DENY

19 7 0
                                    

Ramdam ko ang pagtama ng sikat ng liwanag sa katawan ko. Grabe ang sakit ng ulo ko.

"Agatha?"

Mabilis akong humiga muli ng madinig ko ang pagkatok ni Seb sa pintuan. Ayoko muna sya makausap.

"Alam kong gising ka, bumangon ka na dyan."

Ramdam ko ang pag-upo nya sa tabi ko.

"Kumain ka na."

Hindi pa din ako kumikibo.

"Seb! What are you doing? Stop!"

Nabalikwas naman ako ng bangon ng umpisahan nya akong kilitiin.

Tumakbo naman ako sa likod ng sofa para hindi nya na ako makiliti.

"Please stop Seb! 'di ako nakikipagbiruan."

Hindi pa din sya tumitigil sa paghabol sa akin. Para kaming mga bata dito sa kwarto na naghahabulan at nagbabatuhan.

Nang mapagod ako umupo na lang ako sa kama ko.

"Tired?" Natatawang tanong ni Seb.

"Oo pagod na pagod na ako."

Habol ko pa din ang hininga ko dahil sa sobrang pagod.

"Sorry."

Bakas sa mukha nya ang sobrang pagkalungkot.

"It's okay." Pinilit kong ngumiti para maniwala sya na okay lang.

"Yung kagab--"

"Oh no! May nagawa ba ako kagabi? Nasukahan siguro kita? Sorry Seb." Tarantang sabi ko.

Gulat nya naman akong tinignan. Magpapanggap na lang siguro ako na hindi ko alam yung nangyari kagabi. Gagawan ko na lang din ng paraan para ma-explain ko sa mga kabigan ko. Siguro sasabihin ko na lang na bago pa sila dumating lasing na 'non  si Seb kaya ano ano yung mga nasabi.

"Ahh oo yun nga but it's okay." Seb said.

Ilang minuto ang katahimikan. The atmosphere is starting to get akward.

"Ahm gusto mo pa ba ako?" Pagbasag nito sa katahimikan.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"H-ha?"

Bakit ba kailangan nyang magtanong ng ganyan!

"Gusto mo pa ba ako Agatha?" Pag-uulit nito.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo. Pinagmamasdan ko ang mukha nya, nagbabakasakaling nagbibiro lang ito.

"Are you seriously asking me that?" Natatawang tanong ko.

He sighed.

"Yes or No?" Seb asked.

"Or." Biro kong sagot.

Wrong timing yata yung pag-bibiro ko, halatang nag iba yung expression ng mukha nya.

"Ah biro lang 'yon Seb." Pagbawi ko.

Unting-unti naman sya lumapit sa akin kaya unti unti din akong napaurong.

"Aray!"

Napahawak ako sa ulo ko, nauntog na pala ako sa head board ng kama ko.

"Tss. 'di nag-iingat."

Aba kung hindi sya lumapit edi sana 'di ako nauntog no!

"Masakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Seb.

"Ikaw kale iuntog ko dito." I rolled my eyes at him.

Kunwaring tumawa naman ako, mukhang galit na kase eh. Totoo naman kase sya kali mauntog tapos tatanungin nya kung masakit, kaya nga nag 'aray' ako diba?

Never ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon