalanan to ng kambal tuko na yon !

My Only Desire.Where stories live. Discover now