Third Person POV.
Dahil sa kakaiyak ni Rilakkuma ay tuluyan ng nakatulog ito sa bisig ng binata. Tahimik na ang kwarto dahil kapwa nag iisip ang nasa loob niyon pero nakabantay parin sila kay Rilakkuma. Binuhat na ni Dark si Rilakkuma at inihiga itong muli sa higaan nya.
Pinunasan muna ni dark ang muka ng dalaga at hinalikan ang noo nito bago humarap sa mga kasama nya. Ang Mama ni Mia ay tulala. Ang sakit ng nararamdaman nito dahil wala doon si Mia. Hindi nya alam ang gagawin nya dahil wala doon ang anak nya. Ang akala nyang anak na kasama nya ay hindi pala.
" Sa labas tayo mag usap Charles " seryosong sabi ni Dark na ikinalunok ni Charles dahil alam nyang hindi iyon palalampasin ni dark lalo na at ang mahal nitong babae ang dawit sa usapan. Lumapit naman si Dark sa mama ni Mia at inalalayan itong tumayo.
" Tita sa labas po tayo mag usap halikayo " magalang na sabi nito at inakay ito palabas. Tumango lang sa kanya ng ginang at kumuha ng suporta kay Dark. Tahimik din na nakasunod ang iba pa dahil alam nilang maaring sumabog si dark kapag di nito nagustuhan ang mga nangyayari.
Alam nilang napupuno na ito lalo na sa paglilihim ni Charles at ngayon nga ay nahihirapan na si Rilakkuma. Ng makapunta ang mga ito sa sala ay agad nyang iniupo sa sala ang Mama ni Mia. Tumayo sya at nakatingin sa kanya ang mga kaibigan nito alam na nila ang gagawin nito.
At sa isang iglap nga ay nasa sahig na si Charles dahil nakatanggap ito ng isang sapak mula kay Dark.
" Para yan sa paglilihim sa kanya Charles , you made her confused all the time! Hindi mo ba sya nakikita palagi syang tulala. Nung unang dating palang nya dito palagi syang tulala kaya ginawa ko ang lahat para malingat sya sa mga iniisip nya " sabi ni dark sa kanya at masama ang tingin dito. Hinayaan lang sya ng mga kaibigan nya at ng Mama ni Mia dahil deserve ni Charles yun.
" Mag paliwanag ka Charles siguraduhin mo lang na valid ang reason mo " sabi ni Dark at inintay na magsalita ito. Si Charles naman ay naupo ng maayos sa sahig at hinawakan ang panga na nasapak ni Charles. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.
" Nung mga panahon na maayos pa ang lahat Mia keep telling me wired things.
Sinasabi nya na nalaman na nya kung sino ang magulang nya. Ang sabi nya nakita nya mismo , sabi nya saakin may kambal sya at si Rilakkuma yun.
Sabi nya wag na wag ko syang papapasukin sa Academy kaya nanghinala na ako nung nagpumilit sya na pumasok doon. Nung nalaman ko ang lahat ng yun ay hindi ko sinabi kay Rilakkuma kasi si Mia na mismo ang nagsabi saakin noon na kung sakaling mapunta ang kambal nya dito wag kong sabihin kung sino sya.
Tinawanan ko pa sya non kasi ang lakas kako ng imagination nya. Pero hindi ko akalain na totoo talaga.
Ng malaman ko ang lahat binantayan ko ng maigi si Rilakkuma hindi ko pa alam ang pangalan nya kaya nasanay akong Mia ang tawag ko sa kanya.
Sa tuwing nakikita ko si Rilakkuma palagi kong naaalala si Mia. Sa tuwing tititigan ko sya at ngumingiti sya kamukang kamuka talaga nya si Mia mapapagkamalan mo talaga syang si Mia wala silang pag kakaiba ni Rilakkuma , pero kung hindi mo talaga lubos na kilala si Mia ay di mo mapapansin ang pagkakaiba nila.
Si Mia Seryoso lang pero madaldal yun , si Rilakkuma cold parehas sila ni Dark pero pag nakilala mo din si Rilakkuma parehas sila ni Mia.
May isang palatandaan sa dalawa si Mia sadista yan at hindi gumagalang , kung baga siga samantalang si Rilakkuma cold lang pero may galang sa nakakatanda. "
BINABASA MO ANG
The Mermaid is a Princess[COMPLETED] (UNDER MAJOR EDITING)
FantasíaPaano kung magising ka nalang na wala kang maalala kahit isa? At doon ay malalaman mo na isa ka palang sikat na imbentor ng mga makabagong bagay ang hindi mo alam ay isa ka pala talagang sirena. Ang tanong sino ang taong akala nila ay ikaw? 'The Me...