Prologue

81 4 0
                                    

Her P.O.V

"Hoi maganda kong kapatid HAHAHA papasok ka na?"-bungad sakin ng kuya kong baliw.

Tsk nakakainis ayokong tinatawag akong maganda!

"Aish ewan ko sayo kuya! GWAPO AKO HINDI MAGANDA OKAY?!"-inis na sabi ko

"Oh bakit? maganda ka naman eh Tibo lang HAHAHA"-asar pa nito sakin

Kainis naman! sabing GWAPO ako eh

"GWAPO nga kasi ako!"-sabi ko

"Pakababae ka na kasi sigurado maraming magkakagusto sayo HAHAHA"

Ayan na naman sya

"Di mo ko mapipilit kung tibo ako, tibo talaga ako! wala akong pake kahit maganda ako dahil GWAPO ako.
Ewan makapasok na nga! ikaw ba? di ka ba papasok?"-sabi ko

"Bukas na lang tinatamad ako eh pasabi na lang kay ma'am labyu HAHA"-nakakalokong sabi nito

Baliw talaga palibhasa may gusto sa teacher

Maganda naman kasi si ma'am medyo crush ko nga sya eh pero kay kuya na yun at may gf na ko kaya bawal nang lumandi at bawal naman talaga lalo na't teacher

Di ako tutulad kay kuya na pinapatulan yung teacher namin kahit bawal.

Bata-bata pa kasi si ma'am medyo kaedaran namin mga around 20's? basta yun oo yun

16 pa lang ako at si kuya kaedaran ni ma'am or mas matanda pa sya kay ma'am? ewan.

Repeater kasi yang si kuya pano loko loko di siniseryoso yung pag-aaral kaya ayun imbes na nagtatrabaho na sya ngayon, nag-aaral pa sya.

Hays tama na nga kakakwento papasok na ko at baka malate pa ko.

"Alis na nga ko bye"-sabi ko sabay alis

"Oi pasabi kay ma'am ah!"-pahabol pa na sabi ni kuya

Hayst bahala sya dyan

Sumakay na ko ng jeep para pumuntang school na medyo may kalayuan sa bahay kaya kailangang sumakay.

"Bayad ho isang estudyante"

Inabot ko naman yung bayad ko at maya-maya'y nakarating na ko sa school na pinapasukan ko

Then dumiretso ako sa room but bago yun nagpabango ulit ako syempre para always mabango HAHAHA di naman kase ako tulad ng ibang tibo dyan na mga dugyot.

Nakakairita.

Time check: 5:30AM

Masyado pala kong napaaga hayst

Pagpasok ko sa room ay inapiran ko lahat ng mga tropa kong lalaki

Aga nila ah.

"Yo wazzup man? gwapo mo pa rin ah HAHAH mas gwapo ka pa saming g*go ka "-bungad sakin ni Jake isa sa tropa ko

4 kaming magtotropa at puro lalaki sila.

"Bango mo ah anong brand ng pabango mo? sabihin mo naman bibili lang ako HAHAH"-sabi naman ni Clark sabay apir

"Ayusin mo nga yang Uniform mo siga ka dito?"-masungit naman na bungad sakin ni Shaun

Ano pa nga bang aasahan ko rito sa tropa kong 'to? lagi na lang nagsusungit to sakin ewan ko kung anong problema nito

"Easy ka lang bruh eto na aayusin na HAHA"-sabi ko at inayos ko na yung uniform ko

Di kasi nakabutones ng maayos yung uniform ko kaya ayun.

Natuon naman ang atensyon ko sa may upuan ng gf ko.

Hmm wala pa sya dahil masyado pang maaga.

"Witwiw sanaol may jowa HAHAHA"-biglang sabi ni Jake na loko-loko

SwitchWhere stories live. Discover now