Chapter Thirty-Four

659 36 0
                                    

Rilakkuma POV.

Ilang araw na ang lumipas mag mula ng mailibing ang Mama namin at masasabi ko na oo malungkot ako ng mga ilang araw pero sa mga nagdaang araw ay nakayanan ko na talaga dahil narin sa tulong ng mga kaibigan ko , kambal ko at syempre si Dark.

Hindi sila sumuko para maging magaan lang ang pakiramdam ko. At ngayon ay ayos na nga ako at ngayon ko na gustong sabihin sa kanila na babalik na kami sa academy dahil ito na ang oras para sabihin sa lahat ang tungkol saamin ni twiny.

Andito kami ngayon sa labas asa may garden kami at kumakain dahil masarap ang hangin dito. Masaya lang kaming nag uusap dito. Masaya ako at nakikita na ang mga ngiti sa labi nilang lahat kaya sino bang hindi madaling makakarecover sa tulong nila hindi ba?

"Guys may sasabihin ako" napatingin naman sila saakin at inintay ang sasabihin ko.

" Nakapag pasya na ako. Oras na para bumalik tayo sa Academy " sabi ko sa kanila na ikinalaki ng mata nila at nag katinginan pa. Alam ko na ang nasa isip nyan. Naramdaman kong hinawakan ni dark ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Baka napipilitan ka lang baby " sabi nya saakin na ikinailing ko naman sa kanya. Sanay narin naman kami na tinataway nya akong baby eh di naman ako sanggol haha.

" Ayos na ako. Sa tulong nyong lahat ay naging ayos na ako. Kahit na alam ko na hindi lang naman ako ang nalulungkot eh nagawa nyo parin akong pasayahin " sabi ko sa kanila habang nakangiti.

" Are you really sure about it twiny? " Tanong saakin ng kambal ko na ikinatango ko sa kanya kaya napangiti narin ito. Mukang gusto narin nya pumasok sa academy kasi ang saya sya nya talaga sabagay di pa pala sya nakakapasok dun.

"Kyahh!! Excited na akong bumalik sa academy! " Sabi ni Faye na ikinatawa namin.

" Lalo na ako! Pangarap ko kayang pumasok sa academy noon pa! Naudlot lang dahil sa mga hindi magandang nangyari hehe " sabi ni Aya na ikina ngiti namin. Tama sya kung di lang nangyari ang mga nangyari nitong nagdaan ayos sana ang lahat ang kaso kung hindi man nangyari yun wala sana ako dito sa tabi nila.

Hindi sana kami magkakapalit ng kambal ko, hindi ko sana sila makikilala , hindi ko sana makikilala si Dark , si Mama lahat sila so wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari kahit pa nawala si Mama. Masaya parin ako kasi kahit papaano sa saglit na panahon ay nakilala ko si Mama.

Nagkwentuhan lang ulit kami at sinulit namin ang mga sandaling iyon dahil pag dating sa Eskwela ay puro pag aaral at training naman.

Matapos ang oras na yun ay nagpasya na kaming bumalik na sa academy. Inayos lang namin sandali ang bahay namin para pag bumalik kami doon ay maayos din naming iyong babalikan.

" Are you ready guys?! " Sigaw ni aya na sobrang excited na ikinatango naman namin. Kay Dark nalang ako sasabay sa pag teteleport. Sa isang iglap lang ay andito nakami sa loob ng gate sinadya namin na sa may gate kami dumaan papunta sa School trip namin haha. At isa pa si Twiny ang nakaisip nyan kasi gusto nya daw lituhin ang mga Estudyante kaya nga parehas kami na nakalugay ngayon eh.

Sabagay noon pa man nakalugay na ako dati pero nitong bumalik ang ala ala ko ay Mahilig ako gumawa ng ibat iba at kakaibang tali gamit ang buhok ko. Kapag nakapag pakilala na kami ay saka ko iyon gagawin.

Nag simula na kaming mag lakad at nauna si twiny wala syang kasabay basta sya lang at ako ang nasa pinakang dulo wala rin akong kasabay habang ang iba ay mag kakasama sa gitna na napapatawa nalang dahil saaming dalawa.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon