Fourth Chapter.

5 2 3
                                    

"Why the hell are you here ?!" Mahina ngunit galit na sambit ko.

"Uh visiting you ? I have a gift for your child." Nahihiyang sambit nya. Putek uto uto talaga ! Pero ayos na yan para hindi na gumastos yung nanay neto ni Kenzie !

"Come inside. Nakakahiya naman sayo." I rolled my eyes. Kakayamot talaga to. Uuwi na dapat kami ni Zai e. Pero ayos na yon. Baka yariin ako nun e. Pero hindi naman ako natatakot.

Pumasok sya at nakita ko kung gano kadami yung bitbit nya ! May diaper, Andaming gatas at bukod sa lahat, Nakakita ako ng Cerelac ! Naks mapapakinabangan ko to !

"Oy bat nandito yan ? Saka bat andaming dala na pang baby ? Jusko may anak ka na ?!" Pabulong na sambit ni Zai sakin. Paniguradong kilala nya yon kase sikat yan sa school !

"Inuulol moko ? Nagpunta yan kase inasar ko kanina sa park na anak ko si Kenzie ! Bobo naman naniwala ! Uto uto yan !" Pabulong na sambit ko kay Zai. Tinitignan namin kung paano laruin ni David si Kenzie. Aba'y tuwang tuwa si Kenzie ! Nauto ren ata pate yung bata !

"Oy dinala mo lang yan diba ? Sibat na." Sambit ko kay David. D ko na kaya to ! Ako ata napahiya e ! Pero ayos lang para mapakinabangan naman ni Kenzie yung pang uuto ko.

"Pinapaalis moko ? Nilalaro ko na anak mo oh." Sambit nya habang nilalaro si Kenzie. Napairap naman ako. Kaya ko naman laruin si Kenzie !

Hinila ko na sya para makauwi na. Pagabi na e. Baka lalo akong yariin ni Zai.

"Ano ba ? Hinihila moko e binigyan ko na nga ng gamit anak mo para hindi ka na gagastos." Sambit nya na pilit tinatanggal yung pagkakahawak ko sakanya. Well, Dahil malakas ako, Hindi nya matanggal. Kala ko ba mayaman to baket lampa ?

"Putek nakita mo bakong buntis ?! Bat ka ba kase nagpapakita sakin ?!" Sigaw ko sakanya. Sinigawan ko na sya tutal nasa labas na kami. Pero hindi ganon kalakas kase baka marinig ni Zai.

"Gusto ko lang makipag kaibigan sayo." Aba'y inuulol talaga ako neto ? Anong makipag kaibigan saken ? Mas bigtime to saken tas totropahin lang ako ? Tsk. Sampalin ko to e.

"Anong makipag kaibigan ?! Ulol ka ba ?!" Singhal ko na talaga sa kanya. Hindi nako natutuwa dito ah. Nababadtrip nako.

"Ayaw mo ba ?! Ikaw lang ang gustong kaibiganin ng isang Cuenco !" Sigaw nya din sakin ! Aba'y naghahanap to ng away ah.
Saka ano namang pake ko sa apilyedo nya ? Tsk.

"Should I be honored ?! I don't even care if you're the bestfriend of Keiro ! I don't also care if you're a Cuenco !" Syempre sinigawan ko sya ! Papatalo bako ?! Syempre hindi !

"Just be friends with me !" Sigaw nya ulit ! Aba sinusubukan ako netong hayop na to ah. Kala nya kakaibiganin ko sya ? Hinde !!

"Why woul--" Napatigil ako sa pagsasalita ng sumigaw si Zai.

"Hoy kayong magjowa ! Wag kayo mag away dyan ! Nagpapatulog ako ng bata oh !" Napatigil kami sa pag aalitan ng narinig kong pinapatulog nya si Kenzie. Bungangera talaga e. Nasa second floor pero inabot yung sigaw dito !

"Hindi kami magjowa !" Sabay naming sigaw ni David.

"Mga ulol ! Uwi na tayo Azi ! Andyan na mga magulang neto !" Humarap ako sa paparating na sasakyan at nakita ko sina Candy kasama yung asawa nya.

"I should go." Sambit nya pero mahina na ngayon.

"Dapat lang. Inuulol mo nako e." Sambit ko sakanya at tinulak na sya para umalis na. Napabuntong hininga sya at naglakad na din paalis.

Nakahinga nako ng maluwag at akmang papasok na sa bahay ng biglang sumigaw si David.

"Just be my friend Azi !" Sigaw nya. Aba'y tarantado talaga e.
Pumasok nalang ulit ako sa bahay at nadatnan ko na sina Candy don.

Nakatingin sila sakin. Si Candy nanunukso ang tingin. Si Zai naman ay nakakrus ang mga braso at masama ang tingin sakin. Tinaliman ko din ang tingin ko kay Char.

Kinuha ko na ang gamit ko.
"Zai, Let's go home. Candy, We should get going. It's a bit late." Sambit ko at lumabas na agad. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at binuksan ko na. Nakita ko sa side mirror na sumunod na si Zai sakin.

Pumasok na si Zai sa shotgun seat. She looked so pissed though. Hindi ko nalang pinansin yon at tinahak na ang daan pauwi. Buti nalang tinuruan ako ni Daddy na mag drive.

"Hahatid ba kita sainyo ?" Paninimula ko sa usapan namin.

"Hindi. Magusap tayo sa bahay nyo." Seryosong sambit nya. Ay shet natakot ako. Jok lang. Ako matatakot ? Sa pusa pede pa.

Nakarating na kami sa bahay na wala nanamang tao ! Wala nanaman si Mama saka si Daddy ! Ayos lang yan. Hindi naman ako takot kay Zai. Mukha lang akong takot pero hindi talaga.

"Anong itinutunganga mo dyan Azariah ? Maguusap pa tayo." Anlakas neto ah. Kala mo bahay nya. Pasapak isa.

Sinundan ko nalang sya papasok.
Pag to tungkol sa David na yon mag aaway kami neto. Psh. Uto uto.

My Only Desire.Where stories live. Discover now