9th Chapter.

5 0 0
                                    

Mabilis kong pinark ang kotse ko sa garahe at mabilis akong pumasok ng bahay. Ngunit nagulat ako ng salubungin ako ng matalim na tingin ni Mama.

"Where have you been, Val ?" Tanong ni Mama sakin at bahagya akong napairap. Pucha yamot ako ng mga slight lang kay Mama. Psh. Hindi nya sinabi sakin na gusto ako ni Keiro ! Tsk !
"Dyan lang po sa tabi tabi." Sambit ko at dere deretso nakong pumasok sa bahay. Nagulat ako ng makitang masama din ang tingin sakin ni Daddy ! Pucha ano nanaman bang ginagawa ko sakanila ?!

"Why are you looking at me like i've killed thousands of bad people ?" Sambit ko habang nagtatanggal ng medyas sa sofa. Nakita ko naman si Daddy na lalong kumunot ang noo.
"Mr. Vergara and your other teachers called me ! Sinagot mo sila ! What's going on with you Azariah Val ?!" Sigaw nya at nagulat naman ako. Tsk. Nagsumbong nanaman amp.
"I'm a bit distracted, Dad." Totoo naman. That twins bothered my peaceful life ! "Distracted by what ?!" Psh. Kala nya hindi masakit sa tenga ah !

"By that twins. I'm not sure if you know them." Kalmado pading sagot ko. "What twins ? Can you tell me the surname or the name ?" Haaay sa wakas huminahon ang malupet kong tatay. "Cuenco and Ford." Deretsong sagot ko na ikinagulat nya. Bigla namang sumulpot si Mommy at umupo sa tabi ni Daddy. "David and Keiro ?" Tanong ni Daddy. Tsk, Malamang ! Alangan mga lolo nila ?!

"Who else is my batchmate, Dad ? Their grandfathers ?" Sarkastikang sagot ko at nagulat ako ng humalakhak si Daddy ! Ano to joke time ? Kanina galit ngayon tumatawa ! "Dad, What's gotten into you ? Had you fvcking lost your mind ?!" Tumawa ulit sya ! Tangna mga adik ba tong nasa paligid ko ?
"Words, My dear." Napairap nanaman ako ! "Tsk. I'll go get changed. Oh by the way, Where is Zai ?" Tanong ko kay Daddy. "She's at your room !" Sigaw nya ng makalayo nako. Napairap ako at tumuloy nalang sa pag akyat.

Bubuksan ko palang sana ang pinto ng kwarto ko ng biglang bumukas ito at bumungad ang galit na mukha ni Zai. Pucha kanina parang tuwang tuwa pa tong hayop na to kase nagagalit sina Daddy ! Ngayon siya galet ? Anak ng tupa. Mga highblood ang nasa paligid ko !!

"Tsk. Anong tinitingin tingin mo ? Pwede ho bang makipasok sa kwarto nyo ?" Sinadya kong magbiro pero hindi parin nagbabago ang mukha nya. Tsk.
"Saan ka nanaman galing ?" Napahinga ako ng maluwag ng tumawa sya. Tanginanto nantitrip nanaman.

"Psh. Alam mo bang tatawag na ng pulis yang si Tita ? Sige lang, Pagbutihin mo pa ang pagsama sa kambal tuko na yon." Tsk. Pano nya nalaman yon ?!
"Bago moko ganyanin, Papasukin moko sa kwarto ko." Kala mo naman kase kwarto nya. Grabe makaharang e. "Ulol, kumain muna tayo sa baba. Mukhang hindi ka sasamahan kumain nina Tito saka ni Tita maghapunan e." Malamang hindi nila ako sasabayan maghapunan. Busy sila sa trabaho e.

Bumaba na kami ni Zai at dumiretso na sa kusina upang kumain. Nagulat ako nang makakita ng kare-kare ! Bihira lang ako makakain neto dahil minsan lang din sila magluto dito. Paglingon ko kay Zai ay halos kainin na nya lahat sa sobrang dami nyang kanin !

"Tangek ka ba ? Ikaw tong sinasabi palagi na 'stay fit and healthy' tas ngayon ikaw na panay lamon. Tsk." Parantanga naman kase. Naalala ko pa kung paano ako pahirapan netong kumain ng kung ano-ano e.

Kumain nalang din ako para ayos. Gutom na kase ko. Mag 8 na ng gabi sa dinami dami ng sermon sakin pag uwi ko.
"Oy advance reading tayo !" Sigaw sakin ni Zai habang naghuhugas ng plato sa kusina. Nauna nako sa sala para makapag advance reading kuno.

"Oy usap usapan kanina na sinagot mo raw yung dalwang prof ah. Tsaka usap usapan rin na, Kaya lumipat yung kambal tuko na yon dahil sayo e. Masyado ka bang stressed dun sa kambal tuko na yon ? Kung ako sayo, Titigilan ko na pagiisip don." Tila nangangaral pang sambit nya.
"Tsk. Parang nung mga nakaraang araw gustong gusto mong kaibiganin ko yon tas ngayon sasabihin mo tigilan ko ? Ulol ka ba ? Saka san mo nalaman na dahil sakin lumipat yung mga asungot na yon ?" Iritang sagot ko. Aba e nung nakaraang araw andaming satsat na kesyo makipagkaibigan ako or whatever ! Pucha nasisiraan na ng ulo to ah !
"Ulol ka din e no ? Usap usapan sa school ! Edi na chismis lang !" Napairap nalang ako at hindi na sya pinansin.

Pilit kong finofocus sarili ko pero naiisip ko padin yung kambal tuko na yon. Tsk. Napagalitan ako ng siraulo kong tatay dahil don. Nabadtrip pa ako ng sobra dahil don ! Sarap kotongan !!

Pinagpatuloy ko nalang magbasa kahit wala akong maintindihan.
"Pucha naman Azi !! Magsabi ka kaya saken ? Ano bang ginawa sayo ng mga yon at ganyan ka ? Mukha kang lugeng luge sa pera !" Tsk. Isa palang nalalaman mo !! Yung paglipat palang yon ! E yung pambibwiset sakin ? Hindi nya pa alam yon !
"Tsk. Sa tingin ko pinagtitripan lang nila ako e. Sabi kase ni David, Gusto raw ako nung si Ford. Wala naman sakin yon pero nayayamot talaga ako don sa David na yon ! Gusto ko syang sapakin kase nakakabanas yung kawalan nya ng pake sa mundo ! Tsk !" Kuwento ko sakanya.

"Nako ka, Azi ! Pag ikaw nagkagusto talaga dyan kay David ewan ko nalang." 

"Ako magkakagusto don ? Kahit anong mangyare hindi ko sya magugustuhan !"

Umirap sya pero hindi ko nalang sya pinansin.
Nagbasa nalang ulit ako ng libro at medyo may naiintindihan na ako. Siguro pag naikwento ko lahat lahat, Maging okay din ako. Tsk. Nakakayamot kase talaga sila ! Mga bigtime lang kaya ganon sila e ! E ako ? May pera kame pero hindi naman kame ubod ng yaman tulad nila ! Kung hindi lang ako na guidance don sa dati kong school hindi ako mapupunta sa school na yon e.

Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang tumunog ang phone ko.

@david_cuenco messaged you.

Hindi ko na sana papansinin ng may makita akong isa pang notif.

@k.ford messaged you.

Pag etong dalawang ungas nato magkaparehas ng sinabi pag uuntugin ko to.

Binuksan ko ang phone ko at hindi nga ako nagkamali ! Parehas sila ng sinabi !

@david_cuenco: Go outside. I'm at your actual house.

@k.ford: Come outside of your house. I'm here.

Kung kelan nga naman talaga ako nabadtrip ng sobra sakanila saka sila pumunta sa bahay !

@val_gomez: Ay inaantok nako e. Sorry, Ford.

Reply ko kay Ford dahil obvious naman na magkasama sila e.

"Azi ! May naghahanap sayo !" Anak ng pucha. Bat naman kase andon si Mama sa may gate !

Umakyat ako sa kwarto ko para kunware matutulog nako. Hindi naman nako susundan ni Mam--
"San ka pupunta, Azi ? May naghahanap nga sayo sa labas !"

Pag ako napuno kay David yayariin ko talaga sya !

My Only Desire.Where stories live. Discover now