"Excited ka na ba, Ate??" Napatingin ako kay Alexis nang bigla itong mag tanong
"About saan??" Pabalik na tanong ko
"Sa pagbalik sa M.A" napataas ang isa kong kilay sa sagot niya sakin
"A little" simpleng sagot ko sa tanong niya
Nasa sasakyan na kami at nasa byahe patungo sa Musical Academy
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang naka earphone, nakabili na ako ng bago pagkat 'yun ang una kong ginawa pagkabalik namin ng s'yudad. Lahat ng nasirang gamit ko sa M.A ay binili ko pagkabalik namin sa s'yudad
Napakunot 'yung noo ko ng may nakita akong babaeng nakatayo sa gitna ng kagubatan
"Manong, pahinto nga po" sabi ko at agad naman itong huminto
"Bakit, ate??" Tanong ni Alexis ng akmang bubuksan ko na 'yung pinto ng kotse
"Basta d'yan ka lang" sabi ko at saka bumaba sa sasakyan at bumalik kung nasaan 'yung babaeng nakita ko pero wala na akong nakita doon kundi ang isang papel na lang
Dinampot ko ito at tinignan kung anong meron at lalo akong nagtaka at lalo ring mas kumunot ang noo ko ng mabasa ko kung ano ang nasa kapirasong papel
*HELP US!!*
+-+-+-+-+-+-+-+-
Sana po nagustuhan n'yu ang prologue hehehehe
Thank you po☺
YOU ARE READING
PAIN IN MUSIC (Book 2)
Teen FictionYour music is hurting ------------------------- Book 2 of Musical Academy