Fifth Chapter.

7 1 0
                                    

"So anong paguusapan natin Zaina ?" Seryoso ring sambit ko sakanya at umupo na sa couch. Kapagod ngayon !

"Bakit nandon si David kanina ? Siya ba yung sinasabi ni Kenzie na sinabihan mong tanga ?" Seryosong sambit nya. Natatakot nako. Eto na nag sisimula na.

"Psh. Uto uto kasi sya. Pagsalitaain mo muna ako okay ? So ganto. Nakaupo lang ako sa bench sa park tas nilapitan nyako tas tinanong nya kung anak ko raw si Kenzie. Naisip ko na pagtripan sya kaya sinabi kong anak ko si Kenzie. Is that a problem ? And how did you know that uto uto guy ?" Seryosong pag papaliwanag ko sakanya.

"Wtf Azariah ! Pinagtripan mo sya ? Is he the guy na nakatapon ng water sayo ? And you are asking me how did I know that guy ?! He's David Isaac Cuenco for heaven's sake !" Sigaw nya sakin. Nayayamot nako ah.

"I don't fvcking care if he's a fvcking Cuenco ! He even wants to be friends with me ! Is that even normal ?! Or he's abnormal ?!" Sigaw ko rin sakanya ! Syempre hindi ako magpapatalo.

"You don't fvcking care ?! He's the 'kababata' of Keiro Ford ! Keiro Ford is the 'apo' of the owner ! And he wants to be friends with you ! Just be friends with him ! His family has the largest shares for the school !" Sigaw nya din. Aba pake ko kung yung pamilya nya ang may pinakamalaking shares sa school ? Ikamamatay ko ba ? Tas makikipag kaibigan ako ? Edi sasabihin ng ibang tao haliparot ako ? Yoko nga !

"You want ME to be friends with him ?! Are you fvcking crazy Zaina ?!" Syempre sinigawan ko na sya. Galet nako kunware.

"Just do it ! He probably needs something from you." Mahinahong sambit nya. Psh. Tignan mo bati na kami.

"Bati na tayo ?" Umaasang tanong ko sakanya.

"Oo ! Basta pakainin moko ! Nagka LQ pa kayo ! Nagsisigawan kayo sa labas e pinapatulog ko si Kenzie ! Buti nagising !" Oh diba tanginanto. Mang aasar pa e.

"Ulol manahimik ka. Teka, Bat andami mong dalang damit ? Naglayas ka ba ?" Aba e tignan mo naman bitbit neto. Dalawang malalaking bag ! Ano lilipat ata to dito samin e !

"Pinagalitan ako ni Daddy kaya umalis muna ako sa bahay ! Wag ka mag alala trip ko lang yon ! Mga 2 weeks siguro ako dito."
Naglayas nanaman. Pero ayos na yon. May kasama ako lagi sa bahay.

Gabi na kaya naghapunan na kami. Pinagluto ko na. Iiyak na e.

"Oy wag mo masyado pagtripan. Bahala ka pag ikaw nafall dyan."
Nasamid pako ng banggitin nya yon ! Tangek tangek naman neto ! Anong akala nya sakin may gusto don ?! Kadiri amp.

"Inuulol mo bako Char ?! Ako magkakagusto don ?! Nakashabu kaba ?! Alam mo namang wala akong nagugustuhan e !"
Wala naman kase talaga akong nagugustuhan. Para sakin, Pagsasayang lang ng oras ang gagawin ko para sa lalaki. Mas mabuti pang sa pag aaral ko nalang gamitin. Last year ko naman na ng Senior High. Mas mabuting gugulin ang oras sa pag aaral kesa sa mga lalaking walang kwenta. Hindi rin ako ma fafall sa isang yon. Uto uto e.

"Pusta ko isanlibo magkakagusto ka dyan." Sambit nya habang punong puno ng pagkain yung bibig.

"Gago ka ? Gutom lang yan ! Kumain ka pa !" Sambit ko habang tinutulak yung pagkain para makain nya. Anlaki rin ng bunganga neto e. Palibhasa nagagamit palage.

Nagbasa basa muna ako para makapagpalipas na rin ng oras. Si Char na ang naghugas dahil gusto nya. Madali naman akong kausap. Walang hiya naman talaga ako.

"Oy matulog na tayo ! Masyadong nag aaral ng mabuti ! Baka matigil ang pag aaral dahil sa pagmamahal !" Sigaw nya na nakapagpainit ng ulo ko.

"Ulol ! Matulog na lang tayo kase maaga pa bukas !" Sambit ko habang nililigpit yung gamit ko.

Umakyat nako sa kwarto ko at Naligo na. Nagpalit na rin ako ng pantulog kase ang init.

"Oh goodnight ! Wag isipin si David baka hindi makatulog yung tao kawawa naman." Nang aasar na sambit nya. Inambahan ko naman sya ng suntok at bahagya syang umiwas. Psh. Patalsikin ko to sa bintana e.

"Char, Gusto mo bang lumipad palabas ?" Sambit ko habang nag iistretching ng konti.

"Sabi ko Jok lang Azi ! Matulog kana nga !" Kinakabahang sambit nya. Kabado masyado tong hayop na to. HAHAHA

Pano kaya pag nangyari yung sinabi ni Char ? What if ma fall nga ako sakanya ? Gusto ko kasing pinagtitripan sya. Nanlalaki yung mata na tila nakarinig ng super shocking news ! May pa connections pa sya. If I know stalker ko lang yon. Syempre Jok lang. Pero imposible akong magkagusto sakanya e. Una sa lahat, Uto uto. San ka nakakita ng lalaking paniwalain ? Porket sinabi kong nanay nako maniniwala ? Pangalawa, Payatot. Nung nabunggo ako ramdam na ramdam ko mga buto nya ! Well, Gwapo naman pero mukhang tanga pag nagugulat e. Pangatlo, Feelingero ! Hindi naman sa sinasabi kong hindi sya pogi pero parang ulol kase pag bilib na bilib sa sarili e ! Self support ganon !

Nagulat nalang ako ng tumunog ang phone ko.

@david_cuenco followed you on Instagram.

Sabi ko na may Instagram to e. Wala nga dapat akong instagram kaso ginawa ni Char ! Puro kaklase ko lang naman follower ko !

@david_cuenco: Are you still awake ?

@val_gomez: Well, Obviously yes.

@david_cuenco: Will you be my friend na ?

@val_gomez: Ay nagtatagalog ka pala. Pasinto sinto nga lang.

"Ay iba din ! May pa dm ang lelang mo !" Halos nabato ko ang phone ko ng magsalita si Char ! Tanginanto gising pa pala !

"Pake mo ? Finollow ako para mambwiset. Ginawan mo pa kasi ako ng Instagram e !" Sigaw ko sa Chismosang to.

@david_cuenco messaged you.

Napatigil kami sa pag aalitan ni Char ng mag message sya.

@david_cuenco: Still there ?

@val_gomez: Of course. I'm a little sleepy though. I'll go to bed na. You should sleep too.

@david_cuenco: Alright. See you in school tomorrow. Goodnight.

"Waaaaa goodnight daw saka See you in school tomorrow ! Iba na ang level mo Azi !! Sulitin mo !" Nakakarinding sigaw nya at tinakpan ko ng todo ang tenga ko !

"Tueng matulog kana !" Sigaw ko sakanya at humiga na rin.

It's going to be a long day tomorrow. I'm doomed ! See you in school daw ! Okay na sana kung 'See you when I see you' yung sinabi nya e !

Wait. Why does my heart beats so fast ?! Weird.

My Only Desire.Where stories live. Discover now