PROLOUGE
Sa isang parte ng karagatan may isang serena na nagngangalang Rilakkuma, na lumangoy papalayo dahil siya ay hinahabol ng isang pating.
“Pwede ba wag mo akong hayaan na patayin ka!”
Sabi ni Rilakkuma sa pating na iyon pero hindi siya nito pinapansin. Tanging ang mata nito ay kulay pula na ipinagtataka ni Rilakkuma dahil hindi naman ganon ang mga mata ng ordinaryong pating na nakakasalamuha niya.
Sa ilalim ng dagat ay mayroong mababait at masasamang nilalang at mukang isa na ang pating na iyon dahil kanina pa siya nito hinahabol.
“You left me no choice but to kill you!”
Sigaw niya dito at tumigil sa paglangoy pagkatapos ay hinarap ang pating. Pinaikot niya ang kamay at bumuo ng isang water ball. Nang malapit na sa kaniya ang pating ay agad niya itong pinatama dito na ikinatalsik naman ng pating at kumalat ang dugo nito.
“Tsk kita mo patay ka na.” Kausap nito sa pating at nag flip hair pa dito bago tuluyang tumalikod at lumangoy pabalik sa kanila. Sigurado siya na papagalitan nanaman siya ng lolo niya dahil tumakas nanaman ito.
Palaging tumatakas si Rilakkuma para mag sanay mag isa. Oo, sinasanay siya doon sa kanila lalo na ang kanyang mga kapangyarihan pero tingin ni Rilakkuma ay hindi ‘yun sasapat, dapat ay totoong laban ang gagawin niya.
Mayroon syang apat na kapangyarihan, iyon ay ang Water, Earth, Air and Fire. Kahit pa na nasa tubig si Rilakkuma ay kaya niyang gumamit ng apoy dahil tinuruan siya ng lolo niya kung paano makakagamit ng apoy sa ilalim ng tubig.
Si lolo Benji niya nalang ana pamilya niya. Hindi na niya tinatanong kung sino ang mga magulang niya dahil kuntento na siya kung anong meron siya. Basta kasama niya lang ito at ang iba pa nilang kasama sa lugar nila, ayos na siya.
Hindi ganon kadami ang mga kasama nila pero sapat na iyon para sa kaniya. Sa tingin niya ay mga tatlongpu lamang sila doon. Sabagay doon siya lumaki kaya't kilalang kilala niya ang mga ito.
Napatigil si Rilakkuma sa paglangoy ng pagkarating niya sa bayan nila ay nasusunog na iyon at nagkakagulo. Agad syang kinabahan kaya hindi siya nagdalawang isip na lumangoy papunta doon.
“A-anong nangyayari?!” kusang tumulo ang luha niya dahil hindi niya maatim ang nakikita niyang kaguluhan sa kanilang lugar.
Nilapitan niya ang kapwa niya serena na nadadaganan ang kanyang buntot. Inalis niya ‘yun gamit ang Telekinesis niyang ability. Mayroon din kasing mga abilities si Rilakkuma.
“Rilakkuma umalis ka na!”
Nagulat siya dahil iyon agad ang bungad sa kaniya ng kasamahan. Kahit na natitigilan at nagtataka ay hindi siya naniwala dito at umiling.
“Hindi! Ba‘t ako a-alis! Anong nangyayari?!”
“Umalis ka na! Ikaw ang kailangan nila!”
Nagtaka naman siya sa sinabi nito pero ginamot nalang niya ang babae at iniwan na muna ito doon. Kailangan pa niyang tulungan ang ibang nahihirapan na nakupaglaban.
Katulad ng una niyang nakausap na serena ay ganoon ‘din ang reaksyon ng mga ito sa kaniya. Hindi nalang niya iyon pinansin hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay at nakasalubong niya ang kaniyang lolo.
“Lolo! Anong nangyayari?!” Tanong nito pero hinawakan agad ng lolo niya ang balikat niya't tinitigan siya ng deretsyo sa mga mata. Nakikita niya ang takot at pagkataranta sa mga iyon.
“Umalis kana apo! Hindi ka na ligtas dito! Pumunta ka sa palasyo hanapin mo ang magulang mo doon!” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi nito.
“Ano po bang sinasabi niyo? Anong palasyo? At anong mga magulang?” Taka niyang tanong pero umiling ito.
“Wala ng oras! Pabalik na sila!” Sabi ng lolo niya at itinutok sa kaniya ang kamay nito na ikinalaki ng mata ni Rilakkuma. Maya-maya pa ay parang nagkaroon ng ipo-ipo na papunta sa kaniya.
“Mahal na mahal kita apo! Patawarin mo ako!” Umiiyak na sabi ng lolo niya.
Walang nagawa si Rilakkuma dahil pumalibot sa kaniya ang ipo-ipo na ‘yun at nakaramdam siya ng sakit sa parte ng buntot niya.
“Ahh!!!” Sigaw niya habang tumataas siya palayo habang nakatingin sa kaniya ang mga serena at sereno na matagal na niyang kasama. Mga nagsisiiyakan na ‘rin ang mga ito.
Habang sumisigaw si Rilakkuma ay nakaramdam siya na parang nawala ang buntot niya at nahati ito sa dalawa. Ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita niyang wala na ang buntot niya at napalitan ng hindi nya alam kung ano.
Natatakot siya sa tumubo sa katawan niya pero napasigaw siya ng makita ang nasa baba na may roong mga masasamang nilalang ang sumasalakay sa mga kasama niya. Sinubukan niyang kumawala sa kinalalagyan niya ngunit hindi niya magawa.
“Lolo!”
Dahil sa kaniyang pagsigaw ay napalingon sa kaniya ang isang serena na may orange na buhok at may korona sa ulo. Nanlaki ang mata niyon at parang nagalit ng makita siyang nasa loob ng ipo-ipo. Laking gulat ni Rilakkuma ng magkaroon ng malakas na pagsabog doon at kumalat ang malakas na liwanag.
______
( A/N:
WELCOME TO MY NEW STORY GUYS!
THANK YOU FOR SUPPORTING ME AGAIN AND AGAIN AND AGAIN! I LOVE YOU ALL!
This is my Fourth Story of FANTASY thank you guys!
Para sa di pa nakakabasa nung tatlo tignan nyo lang po sa Account ko❤️
Vote
Comment
And
Share
Be a fan!
~B.NICOLAY/Ms.Ash)
BINABASA MO ANG
The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
FantasyPaano kung magising ka nalang na wala kang maalala kahit isa? At doon ay malalaman mo na isa ka palang sikat na imbentor ng mga makabagong bagay ang hindi mo alam ay isa ka pala talagang sirena. Ang tanong sino ang taong akala nila ay ikaw? 'The Me...