Zhiane's (katawan ni Spencer)
P.O.V"You'll pay for this Spencer"-huling sabi ng lumalanding lalaki kay Iyah matapos umalis
Napangisi lang ako
"Hoy Spencerrr sagutin mo ko! di yon yung unang beses na hinalikan mo si Iyah diba?"-Ysa
"Hoy Ysa shh!"- Iyah
"YIEEEE KAYO AH!"-Ysa
"Hay nako Ysa tigil-tigilan mo nga kami uwi na nga tayo!"-inis na sabi ni Iyah
"Ihhh basta supporter nyo ko! balakajan hmp tara na uwi na nga tayo oi Spencer! sunduin mo na pauwi 'tong future jowa mo hihi"-Ysa
Pft natutuwa ako sa inaasal ni Ysa
"Hoy anong future jowa ka dyan?! oi bakla! umuwi ka na nga sabay kami ni Ysa pauwi eh diba Ysa?"-sabi ni Iyah kay Ysa na may halong panlalaki ng mata
"Loh di ah may sundo ako eh kaya Spencer ikaw na bahala sa future jowa mo ha? ciao~"-pipigilan pa sana ni Iyah si Ysa na umalis pero mas mabilis si Ysa kaya di na napigilan pa
"Ahm ano bakla tara na nga badtrip yun ah"-inis na sabi ni Iyah
"Tara na future jowa ko yiee HAHAHA"-pang-aasar ko sa kanya na mas lalong kinainis nya
"Hakdog pakyow ka di ako magkakagusto sa baklang tulad mo balakajan HAHAHA" matapos nyang sabihin yun ay nauna na syang umalis kaya mabilis ko syang sinundan
"Future jowa naman nang-iiwan tsk"- pang-aasar ko pa
"Loh di ka titigil? gusto mo masuntok? baklang 'to"-Iyah
"Psh ilang ulit ko bang sasabihin na hindi na ko bakla future jowa?"
"Ah basta bakla ka pa rin sa paningin ko at di na magbabago yun"
"Let's see bakla pala ah"-sabi ko at may naiisip na kung anuman hulaan nyo kung ano balakayo
"Oh bat natahimik ka dyan ha?"-tanong ni Iyah
"Wala tara ihahatid na kita sa inyo"-sagot ko sabay hawak ng kamay nya ngunit umangal sya
"Loh? bat may paghawak ng kamay? "-Iyah
"Masama ba? magiging future jowa mo naman ako eh HAHAHA"-sagot ko
"Bitawan mo nga! mamaya may makakita pa satin baka isipin boyfriend kita psh" mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya
"Edi isipin nila pake ko sa kanila? magiging boyfriend mo naman ako eh hindi ba pinagpapanggap mo ko bilang boyfriend mo? naalala mo yun? HAHAHA"-confident na sabi ko
"Wala na ayoko na kalimutan mo na yun!"
"Ayoko eh basta boyfriend mo ko walang makakapigil"-seryosong sabi ko at hinatak sya papunta sa aming pupuntahan HAHAHA
Time check: 12:50pm
Habang naglalakad kami ay hawak ko pa rin yung kamay nya
"Di mo pa rin ba bibitawan yung kamay ko? namamawis na oh"
"Di ko bibitawan kamay mo hanggat di tayo nakakarating sa bahay nyo"
Napa-tsk na lang sya so cute wth
Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming kaklase naming lalake
"Oh? bat magkaholding hands kayo? best friends na kayo? HAHAHA"-bungad nito samin
"Di kami magbestfriend duh-
pinutol ko naman ang sinasabi ni Iyah"Actually boyfriend nya na ko"-sabi ko
"Hoy! anong boyfriend-" pinisil ko naman yung kamay ni Iyah na nagsasabing makisakay na lang
"Woahh diba Iyah kakabreak nyo lang ni Zhiane? galing ah may pinalit ka kaagad HAHAHA "
tsk I hate the way he talk like wtfTiningnan ko naman si Iyah na parang naiiyak kaya sinagot ko ito
"Alam mo bro ganito kase yan di namin kasalanan na pinlano ng magulang namin na maging magboyfriend kami kaya intindihin mo na lang ha? wag kang masyadong pakialamero"-seryosong sagot ko para maniwala sa palusot ko pero sa tingin ko naniwala naman sya
"Ahh HAHAHA di ka na bakla Spencer? woah parang di kapani-paniwala ah nung isang araw lang humaharot harot ka pa sa lalaki ngayon wow iba ka na tol btw stay strong sa inyo ni Iyah HAHAHA ge"-huling sabi nito sabay alis
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad
"Oh bat ang tahimik mo dyan?"-tanong ko kay Iyah
"Wala may inisip lang tara na"
"Si Zhiane na naman ba?"-walang pag-aalinlangang tanong ko
"Loh d-di ah! wala yun baliw tara na"
Di ko alam pero hinila ko sya palapit sakin sabay yakap then dun na sya sumabog char
"B-Bakla ansakit pa rin ng ginawa nya bat ba nagawa nya kong
p-pag-sawaan? d-dahil ba nagpakababae sya? *sniff*"- she said while cryingPinakinggan ko lang yung mga sinasabi nya habang niyayakap sya
Pero maya-maya ay tumigil na rin sya sa pag-iyak at bumitaw na rin sya sa yakap
Humarap sya sakin at biglang tumawa pero may luha pa ring tumutulo sa mga mata nya
Pinunasan ko ang luha nya gamit ang hinlalaki ko
"Ang panget mo talagang umiyak wag ka ngang umiyak"-sabi ko
"S-Sira! HAHAHA hatid mo na nga ko sa bahay"-tanging nasabi nya na lang
Hinawakan ko ulit yung kamay nya at nagpatuloy sa paglalakad buti na lang di na sya umangal pa.