It has been three years.
Bumalik ba sya para iwan muli ako? Para paiyakin ako? Masaya ako na nakita ko sya pero hindi ko maitagong makaramdam ng kaba, I don't know why. Maybe, I'm afraid na iwan nya ulit ako.
"S-sebastian?" Mahinang tanong ko na sapat na para madinig nya.
Lumingon ito sa akin.
"Agatha, long time no see."
Damn! Bakit ba ganyan sya makangiti? Di ko mapigilan na purihin ang kagwapuhan nya. Mas lalo syang gumwapo!
Gusto kong mainis sa kanya dahil sa pag-iwan nya sa 'kin noon, three years ago.
"Bakit mo ako iniwan?." Napayuko na lang ako.
Ramdam ko ang paglapit nito sa akin.
"I'm so sorry Agatha.
Nag-angat ako ng tingin. Kita ko sa mala-bughaw nyang mga mata ang kalungkutan.
"Ang daya mo, sabi mo kaibigan mo ako diba? Pero iniwan mo ako!"
Hindi ko napigilan ang pag-taas ng boses ko.
"Palagi mo na lang akong iniiwan."
Pinilit kong 'wag maging maemosyon. 'Di ko na kaya na lagi ko syang iniiyakan, dapat matagal ko ng tinapos ang kahibangan ko na 'di kami ang para sa isa't-isa.
Dahil ako lang naman ang umaasa.
-----FlASHBACK----
"Seb, m-mahal kita." Muling pag-amin ko.
Hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin nanaman 'to sa kanya.
"Pero Agatha parang kapatid ang turing ko sayo. At hindi mag-babago 'yon."
Alam ko naman 'yon nagbakasakali lang ako baka nagbago na yung nararamdaman nya, na katulad na sa kung ano yung nararamdaman ko. Pero nagkamali lang ako.
Bakit ba ako umasa na magugustuhan nya ako pabalik?
"K-kahit kailan ba 'di mo a-ako nagustuhan?"
Agad nag-landas ang mga luha ko.
"I'm so sorry Agatha pero hindi ako ang para sayo."
Aambang pupunasan nya ang mga luha ko, ngunit agad kong itinabig ang kamay nya palayo sa akin.
"I can." Sabay punas ko sa aking pisngi.
Masyado ba akong umasa? Simula sana nung una pinigilan ko na 'tong lintek kong puso na mahalin sya higit pa sa isang kaibigan.
How stupid me to assume!
"Ayokong masira ang pag-kakaibigan natin dahil lang dito."
Napatango ako. 'Di nga dapat maapektuhan ang pag-kakabigan namin dahil sa pag confess ko 'ulit.'
Alam ni Seb na iiwas ako dahil ganon ang ginawa ko noong unang umamin ako sa kanya. But this time 'di ako iiwas dahil lang sa pagiging immature ko.
"Kalimutan mo na 'yon, siguro kahibangan ko lang 'to."
Pinilit kong ngumiti sa kanya.
Hindi na ako aasa sayo Sebastian Villede.
-----END OF FLASHBACK-----
"Ate Agatha!"
Napalingon naman ako sa tumatakbong palapit na si Kesha.
"Hello Kesha!"
She's so cute. Bagay na bagay sa kanya ang dress na kulay white na may mga desenyong bulaklak.
"Happy Birthday po, sorry po late po ako ah eto po kaseng gift ko ay binake po ni Tita ko po kanina lang." Nahihiyang paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Never Exist
RandomNEVER EXIST To love is to feel like heaven when you are with him. To love is to suffer. To love is to sacrifice. And to love is to get over.