May pumunta dito na nurse para i check ako, tinanggal nya na din yung dexstrose ko kanina. Wag na lang daw ako masyadong magpapagod. Sa sobrang stress lang daw 'to kaya nawalan ako ng malay dagdag pa non yung pag-inom ko kagabi.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Seb.
"Oo, pagluluto mo ba 'ko?"
Kasalukuyan kaming nandito sa living room, nanonood ng movie.
"Susubukan ko."
'Di naman kase ako marunong mag-luto kahit anong gawin ko hindi ko pa din magawa.
"Wag na baka sunugin mo pa yang kitchen nyo." Natatawang sabi nito.
Edi ako na 'di marunong mag-luto. Dati kase sinubukan ko syang ipagluto kaso iyon palpak muntik ng sumabog yung kitchen namin.
"Order na lang tayo?" Tanong ko.
"Ahm sa labas na lang tayo kumain."
Malayo pa ang mga restaurant dito, tapos kung mag-bibihis pa kami lalo lang matatagalan, may lakad pa ako 'di ako pwedeng malate.
Tinignan ko ang wristwatch ko. 8:30 na! Ang bilis ng oras.
Agad ko naman kinuha yung cellphone ko para tawagan si Iris.
"Hi Iris medyo male-late ako ha? Papunta na ba kayo?" I asked.
"Ah oo papunta na kami ni Aron."
"Oh bakit kasama mo 'yan?" Di ko naiwasan ang pagtataray ng boses ko.
"Eh ahm ano kase sinabi nya na sabay na lang ako sa kanya, para tipid sa gas."
Wow sa yaman mong 'yan naisip mo pang magtipid ha? Mamaya talaga sa akin tong babae na 'to kailangan nyang mag explain sa nakita ko, kahit lasing ako non tanda ko pa yung moment nila ni Aron kagabi.
"Tss kita na lang tayo mamaya message mo sakin yung adress kung saan yung bar." I ended the call.
Tinignan ko naman si Seb, na nakatingin din pala sa akin.
"San punta mo?" Walang emosyon na tanong nya.
"Sa bar." Simpleng sagot ko.
"Gabi na, wag ka na lang tumuloy baka mapano ka pa. Dito nga sa inyo'di mo kinaya yang sarili mo. Bar 'yon for sure iinom ka 'don."
Oh bakit galit ka? Pambihirang lalaki 'to.
"Sige na Seb 'di ako iinom, I promised." Tinaas ko pa yung kanan na kamay ko para mag-mukang sincere ako.
"No." Sabay lipat ng tingin sa tv.
"Seb naman."
Ayaw pa din akong lingunin ng mokong.
"Hoy Sebastian Villede!" Tinapat ko yung bibig ko sa tenga nya.
"What the?! Bakit kailangan mo pang manigaw?" Iritang tanong nito.
Natawa naman ako sa pagiging masungit nito, isa din 'to sa dahilan kung bakit ko sya nagustu--. No! Ano ba tong pinag-iisip ko, di ko na sya gusto no. 'di ko na hahayaan na mahulog ako sa kanya, okay na ako na hanggang dito na lang kami. Masaya ako sa ganito.
"Agatha? S-sorry nasigawan kita, ikaw kase naninigaw ka eh."
Ha?
Ah napansin nya siguro yung pananahimik ko. Ah! Sasamantalahin ko na tong pagkakataon na 'to, sya naman mangulit ngayon.
Lumipas ang sampung minuto hanggang ngayon di ko pa din sya kinikibo.
"Galit ka ba?"
Umiling lang ako.
BINABASA MO ANG
Never Exist
SonstigesNEVER EXIST To love is to feel like heaven when you are with him. To love is to suffer. To love is to sacrifice. And to love is to get over.