Chapter One

2.1K 86 0
                                    

Third Person POV.

"Mia! Mia! Gising!"

Iyan ang naririnig ng dalaga habang pakiramdam nya ay ang sakit sakit ng buo nyang katawan.

Hindi nya magawang imulat ang mata nya dahil parang pagod na pagod ito.

"Mia! Mia!" Paulit ulit na naririnig nga dalaga at parang kay layo niyon kaya kahit hirap ay pinilit nyang imulat ang kanyang mga mata.

Pag ka dilat nya ay maliwanag ang nakikita nya na may pagka malabo at mayroong anino sa harapan nya.

"Mia! Nakikita mo ako?! Ano bang ginagawa mo sa dagat?! Mia!"

Pero hindi na kinaya ng dalaga kaya tuluyan na nyang naipikit ang mata nya na ikinakaba naman ng Ina nito na nakakita sa kanya.

Agad nya itong binuhat at agad na naglaho dahil iyon ang kapangyarihan nya Teleportation. Ability lamang ang kapangyarihan nilang nakatira doon.

Ng makarating sa hospital doon ay agad syang inasikaso at makalipas lang ang ilang oras ay ayos na ito at maari ng pumasok ang ina nya doon pero bago yun ay kinausap muna sya ng healer.

"Kamusta po ang kalagayan ni Mia?" Tanong nya sa healer

"Tatapatin ko na po kayo hindi naging maganda ang lagay nya mabuti nalang at naagapan nyo na makita sya dahil kung hindi baka tuluyan na nyang makalimutan ang nakaraan nya"

Napakunot naman ang noo ng ginang dito.

"Nakaraan?"

"Yes po. May amnesia ang anak nyo. Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kanya pero ang dami nyang nainom na tubig ng dagat o kung ano pa ang nangyari sa kanya sa ilalim ng dagat para maging sanhi ng pagkawala ng ala ala nya"

Napaiyak naman ang ginang dahil sa sinabi ng Healer.

"Babalik pa po ba ang ala ala nya?" Tanong nito.

"Maliit ang Tyansa pero makakatulong kung ipapaalala mo sa kanya ang buhay nya noong hindi pa nawawala ang ala ala nya o di kaya ang mga hilig nya. Pero pakiusap lang po wag nyong sosobrahan dahil baka tuluyang sumakit ang ulo nya at hindi na talaga nya maaalala ang lahat"

Napatakip naman ng bibig ang ginang dahil sa sinabi nito at iniwan na sya ng healer. Ng kumalma na sya ay saka sya pumasok sa loob at nagulat sya ng makitang gising na ito at nakatingin sa labas ng bintana kaya agad syang lumapit dito.

"Mia anak! Gising kana"

Napatingin sa kanya ang anak nya at kitang kita nito ang pagkunot ng noo nya.

Mia POV.

Iminulat ko ang mata ko ng sumalubong saakin ang puting kisame at inilibot ko ang tingin ko. Nasa loob ako ng isang kwarto? Pero kanino.

Dahan dahan akong tumayo at napahawak pa ako sa ulo ko dahil sumakit iyon pero maya maya ay nawala na din naman kaya muli kong inilibot ang paningin ko.

A-ano to? Nasaan ako?

Napatingin ako sa bintana at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakita ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganon sa buong buhay ko kasi dati-

Napatigil ako sa pagiisip ng nakaraan ko dahil hindi ko maalala. Bakit wala akong naalala?! Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit yun kaya tinigilan ko nalang ang pag iisip at muling tumingin sa bintana.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon