Spencer (katawan ni Zhiane) P.O.V
So ayun na nga guysss HAHAHAH matapos kong gawin yung breakup eck eck na yun at yung mga pangyayaring naganap kani-kanina lamang
Syempre dumating si Ma'am na kj lol
and then nagsimula sya ng klase nya.
Sinimulan sa pagdarasal ket mga demonyo mga kaklase ko then nag-good morning chuchuAnd syempre di mawawala yung attendance
"Blah blah blah.. "-ma'am
Pero asan na kaya yung dalawang yun? sino pa nga ba? edi sila ghorl tas yung gf nya.
Pero na-realized ko, katawan ko pala yung gamit ni ghorl? well, pake ko? HAHAH basta masaya ako sa katawan nya.
And way ko to para manlandi HAHAH
"Zhiane"
Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ni ghorl na parang pangalan ko na rin na walang iba kundi si Shaun milabs goshh
Wait pabebe muna tayo hihe
"Oh?"
"Wala"-sagot nito sabay tingin sa harapan
Eh? nu kaya yun?
Bayaan na nga natin sya HAHA atleast nakita ko yung kagwapuhan nyaaa woohoo shems
Bigla namang dumating sila ghorl na nasa labas at dahan-dahang pumasok paloob nang hindi napapansin ni ma'am
Hay nako
Pero ang gwapo ko rin shemss
"Sinong nagsabing pwede kayong pumasok na dalawa? ha?"-biglang tanong ni ma'am nang makaupo sila
"Kayo ha sa susunod hindi ko na kayo papapasukin"-dagdag pa ni ma'am
"Ano bang ginawa nyong dalawa at di pa kayo pumasok kanina nung wala pa ko ha?"
"Ahh..may emergency po kasing nangyari"-sagot naman ni Zhiane na syang nasa katawan ko so parang ako yung sumagot? HAHA
"At anong emergency naman yon? at talagang dalawa pa kayo ha?"-mataray na tanong pa ni ma'am
"Family matters"-simpleng sagot ni Zhiane na syang nagpataas ng kilay ni ma'am
Dami namang tanong sa buhay netong si ma'am
"Ahh family matters?"-ma'am
"ACCORDING PO KASI SA FAMILY NAMIN,IKAKASAL NA RAW PO KAMI MA'AM WHEN I TURN 20"-singit naman ni Iyah.
Hutaenes? ano raw?
Samu't-saring bulungan at kung anu-anong mga reaksyon ang namutawi sa buong room nang sabihin yun ni Iyah
Like wthhh?
"Ikakasal? seryoso ba yan o niloloko nyo lang ako?"-tanong pa ni ma'am
Napansin kong napatingin nang bahagya si Iyah kay Zhiane na syang nasa katawan ko na parang sinasabi sa mukha nyang makisakay ka HAHAH
Oh diba? galing ko talaga
"Opo ma'am totoo yun kung gusto nyo, tawagan nyo pa yung pamilya namin"-sabi ni Zhiane (pero katawan ko yun) huhu
Napatahimik naman si ma'am at di na muling nagtanong pa then start na ng discussion eck eck na super boring
"Gusto nyo yun? ikakasal na raw sila?"
"Oo nga? pero hindi ba kakabreak lang nila ni Zhiane kanina? tas ikakasal?"
"At isa pa, di kapani-paniwala kasi bakla si Spencer diba? tas ikakasal sila?"