Her P.O.V
"P-Paanong nagkapalit tayo ng katawan?!"-di pa rin makapaniwalang tanong ko.
"Myghad di ko rin alam cyst"-sagot nito
Hayst nakakairita bakit ganto?!
So kasalukuyan na kaming nakaupo sa waiting shed at pinag-uusapan kung bakit nagkapalit kami ng katawan.
"Ano nang plano mo?!"-inis na sabi ko
Badtrip pano ko ipapaliwanag to sa mga tropa ko?! pati na rin sa gf ko?! sa pamilya ko?!
Paniniwalaan kaya nila ako?!
"Ewan ko HAHAHA ansaya nito cyst! nagkatotoo na yung dreams ko! naging totoong babae na koooo!! kaso tomboy nga lang pero okay na yunnn! HAHAHA"-masayang sabi nya
"Hoi baka kung anong gawin mo dyan sa katawan ko malilintikan ka talaga sakin"-seryosong sabi ko na nagpatahimik sa kanya
"Hala ang gwapo pala ng boses ko?! Myghaddd crush ko na sarili kooo pwede ko bang halikan yung sarili ko?!HAHAHA"-baliw na sabi nya
"Aish! ano ba?! mag-act ka nga na tomboy ka! di ako ganyan magsalita! at lalong hindi ako ganyan kumilos!nakakairita"-sabi ko pa
Kainis
"Ewan ko sayo tihh basta kung anong gusto kong gawin habang nasa loob ako ng katawan mo, gagawin ko HAHA at wala ka ng magagawa"- sabi nya
Paktay na
Bakit kasi nagkapalit kami ng katawan?!
"Umayos ka sasapakin kita"-sabi ko
"Sige tih sapakin mo yung sarili mo HAHAHA"-sabi nya
Ano ba to?!
"Uuwi na ko bahala ka dyan"-seryosong sabi ko at akmang aalis na
"Shunga ka ba tih? Like hello? nagkapalit tayo ng katawan anong iisipin ng parents mo or ng parents natin kung uuwi ka sa bahay nyo? HAHAHA"-biglang sabi nito
Oo nga noh? Tsk
Napabalik naman ako ng upo dito . Tumila na rin ang ulan matapos ang pangyayaring iyon
"Tsk san ba bahay nyo?"-inis na tanong ko.
"Well, kailangan nating malaman ang bahay ng isa't-isa tara ituturo ko sayo lahat ng mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa akin"-sabi nya sabay tayo kaya napatayo na rin ako para sundan sya.
May point sya.
Sinabayan ko sya sa paglakad
"Ganto tih una, alam na ng parents ko na bakla ako so kailangan mong magpanggap na bakla or magpakababae ka kung gusto mo HAHA and may dalawa akong babaeng kapatid,yung mahaba buhok, sya si Shira at yung maikli buhok sya si Erica so bahala ka ng makitungo sa kanila HAHA and bahala ka na sa iba"-bungad nya sakin habang sinasabayan ko sya sa paglalakad.
Okay
"Di ako magpapanggap na bakla or magpapakababae tulad nga ng sinabi mo sakin kanina, gagawin ko kung anong gusto ko sa loob ng katawan mo"-nakangising sabi ko
"Bahala ka ghorl HAHAHA basta wag kang magagalit sakin kung anong gagawin ko sa katawan mo ha"-sabi nya
"Dito na"-sabay sabi nya kaya napatigil kami sa paglalakad.
So dito yung bahay nila? okay
"Pumasok ka lang sa loob then makikita mo yung kwarto ko na may nakalagay na puro picture na lalaki sa taas syempre akyat ka HAHA tas magmano ka sa mama at papa ko ah kung nandyan man okay?!"-sabi nya.
"Okay tara ako naman sundan mo sa bahay namin at sasabihin ko sayo ang mga dapat mo ring malaman tungkol sa akin"-seryosong sabi ko kaya napatango na lang sya
Umalis na kami sa tapat ng bahay nya at sumakay na kaming jeep pauwi sa bahay namin.
"First, may gf ako kilala mo naman kung sino yun hindi ba? so ayun basta maging mabait ka sa kanya then yung mga tropa ko? yung katabi ko sa likod? makipag-apir ka sa kanila pag nakita mo then ayun sa bahay naman may kuya ako sya si kuya Tristan basta yung kaklase natin kilala mo na yun.bahala ka na sa kanya tas yung parents ko, hay ewan basta bahala ka nang makitungo sa kanila at take note, mag-act ka na tomboy!"-sabi ko at napangiti naman sya.
Parang tanga.
Maya-maya'y nakarating na kami sa bahay namin kaya pumara na ko at bumaba.
"So dito yung bahay namin pumasok ka na at sesermunan ka pa bilis and yung kwarto ko nga pala bahala ka ng maghanap nun"-sabi ko at pinagtutulakan sya papasok sa loob
"Wait lang yung bag ko!"-pagpigil nya sakin
Napatingin naman ako sa bag namin
Psh pink pa bag nitong baklang to na dala-dala ko.
"Palit tayo ng bag"-sabi nya
Ayoko rin naman ng bag nyang pink
-___-Tinanggal naman namin yung gamit sa loob ng bag at inilagay sa sariling bag namin.
So,palit kami.
"Ge bye alis na ko"-sabi ko.
"Sige ghorl"-sabi nya sabay pasok sa loob ng bahay namin.
***
His P.O.V
Hmm? ano naman kayang magandang gawin sa katawan ng tomboy na yun?
May naisip na ko
HAHAHA