JEALOUS

26 7 0
                                    

"Aano ba kase tayo?" Nagtataka kong tanong.

Kanina pa kase kami paikot-ikot dito sa mall.

"Umuwi ka na kung naiinip ka."

Kanina pa sya ganyan, simula kanina na hindi ako pumayag sa gusto nya na maging girlfriend nya ako. Sya din yung magulo ang sabi nya dati ayaw nya i-risk yung friendship namin.

"Edi okay."

Naglakad ako palayo sa kanya.

Hanggang sa makarating ako sa labas ng mall.

"Ediwow kung 'di nya ako hinabol."

Akmang kukunin ko yung cellphone ko ngunit wala akong nakapa sa bulsa ko.

Then I realized na kay Seb pala. Wala akong choice kundi puntahan ulit sya.

"Seb phone ko?"

Gulat naman syang napalingon sa akin.

"Oh, sorry nakaistorbo yata ako sa inyo." Paghingi ko ng paumanhin.

Kusa na lamang humakbang palayo ang mga paa ko. Great! Bakit ba hindi ko napansin na may kasama sya.

"Agatha!"

Ramdam ko ang paghawak nya sa braso ko.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Y-yung kanina, let me explain."

"Alin don? Yung 'di ko pag pansin sayo  nung 'di ako pumayag sa gusto mo o baka itong pag aya mo sa akin sa mall tapos ikaw pa galit dahil nagtanong ako o, yung pag iistorbo ko sa sweet mo moments nyo?"

Nagtataka ko naman syang tinignan ng ngumiti sya ng nakaka-asar.

"Selos ka?" Natatawa nyang tanong.

"H-hindi ah."

Kainis, bat nga ba ako ganon umasta kanina.

"Weh? Bakit utal-utal ha?"

"So? Edi bumalik ka don." Pagtataboy ko sa kanya.

"Umalis na tayo dito, let's not waste the day. Kaibigan ko 'yon wag ka na mag selos. Puntahan na lang natin mommy mo para 'di na mainit ulo mo dyan."

Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.

Nakarating kami agad sa puntod ni Mommy.

"Hi Mommy sorry po wala akong dalang flowers biglaan po kase ang pagdating ko."

Hinawi ko ang ilang piraso ng mga tuyong dahon sa kanyang lapida.

Ramdam ko ang pag tabi sa akin ni Seb.

"Hello po Tita, ako po si Seb boyfriend po ni Agatha."

Agad ko naman syang binatukan kaya napa-aray sya.

"What was that for?"

"Umayos ka dyan Sebastian." Pagbabanta ko dito, baka mamaya maniwala sa kanya si Mommy.

"Joke lang po kaibigan po ako ni Agatha pero willing to wait naman po ako para maging boyfriend ng anak nyo."

Bigla bigla na lang talaga ako nasusurpresa sa mga sinasabi nito.

"Isa!" Muling pagbabanta ko dito.

"Tanda mo pa ba na dito lagi tayo nagkikita?" Pagbabago nito ng usapan.

"Oo naman, dito mo rin ako lagi iniiwan." Ngumiti ako ng mapait.

"Pero paulit ulit naman kitang binabalikan."

Hindi naman sapat na salita 'yon. Iba pa din kung mananatili lang sya dito.

"Bakit umaalis ka ng walang paalam? Pati nga nung birthday ko akala ko talaga mawawala ka na lang ulit non."

"Pero Agatha nandito naman na ulit ako."

"May balak ka ba ulit umalis?" ' di ko mapigilan na maitanong.

Napayuko na lamang sya, gusto ko lang naman malaman kung kailan para naman mapaghandaan ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako handa kung dadating man ang oras na 'yon.

"Alam mo Seb, inaasahan ko na sasagutin mo na wala kang balak umalis kase nag promise ka diba? Pero nagtanong pa din ako kase yun yung inaasahan ko na sasabihin mo."

Tumayo ako sa pag kakaupo sa damuhan, hindi ko kaya kung mananatili pa kami sa ganitong usapan, dapat 'di na lang ako nag tanong.

"When is the right time to say goodbye, Agatha?"

A/N: Sorry for the wait but I'm back. I know some of you may napapansin na mali sa mga spells ng mga characters, at sa iba pa. I'm really sorry for that 'di ko lang po napapansin, but anyways thank you dahil itinatama nyo yung mga mali ko, very appreciated. Lovelots chams!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon