Zhiane's (katawan ni bakla lol) P.O.V
Sh*t sinasabi ko na nga ba at gagawin nya yun eh
"Shh stop crying"-pagpapatahan ko sa girlfriend 'ko'
Hinayupak na baklang yun
"B-Boring ba ko?"bungad na tanong nito sakin na medyo may pag-iyak pa
Eh?
"No"-agad na sagot ko
"S-So,bakit n-nagsawa sya sakin?"-tanong pa nito
"Siguro baliw lang yun kaya nagsawa sya"-wala sa sariling sagot ko dahil nanggigigil pa ko sa baklang yun.
"Pft b-baliw?"
Ayan medyo natatawa sya
"Oo baliw yun"-sagot ko
"Baliw talaga? HAHAHA"-sya
"Siraulo yung hayop na yun isa syang malaking goggles"-inis na sabi ko pero buti na lang tumawa sya
"Goggles?"
"Basta mura ko yun"-sagot ko rito
"Goggles? Goggles? Goggles? Ahhh!"-pag-ulit nito pero buti gets nya na
"Pareho kayo ni Zhiane ng mura HAHAHA ginagaya mo ba sya?"-natatawang tanong nito
"Hindi, sakin galing yun sya ang nanggaya"-sagot ko
"Oh okay"
Saglit na katahimikan ang namuo nang bigla kong maalala na hawak ko pa pala yung kamay nya kaya agad nya itong tinanggal sa pagkakahawak ko pero bago pa nya matanggal ang hawak nya sa kamay ko ay hinigpitan ko ang pagkakahawak dito.
Nagulat naman ito sa ginawa ko
"Uhh? bitaw na haha"-nahihiyang sabi nito
"Ang lambot ng kamay mo"-seryosong sabi ko
"Tamad ako eh HAHAHAH"-sagot nito
"Alam ko"-biglang sabi ko na kinagulat nya
Oh shoot nadulas ako dun
"Pano mo nalaman?"
"Malambot kamay mo eh"-palusot ko at buti na lang napaniwala ko sya.
"HAHAHA btw, pwede bitawan mo na kamay ko? pasmado ako eh nakakahiya"-sya
"Okay lang gusto ko pang hawakan eh ang lambot kasi"-sabi ko
"Okay? sige sulitin mo na HAHAHA diba bakla ka?"
"Dati lang,Hindi na ngayon"-seryosong sagot ko then binitawan ko na yung kamay nya
"Ay wehh? di ako naniniwala balita ko nga andami mo raw gustong lalaki sa room eh HAHAHAH"-natatawang sabi nito
"Hindi ba kapani-paniwala?"-tanong ko
"Hindi HAHAHA"
"Gusto mong patunayan ko ngayon na hindi na ko bakla?"-nakangising sabi ko
"Sige nga patunayan mo HAHAHA"-panghahamon nito sakin.
Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanya
"H-Hoi lumayo ka ngang bakla ka anlapit ng mukha mo sakin HAHAH"-sabi nito nang hindi man lang natitinag sa posisyon namin ngayon.
Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nya na konting-konti na lang maglalapat na ang labi naming dalawa..
"Ngayon bakla pa rin ba ko sayo?"-nakangising sabi ko