Chapter Twenty-Five

666 34 0
                                    

Third Person POV.

Nagising si Mia ng masakit ang katawan at nauuhaw kaya bumangon sya para makainom , nakita nyang natutulog sa tabi nya si Dark. Agad nyang hinawi ang buhok nito sa noo nito at napangiti sya.

Naalala nya ang nangyari bago sya mapunta sa lugar na iyon. May nakita syang mga taong pula ang mata at ng tumitig ito sa kanya ay wala na syang maalala at iyon na nga andon na sya sa isang kwarto. Nilibot nya ang paningin nya at hindi familiar sa kanya ang lugar na iyon.

Bumaba sya sa higaan at hindi na ginising pa si Dark dahil mukang pagod na pagod na ang binata. Samantalang sya ay nanunuyo na ang lalamunan nya. Lumabas sya at nakita nya ang isang magarbong hall way.

Naisip nya na para iyong palasyo at hindi nga sya nagkamali. Sinubukan nyang mag salita pero di nya nagawa dahil nanunuyo na ang lalamunan nya. ' andito na kami sa Heavenly Kingdom ' nasabi nalang nya sa isip nya at naglakad  para hanapin ang kusina.

Pero sadyang napakalaki talaga ng lugar na iyon. Hanggang sa may nakita syang isang malaking pintuan kaya pumasok sya doon. Pagpasok nya ay nakita nya ang isang magandang kwarto.

Kusina ang hinahanap nya pero sa kwarto sya napadpad sa tingin nya ay iyon ang kwarto ng dating Hari at Reyna dahil malaki ang higaan.

Napalakad sya papasok at lumapit sa isang higaan na maliit doon.

' baby crib? '

Nasabi nya sa utak nya at doon nya lang naalala na kapapanganak pa nga lang pala ng Reyna ng mangyari ang pagsugod ni Prince Leo. Hindi nya maiwasang maawa sa mga ito dahil kakalabas palang ng anak nya tapos ganon ang nangyari hanggang sa ngayon lang pumasok sa utak nya ang isang tanong.

" Hindi nabanggit ni Headmistress ang anak nila , nasaan na kaya ito ngayon? " Yan lang ang naisip nya at lumakad sya papunta sa higaan hinawakan nya ang higaan at talagang napakalambot. Kahit na walang ng tao dito sa palasyong to ay napakalinis parin iba talaga ang nagagawa ng majika.

Naglakad sya palibot sa kwarto pero napahinto sya ng may maramdaman syang kakaiba ng mga oras na iyon isinawalang bahala nya ito at nagpatuloy sa paglilibot.

Pero tuluyang nanlaki ang mata ng dalaga ng biglang may humihigop sa kanya. Sinubukan nyang sumigaw pero walang lumabas na boses mula sa kanya hanggang tuluyan na syang nawala sa lugar na iyon.

-----

Samantalang naghahanap na ang mag kakaibigan. Mag kakasama silang lahat pumunta sa mga lugar na maaring kalagyan ni Mia. Hanggang sa mapadpad sila sa pinakang kwarto ng Hari at Reyna. Naghiwahiwalay sila at lumibot doon pero laking gulat ni Greg ng bigla syang higupin ng kung ano na ikinasigaw nya.

Nakita nila kung paano higupin ang binata. " Greg! " Sigaw ni Faye dahil malapit Lang ito sa binata ay sinundan nya ito na ikinasigaw din nito dahil hinigop sya nito.

Tatakbo narin sana si Ann doon pero agad syang pinigilan ni Charles.

" Walang pupunta sa inyo sa gilid na yan! " Napahinto sila at napatingin kay Charles na nagtataka. Nag aalala sila kay Mia at ngayon ay nabawasan nanaman sila.
" Anong meron Charles? " Tanong ni dark sa kanya.

" Isa yang dimension. Mapapadpad kayo sa ibat ibang parte ng Magic World pag nakapasok kayo jan. "

Natigilan sila sa sinabi ni Charles.

" Hindi kaya napunta din dito si Mia at nakapasok sa dimension na yan? " Napatahimik sila dahil sa sinabi ni Ann. Pero napatingin sila sa isang parte ng biglang lumitaw si Greg na basang basa.
" Greg! Anong nangyari?! " Agad na tanong ni Ann dito pero napatigin ulit sila sa isang parte ng si Faye naman ang lumitaw. Puro dahon sya sa katawan.
" Aray! Kainis ano bang lugar yun! " Inis na sabi ni Faye agad na tumakbo si Ann dito para yakapin ito nag alala talaga sya sa kaibigan nya.

The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon